TNG: Chapter 17

2.6K 81 0
                                    

Tryshianne POV°*


"Ano bang gagawin natin dito?" Naiinip na tanong ko. Kanina pa kasi kami lakad ng lakad dito sa Amusement Park, wala naman kaming ginagawa.

"Pwede bang tumahimik ka? Ang ingay mo eh." Naiinis n'yang sabi.

"Psh!" Sabi ko at nagdabog na naglakad. Bahala s'ya dyan. Lumayo ako sa kanya at naglakad-lakad dito. Saan kaya ako unang sasakay sa rides?

Ah! Alam ko na. Uunahin ko ang Ferris Wheel. Ang ganda kaya don, kahit na ilang taon na akong sumasakay doon, hindi pa rin ako nagsasawa.

Bahala nga s'ya. Sabi n'ya magce-celebrate daw, pero anong ginagawa n'ya? Ah basta, ako na lang ang magce-celebrate. Waah! Magsasaya na lang muna ako, bahala s'yang maglakad ng maglakad d'yan.

"Ate, one ticket nga po." Sabi ko, binigay naman n'ya sa akin ang ticket at sumakay na rin ako. Ready na ang camera ko.

Auxcez POV°*


Nakakainis na 'tong babaeng to, ang ingay ingay, kala mo may megaphone ang lalamunan ehh. Bahala s'ya magputak ng magputak d'yan. Naghahanap pa ako ng pwedeng gawin para sa pagce-celebrate ng monthsary. Hindi ako magaling sa ganito, kaya hindi ko alam kung ano ang uunahing gawin.

Sa Ferris Wheel na lang kaya unahin ko. Pumunta ako doon at saktong hindi pa naman umaandar.

"Miss, 2 tickets." Nang ibigay sa akin ang ticket, ay agad na akong pumasok sa loob pagkabigay ko nang ticket sa lalaking nagoorganize yata 'yon. Bahala ng sumunod s'ya sa akin.

Maya-maya umandar na ang sinasakyan namin. "Hey! What do you feel?" Tanong ko habang nililibot ang tingin ko. Napansin ko namang walang sumasagot kaya inulit ko ang sinabi ko.

Pero nagulat ako ng wala akong katabi man lang dito. Nasaan na 'yon? May kasama ba ako pagkasakay ko?.

Makikita talaga ng babaeng 'yon. Aalis na lang ng bigla- bigla, nagmukha tuloy akong tanga kanina, kaya pala nang tignan ako ng babae kanina, nakakunot ang noo, siguro inakala n'ya na bakit dalawa ang binili ko eh iisa lang naman ako. Tsk. That nerd!!!

Tryshianne POV°*


Nang matapos umikot ang Ferris Wheel ay agad akong bumaba. Nakayuko akong naglalakad kasi nag-iisip ako ng sunod kong sasakyan nang mapahinto ako dahil may nakita akong dalawang paang nakaharang sa daan ko.

Grabe naman to si kuya, sobrang luwang ng daanan pero sa daan ko pa talaga humarang na para bang sinsabi nya na umalis ako sa daanan n'ya. Psh.

Pero nagulat na lang ako nang iangat ko ang tingin ko. Sumalubong sa akin ang parang nagagalit na mukha ni Aux. Patay!

"Where did you go?!" Madiin na sabi n'ya. Naglakad s'ya papalapit sa akin at hinawakan ang kamay ko saka ako hinila palayo doon.

"Answer me. Where did you go?" Pag-uulit n'ya. "Aah...a...ano kasi.." Nauutal na sabi ko.

"What?!" Sabi n'ya at dinala ako sa parking lot, binitawan naman n'ya ako sa tapat ng kotse n'ya.

"Ano ba? Sumakay lang ako ng Ferris Wheel ehh. Kung magalit ka naman wagas." Sabi ko. Kumunot naman ang noo n'ya.

"Does it mean, nakasakay ka rin doon? Ba't hindi kita napansin?" Naguguluhang sabi n'ya.

"Andun ka din?" Tanong ko. "Obviously. Kakasabi ko nga lang diba." Wala sa sarili n'yang sabi. Ang lakas din ng topak nito eh no? Mabagok sana s'ya.

"Badtrip." Bulong ko. Ang boring n'yang makasama. Totoo 'yun. "Anong sabi mo?" Tanong n'ya.

"Wala. Sabi ko umuwi na lang tayo. Baka hanapin na ako ni Mommy ehh. Tsaka pagod na rin ako." Sabi ko. Nakakainis ehh. Sa oras na matapos na ang kontrata namin, aalis na ako ng bansa para hindi na s'ya makita. I swear. Napaka-iresponsable. Napaka-selfish n'ya.

Wala ako sa mood habang nagbya-byahe s'ya pauwi sa amin. Hindi ko naman s'ya pinapapunta sa bahay namin. Doon parin ako nagpapababa sa labas ng subdivision namin.

Pagkarating namin sa tapat ng gate ng subdivision ay agad akong bumaba ng hindi man lang s'ya pinapansin. Dire-diretso akong pumasok sa gate ng hindi man lang lumingon-lingon.

"Nerd." Tawag n'ya pero hindi ako lumingon. "Hey, panget." Bakit ba sa tuwing tatawagin n'ya akong panget, naiinis ako.

Nagulat na lang ako ng may biglaang humawak sa kamay ko at pinilit na iharap sa kanya.

"Are you mad?" Tanong n'ya na parang nag-aalala. "Hindi ah, bakit naman ako magagalit? Pagod lang siguro ako." Sabi ko ng hindi nakatingin sa mga mata n'ya.

Lalong lumaki ang mata ko ng niyakap n'ya ako. "H-hoy.." Nauutal kong sabi.

"Kung galit ka....sorry na. " Sabi n'ya na may pag-aalala sa kanyang boses.

Ang puso ko?.. Tumitibok na naman. Tinulak ko s'ya papalayo sa akin at nag-iwas ng tingin.

"Hindi talaga ako galit. Sige umalis ka na. Ba-bye." Mabilis kong sabi at tumakbo papalayo.

Hayy. Bakit ganito? Yung puso ko. Waah!!

"Tryshianne. Anong ginagawa mo dyan?" Napatayo naman ako ng tuwid at napatingin kay Mommy na nakatayo sa may pintuan.

"Ah. Wala Mommy. Sige tara na pasok na tayo sa loob." Sabi ko at pumasok sa loob at hinila si Mommy papasok sa loob.

The Nerdy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon