TNG: Chapter 21

2.5K 74 0
                                    

*°Tryshianne POV°*

Balik schooling na ulit ako dahil matatapos na ang month of december at ang school ni Mom ay walang christmas break kaya tuloy parin ang pag-aaral.

Andito ma kami ngayon sa school pero nasa cafeteria kami kasi lunch na.

"Hey, Girl. Tignan mo sina Sheena, Ellaine, Andrea at si Yehana oh. Ang gaganda nila."

"Yeah. Diba 'yan yung bagong labas na magazine?"

"Oo. Bakit?"

"Bibili ako ng marami nyan pangcollection ko sa bahay."

"Baliw."

Mga naririnig naming usapan pero tuloy lang kami sa pagkain, alam naman naming kami yung tinutukoy nila, tsaka wala kaming pakialam kung kami ung pag-usapan.

"Anong plano n'yo, this Christmas?" Tanong ni Andrialle. Tumigil kami sa pagsubo ng pagkain at tumingin sa kanya.

"Malay ko." Sagot ko, nagkibit-balikat lang ang dalawa. Bumalik na kami sa pagkain hanggang sa matapos kami.

******

Wala ang teacher namin ngayon dahil daw may important things s'yang gagawin, okay lang yun dahil inaantok pa ako ehh.

Duh! Dahil sa laging walang pasok, ayan tinatamad na rin akong mag-aral pero hindi naman masyado.

"Hey Nerd.... Miss me?" Biglang may sumulpot na apat na babae sa harapan ko--I mean sa harapan namin. Napatingin ako sa kanya. Sino ba tong babaeng toh? Wait---Is she the girl who really wants to take revenge on me but it didn't happen because of Auxcez announcement? Right! S'ya nga, Ano nga bang pangalan nito? Ah di ko na s'ya maalala.

"What do you need?" Walang ganang tanong ko. "Do you remember what I told you?" Tanong n'ya. Tumango naman ako, hinding hindi ko yun makakalimutan, hindi naman ako ulyanin ehh.

"Good. I want to do that right now." Sabi n'ya. Determinado talaga s'ya eh no? Mahigit 2 months na ang nakakalipas pero ayun parin ang nasa isip n'ya. Ibang klaseng babae. Tsk. Tsk.

"Then do it. I won't stop you." Sabi ko. Napa-irap muna s'ya bago tumingin ulit sa akin.

"Iba ka rin eh no? Naging kayo lang ni Auxcez nag-iba kana. Ang kapal talaga ng mukha mo!! Dapat sa akin lang s'ya ehh, pero ng dahil sa kalandian mo, nag-iba ang resulta. A nerd who has a BITCH side." Sabi n'ya. Kaming walo lang ang nandito dahil yung mga classmates namin, ayun nasa galaan, hindi ko rin alam kung nasaan sina Aux dahil sa hindi naman sila pumasok ngayon.

'Mapapasabak ata ako ngayon, huh?'

"Nagkabaliktad ata? Diba sa ating dalawa ikaw ang BITCH? Wag mo akong ikukumpara sayo dahil kailanman ay hindi tayo magiging pareho." Sabi ko ng seryoso.

"Lumalaban ka na ngayon. Bakit? May pagkukuhanan ka ng lakas? Sino? Yung boyfriend mong nilandi mo? You're a whore bitch." Sabi n'ya. Wala akong pakialam sa mga sinasabi n'ya.

"Yeah. Whatever." Bored kong sabi. Ang boring n'ya kaya kausap, kahit sino siguro ayaw s'yang makausap, di ko alam kung paano s'ya natitiis ng mga alipores n'ya?

"Hey! How dare you to slap her?!" Sabi ni Yana. "She deserve it. At bakit ka ba nangingialam?" Sagot naman ng babaeng yun, nakalimutan ko ang pangalan n'ya, ang panget siguro pakinggan kaya inalis ng memory ko ang pangalan n'ya sa utak ko.

Sasampalin pa sana n'ya ako ng biglang pumasok ang mga estudaynte. Binaba n'ya ang kamay n'ya at inayos ang mukha, mula sa pagiging demonyita naging inosente. Plastic!!! Tumayo ako at hinarap s'ya.

"Why did you stop? Are you afraid that everyone will might look down at you? How such a girl like you. Tsk. Attention seeker but that two word doesn't suit you. Plastic girl!!" Sabi ko at tinulak s'ya ng malakas dahilan para mapaupo s'ya sa sahig. Nagulat naman ang mga estudyante, ngayon nasa amin na ang atensyon ng lahat ng estudyante.

"You are an angel outside but a DEMON outside. Yeah right. You are not an angel. You are an angel came from hell." Sabi ko at akma ko s'yang sasampalin ng....

"MISS LOPEZ!!!!"

Binaba ko ang kamay ko at tumingin sa kanya. "GO TO MY OFFICE AFTER CLASS!!!" Napa-irap na lang ako at  bumalik sa upuan, ganun din ang mga kaklase kong tsismosa at tsismoso.

Habang nagtuturo si Ma'am ay nag-vibrate ang phone ko. Kinuha ko ito at nilagay sa ibaba ng desk ko at binuksan para basahin kung sino ang nag-text.

From: Auxcez Gorilla!!!

    I didn't know that your a war freak. It's just bad that I'm not there to watch you fight closely .

Tsk. Ang sabihin n'ya dapat nandito s'ya para pigilan ako, maga-guidance pa tuloy ako. Psh.

Pero........

*evil smile* Ang saya pala maging bad kahit ngayon lang. Hayy, sana maulit pa to. Woooo, ang saya saya ko. Hahaha

*****

After class pumunta ako sa office gusto pa nga ako nilang samahan kaya lang sabi ko kaya ko na ang sarili ko.

Kumatok muna ako tapos pumasok na, nadatnan ko si Ma'am na nakaupo na sa harap ng desk at may binabasa. Napatingin naman s'ya sa akin.

"Sit here" Utos n'ya, kaya sinunod ko.

"I want you to explain." Sabi n'ya. Dahil dun inexplain ko nga sa kanya ang nangyari...pero parang hindi s'ya naniniwala ehh.

"Sya talaga ang nauna Ma'am, gumanti lang ako." Pagdepensa ko sa sarili ko pero parang hindi parin s'ya convince. Ano ba namang teacher to?.

"Kitang kita ko ang nangyari, Miss Lopez. Kung ayaw mong umamin, papuntahin mo bukas ang magulang mo dito." Napangisi na lang ako. Right. Bago pala siyang Guidance Councilor kaya wala siyang alam tungkol sakin.

"Okay Ma'am. I'm sure pagnaka-usap mo na s'ya, siguradong maco-convince ka n'ya." Sabi ko ng nakangiti.

Aftet that, eto na ako ngayon at naglalakad na papuntang parking lot dahil sigurado akong kanina pa ako hinihintay ni Manong driver namin.

Napapatanong nalang ako sa isip ko. Bakit yung mga nerd lagi ang nahuhuli pag nasa ganoong scenario? Tapos hindi pa maniniwala ang teacher pag sinabi ang tama. Ang unfair lang ha. Laging yung mga nerd ang kawawa. Now I know kung ano ang nararamdaman ng ng mga Nerd. Tsk. Tsk.

The Nerdy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon