Nakahiga na ako ngayon dito sa kama dahil ang sakit sa puson kapag ang tagal nang nakahiga sa kama. Kanina pa ako nagfa-facebook at nagsi-seen lang naman ako. Panigurado kasing walang magcha-chat sa akin dahil nerd ang profile ko at puro mga kaklase ko rin ang mga friends ko.
Ah! May naisip na ako. Mag-ii-skype na lang ako. Aalamin ko kung ano ang buhay nila doon. Hahaha.
««««●»»»»
"Hello there." Bati ko na nakangiti. Parang gusto kong matawa dahil sa mga itsura nila.
"Trysh. Ayaw na namin dito." Parang nagmamakaawa nilang sabi. Napangiti naman ako.
"Kaya nyo yan." Sabi ko. "Look. Tignan mo ang mga bodyguard ng mga magulang namin, kung makabantay akala mo talaga tatakas kami." Sabi ni Yana at ipinakita sa akin ang mga guard na nasa tabi nila.
"Ba't hindi ba?" Nakakaloko kong sabi kahit na alam kong hindi talaga sila makakatakas d'yan kahit pa subukan nila ng palihim. Nasubukan ko na kaya 'yan kaya lang hindi talaga ako nagtagumpay dahil sa ang higpit ng mga bantay.
"Aish. Oo na, balak talaga namin yun." Sabi nila. "Wag n'yo talagang subukin dahil hindi kayo magtatagumpay." Sabi ko sa kanila.
"Paano ka ba nakatiis dito dati? Bakit ganito ang mga magulang natin? Ide-date tayo sa taong hindi natin kilala, although, gwapo nga at kasing-edad lang natin, ayaw ko pang pumasok sa isang relasyon." Sabi ni Andrialle.
Buti nga sila 16 year old silang ginanyan samantalang ako 13 pa lang. Ang unfair diba? Tsaka sa pagkakaalam ko, mga trip lang 'yan ng magulang namin. See, mga magulang naming parang mga bata mag-isip.
"Napaka-advance mong mag-isip eh noh? Pagkatapos n'yo d'yan malalaman n'yo rin ang totoo kung bakit ginagawa 'yan ng magulang n'yo. Ewan ko lang kung anong magiging reaksyon n'yo." Sabi ko.
"Grabe. Ang gaganda n'yo d'yan." Puri ko dahil totoo naman. Litaw na litaw ang kagandahan nila sa light make-up nila at sa mga gown na suot nila. Wala silang suot na disguise dahil nga sa sosyaling event sila pumunta.
Inirapan muna nila ako bago nagsalita. "Your the most beautiful. Bakit ba lagi mo kaming pinupuri kahit na ikaw talaga ang 'Most' sa amin." Sabi nila.
Yan naman ang word na yan. Ganda. Bakit ba lagi nila akong sinasabihan n'yan. Naging model lang naman kasi ako dahil kay Ate Chann.
"Tama na. Sige na." Sabi ko. "Nasa condo ka ba ni Auxcez?" Nakakunot nilang tanong.
"Yes. Why?" Balik na tanong ko rin.
"Parang napapadalas ata ang pagdalaw mo d'yan." Sabi nila. Inikutan ko lang sila ng mata ko at nagpaalam na.
««««●»»»»
Binaba ko ang phone sa tabi ko at tumingin sa kisame. Masyadong nababad ang mata ko sa cellphone and the worst nakahiga pa ako habang ginagamit ang phone.
Dahan dahan akong tumayo dahil baka pagbinigla ko ay dumilim ang paningin ko at mahilo ako. Anemic be like.
Lumabas ako ng kwarto at tumabi kay Auxcez na nanonood parin ng basketball. Ano bang klaseng palabas na 'yan? Ang panget panget eh.
"Aux. Ako naman ang manood. Please." Sabi ko. Naka-sky cable kasi sya. Gusto kong manood ng k-drama.
Pero hindi n'ya ako pinansin at doon pa rin sa TV ang mata n'ya. Psh. Nakaka-boring.
"Bahala ka nga. Uuwi na ako." Sabi ko at tumayo pero pagtayo ko bigla naman akong natapilok kaya napa-upo uli ako sa.........kandungan n'ya.
Nagulat pa ako dahil pagtingin ko sa mukha n'ya para tignan kung anong reaksyon n'ya ay ang lapit ng mukha n'ya sa akin at wala na sa TV ang atensyon n'ya kundi sa mata ko na.
"A-ano.....k-ka----" Hindi ko matuloy ang sasabihin ko dahil unti unting lumalapit ang mukha n'ya sa akin.
"You know what. You always make me feel like I want to kiss you." Sabi n'ya habang lumalapit ang mukha sa akin.
........Dug......dug......dug....
Napahawak ako sa dibdib ko nang tumibok ito. Hindi ako ignorante para hindi malaman ang ibig sabihin nito kapag ganito ang sitwasyon.
Ilang inches nalang at malapit n'ya na akong mahalikan ay kumirot ang paa ko.
"Aahh...Ouch!!" Iniwas ko ang mukha ko at tumingin sa paa kong namumula. Na-sprain ata ehh.
"Trying to escape from my kiss. Huh?" Bulong n'ya sa tenga ko. Nanginig naman ang katawan ko dahil ang husky ng pagsasabi n'ya doon.
Hinawakan nya ang magkabilaang baywang ko at maingat akong ibinaba mula sa kandungan n'ya. Pinaupo naman n'ya ako sa sofa, samantalang s'ya ay lumuhod at kinuha ang paa kong namumula dahil siguro sa pagkakatisod ko.
"Stay here. I'll get the first aid." Sabi n'ya at tumayo. Sinundan ko s'ya ng tingin papunta sa kusinan n'ya. Paglabas n'ya ay may dala dala na s"yang first aid kit.
Paglapit n'ya sa akin ay lumuhod ulit s'ya at kinuha ang paa kong na-sprain. Gagamutin na sana n'ya kaya lang pinigilan ko.
"A-ako na lang. Kaya ko naman ehh." Sabi ko. Tinignan naman n'ya gamit ang malalamig n'yang mga tingin.
"No. May kapalit to." Sabi n'ya. Kapalit? Ano naman yun?
"Anong kapalit na naman yun? Hoy wala akong pera ha. Kita mong eto parin ang damit ko mula kahapon diba?" Sabi ko.
"Later, you will know." Sabi n'ya. "And I have lots of money so I don't need your money for exchange and for the last, even if you didn't change your clothes, your not stinky at all." Sabi n'ya at ginamot ang pamamaga sa paa ko.
......Dug.......dug........dug......
Eto na naman ang heartbeat ko. Ano batong puso ko, makarinig lang ng corny-ng salita, titibok agad.
"E-eh ano ngang kapalit?" Pamimilit ko. Tinignan naman n'ya ako ng masama.
"Don't you know how to understand my words? I said Later. Don't talk and stay quiet." Sabi n'ya at binaling ulit ang mukha sa paa ko para ipagpatuloy ang paggamot.
Ginaya-gaya ko pa ang sinabi n'ya at nagulat na lang ako ng magsalita s'ya.
"I said Don't talk." Sabi n'ya.
Psh!!!
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl [COMPLETED]
RandomIt is hard to be a normal girl. Coz you can still encountered different things. Pretending is hard, so life too. Having a life is a blessing but being a lifeless is a worst feeling. It is not my fault if i lied because I just want to be a normal li...