Ilang oras na ang nakalipas pero wala atang balak na umalis ang gorillang to. Ang dami naming endearment sa isa't isa eh noh? *note the sarcasm*. Tumayo ako at lumapit sa kanya. Papauwiin ko na toh, baka mamaya biglang dumating sila Mommy dito, mahuli pa ako.
"Uy! Umuwi ka na ,gabi na oh, tsaka parating narin sila Mom." Sabi ko at hinawakan ang kamay n'ya at hinila hila s'ya patayo.
"Can i still stay at least 1 hour?" Inaantok na tanong n'ya. "No. Bawal na, dadating na nga si Mom eh." Pilit na sabi ko. Patay talaga ako pag nalaman ni Mom ang tungkol dito.
Ah. Ayaw mong tumayo huh. Tignan natin. Kumuha ako ng unan at pinaghahampas s'ya.
"Umuwi ka na sabi eh!" Sabi ko habang pinaghahampas s'ya ng unan. Iwas naman s'ya ng iwas, akala mo huh.
"Stop..ano ba?! Masakit ya....Stop.....ayaw mo huh." Nagulat ako ng hilahin n'ya ako paupo sa kandungan n'ya at kilitiin sa parte ng katawan ko. Ghad! Wag lang sa bewang please. Oh no!
"Hahah. Tama na. Wag d'yan. Aux hahah cez." Sabi ko pero tuloy parin s'ya sa pagkiliti sa akin.
"No. I won't stop until you get tired of laughing." Sabi n'ya at patuloy akong kinikiliti. Waah! Hindi ko na kaya.
........
.......
......
.........
.......
......."TRYSHIANNE AICYLL LOPEZ!!!!"
Napatayo ako sa gulat at tumingin sa pintuan.
"M-mom..." Utal kong sabi. Sinasabi ko na nga ba eh. Basta pag kasama ko ang lalaking toh, puro disgrasya na lang ang nakukuha ko. Arrgghh!!!
"GO.TO.MY.ROOM!!!" Madidiin at galit galit na sigaw n'ya at umakyat sa taas. Sinamaan ko ng tingin si Auxcez, at aba ang loko, nagkibit-balikat lang.
Tinapik ni kuya ang balikat ko at nag-sign s'ya kay Auxcez na sumunod sa kanya, sumunod naman s'ya. Hindi ba s'ya natatakot?.
"TRYSHIANNE!!" Nagulat pa ako sa sigaw ni Mom at dali daling umakyat sa kwarto n'ya.
Nang makapasok ako sa kwarto ni Mom, isang masamang titig ang sumalubong sa akin. Uh-oh..
"M-mom.." Tawag ko sa kanya. Nakakatakot kasi si Mom ngayon ehh..
"Explain!!!" Nagpipigil na sabi n'ya.
"A-ano k-kasi.." Nauutal kong sabi. "What?!" Sabi n'ya.
"He's my boyfriend." Diretsong sabi ko, pinilit kong hindi mautal dahil pag-nautal ako, siguradong magagalit si Mom.
"Boyfriend? Are you serious?" Di makapaniwalang tanong n'ya sa akin. "Y-yes.." Sabi ko.
"Ghad! Tryshianne. You are just 16, dapat nagfo-focus ka muna sa pag-aaral mo! Kailan pa?" Tanong n'ya.
"2 months ago." Agad na sabi ko.
"2 months? 2months na kayong mag-on at wala ka pang balak na sabihin sa akin kung hindi ko lang kayo nahuli." Sabi ni Mom. Napayuko na lang ako.
"And nakaupo ka pa sa kandungan nya." Agad kong inangat ang mukha ko at tumingin sa kanya. Oo nga pala, nawala sa isip ko yun...oh my nakakahiya talaga.
"Mahal mo ba s'ya?" Diretsong tanong ni Mom. Ano ba naman to? Q and A lang ang peg.
"Y-yeah.." Nasabi ko na lang kahit na hindi naman totoo. Inaalala ko lang kasi yung deal namin para sa lola n'ya kaya ko lang nasabi na mahal ko s'ya.
"Okay. It's settle then." Tangong-tangong sabi ni Mom. "Papayag ako sa relasyon n'yo, basta siguraduhin mo lang na hindi iyan makakaapekto sa pag aaral mo. Understood?" Sabi ni Mom. Napatango naman ako at akmang yayakapin s'ya nang....
"That doesn't mean na hindi ako galit sayo. Yeah, galit ako pero sa tingin ko nagtatampo lang ako dahil sa ginawa mo." Sabi ni Mom at nilagpasan ako.
O-kay.......
Sumunod na lang din ako kay Mommy pababa at napansin ko namang andun na din ang mga lalaki at nagtatawanan pa sila.
'Okay na sila?'
"Oh Mom. Tapos mo na ba sermunan si Trysh?" Tanong ni Kuya ng makita n'ya kami ni Mom na pababa. "Yeah." Simpleng sabi ni Mom. Hindi ko sila pinansin at nag-isip kung bakit wala na naman si Ate.
Siguro nasa modeling na naman s'ya. Hayy. Iba talaga. Ah! Oo nga pala, sigurado akong nasabihan na ni Manager ang tatlo kaya bahala na lang akong pumunta doon na mag-isa.
"Bakit hindi ka pa umuwi?" Tanong ko ng mapansing hindi pa rin s'ya umuuwi. "Ayaw mo bang nandito ako?" Nakangiting sabi n'ya. Plastic. Sinamaan ko lang s'ya ng tingin.
"So I heard na magkaklase kayo?" Pag-umpisa ni Dad. "Yes po." Magalang na sabi nya. Duh! Kala mo talaga. Psh. Dahil sa kanya kaya ako nasermunan ehh!
"Paano kayo naging couple?" Tanong ni Kuya. Ano bayan, bakit sila nagtatanong sa harap ng hapagkainan?
"I courted her." Sabi n'ya dahilan para mapaubo ako. Talaga lang huh! Mahina naman n'yang sinipa ang paa ko sa ilalim ng lamesa, magkatabi kasi kami.
"Okay ka lang?" Tanong ni Kuya habang nakatingin lang sa akin sina Mom, Dad at Auxcez. Tumango na lang ako at hindi na sila pinansin. Bahala silang magtanungan ng magtanungan d'yan, kakain na lang ako dito, mabubusog pa ako. Ubusan ko nalang kaya sila ng pagkain, sigurado naman akong hindi nila mapapansin yun. Ahihihi...
******
Pagkatapos naming kumain, sinabi sa akin ni Mom na ihatid ko daw si Auxcez sa labas dahil wala s'yang dalang kotse. Paki ko. Pero dahil sa 'mabait' ako *note the sarcasm* pumayag ako.
Heto kami ngayon naglalakad palaban ng subdivision. Bakit ba kasi hindi s'ya nagdala ng kotse, mapapagod lang ako. Duh! Ang layo layo kaya ng bahay namin sa labas ng subdivision.
"Your family is nice." Sabi n'ya. Sasagot na sana ako ng magsalita ulit sya. "Unlike you.." Pinutol n'ya ang sasabihin n'ya at tumingin sa akin. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin.
"Ano na naman? Ikaw na gorilla ka, nakakainis ka na huh!! Wala kanang ginawa ngayong araw kundi bwisiten ang buhay ko. Ano?! May problema ba tayo! Sabihin mo na, nang maayos na natin ngayong gabi!" Naggigigil na sabi ko. Napatawa naman s'ya. Hindi na ako nagulat dahil bigla na rin namang tatawa 'yan pag andun ako sa condo n'ya.
"I like you." Sabi n'ya. Dito ako nagulat. Ano daw? Pakiulit nga. Anong sabi n'ya? "A-anong sabi mo?" Sabi ko. "Bigla naman n'yang pinitik ng mahina ang noo ko.
"Wag kang assuming." Sabi n'ya at bumalik sa seryoso ang mukha n'ya. "Tara na, gabi na din eh. Mamaya maabutan pa ako ng mga kalaban ko d'yan." Sabi n'ya. Tumango ako at tinanggal sa isip ko ang sinabi n'ya at sinabayan s'ya sa paglalakad. Alam ko narin ang tungkol sa pagkatao n'ya. Yeah, as in lahat. Pinagkakatiwalaan naman daw n'ya ako ehh, kaya sinabi n'ya lahat.
"Nga pala Auxcez." Sabi ko habang naglalakad kami. "Hmm." Rinig kong sabi n'ya.
Nagningning muna ang mata ko bago nagsalita. "Kailan mo ba ako isasali sa gangster group n'yo?" Nae-excite na tanong ko. Napahinto naman s'ya sa paglalakad kaya napahinto na rin ako at tumingin sa kanya.
"Your crazy." Sabi n'ya at naglakad ulit. Nag-pout naman ako. "Eh, kailan nga?" Pangungulit ko sa kanya.
"Never." Sabi n'ya. "Nakakainis ka talaga!" Sabi ko at huminto na sa paglalakad, andito na kasi kami sa labas. Humarap s'ya sa akin at ginulo ang buhok ko. Sinamaan ko naman s'ya ng tingin dahil ayaw kong ginaganyan ang buhok ko. Nakita ko pa ang palihim na ngiti n'ya.
"Ge. Mainis ka lang sa'kin hanggang kailan mo gusto." Sabi n:ya at tumalikod na sa akin at nagsimulang maglakad.
"Bye. Ingat ka." Pahabol ko. Itinaas n'ya lang ang kaliwang kamay at nag-wave patalikod.
Hinintay ko munang mawala s'ya sa paningin ko bago ako pumasok ulit sa loob at naglakad pabalik sa bahay namin.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl [COMPLETED]
RandomIt is hard to be a normal girl. Coz you can still encountered different things. Pretending is hard, so life too. Having a life is a blessing but being a lifeless is a worst feeling. It is not my fault if i lied because I just want to be a normal li...