Hi MessyTiffyVlog. Thank you for support.
Kakatapos lang ng exam namin at nandito na kami sa cafeteria para kumain.
"Kyyaaaaa!!!" Tili ni Yana.
Napatakip naman kaming lahat sa tenga namin dahil sa lakas ng boses nya. My ghad! Nasa cafeteria kami, wala kami sa bundok.
"What the!! Yana. Bakit kaba tumitili?" Inis na tanong ni Eylense ng maka-recover kami sa boses ni Yana.
"Yuhoo. Pinakopya ako ni Aicyll. Pinakopya ako ni Aicyll." Pakantang sabi n'ya. Natapal ko na lang ang noo ko. Sabi kong wag niyang sasabihin ehh. Napaka-kati talaga ng bunganga ni Yana. Argghh.
Kunot noong lumingon sila sa akin maliban kay Yana na parang wala sa sarili dahil sigurado s'yang mataas s'ya.
"What?" Maang-maangan kong tanong sa kanila.
"Pinakopya mo s'ya? Akala ko ba ayaw mong magpakopya? Bakit mo s'ya pinakopya? Tsaka diba bawal magpakopya?" Tanong nila.
"Huh? Hindi naman ahh."
"Magkatabi kayo ng upuan."
"Eh hindi naman talaga ehh."
"Anong hindi pina----" Agad akong lumapit kay Yana at tinakpan ang bunganga n'ya. Pinandilatan ko s'ya ng mata para tumahimik.
Binalik ko ang tingin ko sa kanila at ngumiti.
"Hehe. Kayo na lang muna mag-lunch... May pupuntahan lang kami." Sabi ko. Duda parin sila sa ginagawa ko.
"Kayo lang?"
"Oo hehehe. Ghe bye." Sabi ko at hinila si Yana papalayo doon. Pumunta kami sa garden at pinaupo ko s'ya.
"Ano ba? Sabi kong wag mong sasabihin kahit kanino ehh." Sabi ko.
"Sorry na. Sobrang natuwa lang talaga ako ehh." Sabi n'ya at nag-peace.
Nag-stay lang kami ng ilang minuto dito habang nag-c-cellphone ng biglang nag-vibrate ang phone ko.
From: Manager
Meet me at the parking lot of your school.Kainis. Ako palagi ang tinetext ni manager. Eh may phone naman yung tatlo.
"Let's go. Hinihintay tayo ni Manager sa parking lot." Sabi ko at tumayo na. Sumunod naman s'ya sa akin.
Pumasok kami sa cafeteria at hinanap ang table nila Eylense. Nang makita namin ay agad kaming lumapit doon. Napatingin naman sa amin sila ng lumapit kami. Agad kong binulungan si Eylense. Ganun din si Yana kay Andrialle.
"Alis muna kami ha." Sabi ko. Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at umalis na kami.
Pumunta kaming parking lot at nakita namin si manager na nakasandal sa van. Lumapit naman kami.
"What?" Tanong ni Andrialle. Sinenyasan naman n'ya kami na pumasok sa loob kaya sumunod na lang kami.
"Manager naman ehh. Kumakain pa kami ehh."
"Kailangan n'yong pumuntang france para sa isang press conference"
"Huh? For what?"
"Ni request yun ni Chantel, dahil nga sa sikat kayo especially ikaw Sheena. Kailangan n'yong pumunta doon para rin sa fan meeting."
"Hayy. Kailan ba?"
"Next day." Napabuntong hininga na lang kami.
"Walang katapusang schedule."
Naglalakad na kami dito sa hallway ng biglang tumunog ang speaker, na nasa bulletin board na daw ang mga rank nung mga students.
Kaya doon nalang kami dumiretso imbes na sa room dapat. Nang makarating kami, agad naming hinanap ang pangalan namin.
Agad nanlaki ang mata ko ng makita ko ang rank ko. Seriously? Is this real??
"Kyaah! I'm so proud of you My friend. Ikaw yung Rank 1." Sabi sa akin ni Yana.
1. Tryshianne Aicyll Lopez
2. Auxcez Aian Smith
3. Yana Louise Montemayor
4. Andrea Alexis Sandoval
5. Henrick Jonny Santos
6. Sheila Agustin
7. Brent Kian Valdez
8. Eylense Tiara Lim
9. Xander Debvain Park
10. Andrialle Ellipse CruzBlah. blah. blah. Masaya ako at kaming apat ay nakasali sa rank.
"Salamat talaga. My friend." Bulong sa akin ni Yana. Tumango na lang ako.
Tapos na ang klase at pauwi na kami. Nakasakay ako sa kotse ni Aux, dahil sinabi sa akin ni Mommy na on-leave si Manong Iskong kaya hindi n'ya ako masusundo kaya dito na lang ako sumakay, besides ihahatid naman n'ya ako sa bahay ehh.
On the way na kami sa bahay ng biglang mag-open ako ng topic.
"Aux. Aalis nga pala ako." Diretsong sabi ko. Kunot-noo s'yang tumingin sa akin pero binalik din ang tingin sa daan.
"Where are you going?"
"In france. May press conference kami at fan meeting. Kailangan naming pumunta."
"Namin?" Takang tanong n'ya. Oo nga pala, hindi n'ya pa alam yung tungkol sa disguise nila Eylense.
"Uh. Sila Eylense."
"Oh. I don't know that"
"Kailan alis n'yo?" Tanong n'ya. "Next day." Sagot ko.
"Ahh. Bumalik ka agad."
"Of course. Bakit naman ako magtatagal don?" Nasabi ko na lang.
Nang makadating na kami sa bahay ay niyaya ko s'yang pumasok muna pero tumanggi s'ya.
"No need. Baka hindi ka makatulog bukas at mapagod ka pa."
"Huh? Bakit naman?"
"Tsk. My poor girlfriend. Alam mo namang gwapo ang boyfriend mo, syempre pagnakasama mo ako ng matagal, iisipi---"
"Hambog ka talaga eh noh." Sabi ko pero tumawa lang s'ya.
"Ghe na. Umuwi ka na." Sabi ko.
"Bye."
"Bye. I love you."
"I love you too."
Pero hindi parin sya umaalis. "Ba't di ka pa umaalis?" Tanong ko.
"Where's my kiss?" Tanong n'ya.
"Wala. Nasira yung labi ko ehh." Palusot ko pero parang wrong move ata dahil nakita ko s'yang ngumisi.
"Yeah. Right. Sinira ko nga pala yan kakahalik sayo. Ang sarap kasi eh..."
Agad na akong tumakbo papasok ng bahay. Narinig ko pa ang tawa n"ya. Hambog na lalaking yung. Pervert pa.
Pagpasok ko sa loob, naabutan ko si Mommy na nagbabasa ng tabloid sa sala kaya nilapitan ko ito.
"Hi Mom."
"Oh! Hi princess."
"Anong nangyari at parang ang saya saya mo ata?" Nakangiting tanong ni Mommy nang bitawan n'ya ang hawak n'ya at humarap sa akin.
"Wala naman Mom. Rank 1 lang ako sa Exam namin."
"Really. Dapat magcelebrate tayo nyan." Tuwang-tuwang sabi n'ya.
"No need Mom. Aalis din ako bukas ehh kasi may press conference at fan meeting kami in france. So i need to rest muna para bukas."
"Is that so?
"Yup."
Nang akmang tatayo si Mom para kumuha ng makakain, pinigilan ko s'ya at tumingin sa mata n'ya.
"Mom. You told me that my real parents are in france. Can i meet them after my busy day?"
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl [COMPLETED]
RandomIt is hard to be a normal girl. Coz you can still encountered different things. Pretending is hard, so life too. Having a life is a blessing but being a lifeless is a worst feeling. It is not my fault if i lied because I just want to be a normal li...