TNG: Chapter 23

2.5K 74 1
                                    

Dalawang araw na ang nakalipas mula nung umalis yung tatlo. Balak pa sanang tumakas kaya lang bigla namang dumating ang mga parents nila. Sina Tita. Napapatawa pa ako ng alalahanin ko ang nangyaring yon.

"Epic." Nasabi ko na lang.

Bored. Yan ang mai-dedescribe ko ngayong araw. Ay hindi---lagi pala. Ano kayang pwedeng gawin ngayon?

"Hmmm." Habang nag-iisip ako bigla namang pasok sa isipan ko ang lola ni Auxcez.

"Tama. Bibisitahin ko na lang si Lola" Sabi ko. Tumayo naman ako at umakyat sa kwarto ko.

Pagpasok ko ay agad akong nagbihis at bumaba rin kaagad.

"Mom. Alis po muna ako." Paalam ko kay Mom.

"Okay. Just take care--oh wait. Saan ka pupunta?" Biglang tanong n'ya.

"Sa lola lang po ni Auxcez." Sagot ko na ikinatango naman n'ya. Naglakad narin ako palabas ng bahay nang marinig ko ang boses ni kuya.

"Nako. Mom, wag n'yong payagan 'yan, mamaya iba na ang ginagawa n'yan eh. Makunsumisyon ka pa d'yan" Sabi ni kuya. Tumawa lang naman si Mom.

"Ikaw naman Ianne, inaasar mo na naman ang princess natin. Tsaka wag mo s'yang igaya sa 'yo. Dahil alam naming hinding-hindi s'ya gagaya sayo." Sabi ni Ate na ikinatawa ko ng mahina.

Hayy. Buti na lang andito si Ate dahil kung wala laging akong inaasar ni kuya, tatawa lang naman si Mom. Pag andito naman si Dad, pinagtutulungan nila ako. Masyado sila sa akin. Parang hindi nila ako anak ah. Haha de joke.

Binelatan ko muna si Kuya bago tuluyang lumabas ng bahay namin. Nag-commute lang ako dahil ayaw kong mag-drive.

Dumaan muna ako sa isang market para bumili ng mga prutas para kay lola. Bumili na rin ako ng chocolate para sa akin.

Nang makarating ako sa hospital ay dumiretso na ako sa room ni Lola. Kumatok muna ako bago pumasok. Napangiti naman ako ng makita ko s'yang nakatingin sa direksyon ko.

"Hello po Lola." Bati ko at sinarado ang pintuan. Pumasok na ako sa loob at humila ng upuan at nilagay sa tabi ng kama ni Lola. Nagmano muna ako bago umupo.

"Hello rin, Hija. Bakit ka nga pala nandirito?" Tanong ni Lola.

"Uhm. Oo nga pala. La may dala akong prutas para sa inyo. Tsaka La, masama bang bisitahin ang Lola ng boyfriend ko." Sabi ko ng nakangiti.

Ehem. Ehem. Boyfriend ko. Ehem. Nabilaukan yata ako dahil sa lumabas na salita aa bibig ko.

Ngumiti naman si Lola. "Hindi mo s'ya kasama?" Tanong n'ya. "Hindi po La. Galing po kasi ako sa bahay namin, dahil na-bored ako, napag-desisyunan kong bisitahin ka." Sagot ko.

"Salamat naman." Sabi n'ya. "Ah. Pagbalatan na ho kita ng prutas." Sabi ko. Tulad ng sinabi ko, binalatan ko si Lola ng isang mansanas at pagtapos ay binigay sa kanya. "Salamat." Sabi n'ya. Nginitian ko lang s'ya at umupo ulit.

"Tutal nandirito ka na rin man lang. Hija, kikilalanin na lang kita." Sabi n'ya

"It's okay. La. Just ask me and I will answer it." Sabi ko.

*******

Mga ilang oras kaming nag-usap ni Lola dito at masasabi ko talagang marami na s'yang alam tungkol sa akin.

Except sa isang bagay. "La, pwede ko ba kayong sabihan ng isang sikreto?" Tanong ko. Tumango lang s'ya.

Dahan-dahan kong tinanggal ang eyeglasses ko saka tumingin sa kanya. Nakatitig lang s'ya sa akin.

"You look familiar." Napasabi n'ya. Nakatitig lang kami sa isa't isa. "Sheena? The famous model?" Tumango ako sa sinabi n'ya.

"How?" Tanong n'ya. "I'm disguising as a nerd. La." Sabi ko. "Why?" Dagdag n'ya. "I don't know either. It's just like, I wake up one day who wants to be loner. A nerd. Simple girl." Sabi ko at ibinalik ang eyeglasses sa mata ko.

"May grado ba 'yan?" Tanong n'ya. Umiling ako. "Nope. Nakasanayan ko na lang ang magsuot nito." Sabi ko at nagkibit balikat.

Mahabang katahimikan ang namayani sa amin. Maya-maya nagsalita si Lola.

"Hija. Maganda ka." Napatawa naman ako sa kanya. "That's impossible. La." Sabi ko. Totoo naman ehh. Marami na ang nagsasabi n'yan sa akin pero hindi ko sila pinaniwalaan man lang. Bakit? Dahil hindi ako naniniwala na maganda talaga ako. Kahit na model pa ako.

"Whatever you say, Hija. Gusto ko lang mangako ka sa akin na hindi mo iiwan ang apo ko. Isang beses lang 'yan kung magmahal pero bigla na lang nasaktan. Gusto kong ikaw na ang huling babaeng mamahalin n'ya at ikaw naman ang babaeng magmamahal sa kanya." Sabi ni Lola.

Ilang minuto siguro ang nakalipas bago ako nakapagsalita at lumabas na lang sa bibig ko ang salitang.." I promise."

Auxcez POV°*


I decided to visit my Lola, because it's been 3 days since the last time I last visited her. I go out to my unit and drove my car to the hospital.

Tinignan ko muna ang phone ko para tignan kung anong oras na. 10: 48 pm

Baga gising na naman si Lola. Kahit kailan ang tigas ng ulo ni Lola eh. Sabi kong wag magpupuyat pero lagi naman n'yang ginagawa, kaya hindi gumagaling eh.

Pumasok na ako sa loob ng hospital at pumasok sa elevator, pinindot ang 14th floor. Nang tumunog ay agad naman akong lumabas. Pumunta ako sa room ni Lola.

Hindi na ako kumatok pa at basta na lang pumasok.

"GoodEve po La." Bati ko at sinarado ang pinto at pumasok na sa loob.

"Shhh." Saway ni Lola. Kumunot naman ang noo ko. Napansin yata n'ya ang expression ko kaya tinuro n'ya ang nasa bandang tabi n'ya. Nakaupo habang ang ulo ay nakatungo sa bedside ni Lola at natutulog.

'What is she doing here?' Tanong ko sa isipan ko.

The Nerdy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon