TNG: Chapter 37

2.2K 61 0
                                    

"Ugh! Stop staring at me!!"

Nakakainis ehh. Naiilang ako kanina pa. Kanina n'ya pa ako tinititigan tapos sa t'wing sasawayin ko s'ya, tatawanan lang n'ya ako. Oh diba? Sinong di maiinis don?

Well, kung ibang babaeng lang siguro ang nasa sitwasyon ko, hmm kikiligin pa sana yun, pero iba ako ehh, ayaw ko yung tinititigan ako.

"Why? The view here is beautiful." Nakangisi n'yang sabi kaya napatakip na lang ako sa mukha ako.

Ayan. Ganyan s'ya mula pa kanina. Inaasar n'ya na ako nung hindi ko na sinuot pa ang salamin ko. Buti nga at hindi na s'ya nagtanong pa tungkol sa akin, tsaka parang alam n'yang ayaw ko nang magkwento pa.

Hinablot ko ang salamin ko at sinuot ulit.

"It's much better now." Sabi ko at humarap ulit sa kanya at binelatan s'ya. Kumunot lang ang noo n'ya sa akin at tumungo.

Waah. I'm the winner. Ngingiti-ngiti akong humarap sa TV at tahimik na lang na nanood.

Grrrrrrr!! Bakit ngayon pa?

"Uhm Hey.." Tinapik-tapik ko yung balikat n'ya pero parang tulog yata kaya tumayo na lang ako. Hindi na lang siguro muna ako magpapaalam. Malalaman naman n'ya na umuwi na ako diba? Hayy bahala na.

Nakakaisang hakbang palang ako ng maramdaman kong may humawak sa palapulsuhan ko. Lumingon ako. Nakita ko ang mukha n'yang papungay-pungay pa at yung buhok n'yang medyo gumulo.

'Why are you so ho~~~'

I cleared my throat. "I thought you're sleeping?" Tanong ko.

"Na-uh. Umidlip lang ako." Napatango-tango na lang ako. "Where are you going?" He asked me.

"Uuwi na. Nagugutom na ako ehh." Sagot ko. "There's food in the Refrigerator. Why would you need to go home?"

Tinignan ko muna ang relo ko at binalik ang tingin sa kanya. "No. It's already late, besides my mom told me to go home early." Sabi ko.

7:56 na kasi. Kailangan 8 nandoon na ako sa bahay.

"Okay. I'll drive you home."

"No need. You need to rest." Sabi ko at lumapit sa kanya. Inalis ko ang hawak n'ya sa kamay ko at hinawakan ko ang mata n'yang inaantok pa.

"Your sleepy." Sabi ko. Niyakap naman n'ya ang beywang ko at hinapit ako paupo sa hita n'ya.

"I'm not. Ihahatid na kita sa inyo. You need to be safe. Papakasalan pa kita." Sabi n'ya habang nakasiksik ang mukha sa leeg ko kaya di ko maiwasan makiliti dahil sa hininga n'ya sa may leeg ko.

"Ang OA mo. D'yan mo na lang ako ihatid sa parking lot." Sabi ko at nilayo ang mukha sa kanya. Pinisil ko ang pisngi n'ya.

"Really?" Nakangisi n'yang tanong. "Yeah"

"Wala ka ngang kotse ehh." Natatawa n'yang sabi.

Oo nga pala. Ba't hindi ko man lang naalala 'yon?. Napapikit na lang ako dahil sa inis.

"Tatawagan ko na lang si Manong Iskong." Sabi ko at nilabas ko ang phone ko.

"Okay. Let's just cuddle while waiting for your driver." Sabi n'ya. Tumango lang ako at muli s'yang sumiksik sa leeg ko habang yakap ako.

Tinext ko naman si Manong Iskong na sunduin ako. Sinend ko na rin sa kanya yung address ng place na toh.

Ilang minuto pa ang nakalipas at hindi parin dumadating si Manong Iskong. Ganun padin ang posisyon namin habang naghihintay. Wala akong magawa ehh, ayaw n'ya akong pakawalan.

"Aux. Stop that. Nakikiliti ako." Sabi ko at pilit nilalayo ang mukha n'ya sa leeg ko.

"What? Am I doing something?" Inosenteng tanong n'ya. I just rolled my eyes.

"Stop being innocent. Aux. You are now being a childish." Dun naman s'ya humiwalay at tinitigan ako sa mata.

"What? I'm not" Seryosong sabi n'ya.

"Yeah. Yeah." Sabi ko at tumayo na.

"Your going?" Tanong n'ya. "Yes." Sabi ko.

"But your driver isn't here." Sabi n'ya. Ngumiti lang ako at pinakita sa kanya ang text ni Mang Iskong na nasa ibaba na daw s'ya.

"*sigh* Come on." Sabi n'ya. Tumayo na rin s'ya at hinawakan ang kamay ko at lumabas na kami.

"Are you mad?" Tanong ko nung nakasakay na kami ng elevator.

"Nope." Sabi n'ya pero parang galit talaga s'ya ehh.

Nang nasa 5th floor na kami, hindi n'ya parin ako kinakausap. Galit talaga s'ya ehh.

"Galit ka ehh." Sabi ko. Tinignan n'ya lang ako at humarap ulit ng tingin sa harap. Masyado kasi s'yang matangkad kaya parang hindi n'ya lang ako nakikita. Hmmp. Hindi naman ako maliit ahh.

Humawak ako sa balikat n'ya pero wala parin ehh. Galit talaga s'ya ehh. Hindi man lang n'ya ako pinansin.

I tiptoed and when i reach his face, I kiss him immediately. Smack lang yun at niyakap ko s'ya.

"Dahil ba sa sinabihan kitang childish?" Tanong ko. Hindi s'ya sumagot kaya tumingala ako. Nakatulala s'ya.

"O-kay. Hindi ka na galit ngayon. So peace na tayo." Sabi ko at humiwalay sa kanya. Saktong bumukas ang pintuan ng elevator, hinila ko na ang kamay n'ya.

Agad ko namang nakita si Manong Iskong kaya lumapit ako dito.

Humarap ako kay Aux at nakatulala parin syan.*sigh*

*poke**poke*

"Hey. I'm going. " Sabi ko pero no response. Ganun ba ang epekto ng kiss ko sa kanya. Wow ha.

"Tutulala ka na lang ba?" Bumalik na s'ya sa wisyo n'ya kaya tumingin s'ya kay Manong Iskong.

"Manong. Take care of her. Papakasalan ko pa 'yan." Sabi n'ya. Pero parang nagbabanta na s'ya ehh.

"Aux..."

"Opo. Sir"

Napabaling sa akin si Aux. "Sorry for spacing out. I'm not really mad. Ganun lang talaga ako. Thanks for the kiss." Nakangiting sabi n'ya.

Agad naman akong namula dahil alam kong nakikinig si Manong Iskong.

"P-pasok na ako." Sabi ko at pumasok sa loob. Sumunod din si Manong.

"Wait. Aasahan ko yung exam result mo."

Ngumiti na lang ako at isasarado na sana ang window ng pigilan n'ya ako.

"What?"

"I love you"

"I love you more"

"Hayy naku. Mga kabataan nga naman ngayon."

Namula ulit ang pisngi ko. Nakangiti lang si Aux.

"Manong naman." Napatawa na lang siya. "Manong tara na po." Sabi ko.

Kumaway na lang ako kay Aux at sinarado na ang bintana. Umandar na ang kotse at umalis na kami.

The Nerdy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon