TNG: Chapter 16

2.7K 78 0
                                    

*°Tryshianne POV°*


2 months have passed pero wala paring nagbabago, ganun parin ang mga pinaggagawa namin, asaran buong araw pero may mga time na maayos lang naman. Tulad ngayon. Monthsary namin at hindi n'ya man lang naalala iyon.  Ano bang pake ko? Fake lang naman 'yun diba?!.

Andito kami ngayon sa condo n'ya, basta basta lang kaming pumasok dito, nagalit pa nga s'ya ehh.

"Why are you here?" Tanong n'ya sa aming lahat. Yeah. Lahat kami naandito sa unit n'ya, paano ba naman weekends ngayon, naboboring kaming lahat, naghahanap kami ng mapaglilibangan, at dito namin naisip manggulo sa unit n'ya.

"Boring kasi ehh. Kaya pumunta kami dito." Sabi nila Yuan. Tsaka pansin ko lang, nitong mga nakaraang araw, napapansin kong nagkakamabutihan na ang friends ko at friends ni Auxcez ah. Sarap pagtripan hehe.

"Bakit sa condo ko?" Tanong n'ya. "Wala na kaming ibang mapupuntahan ehh'" Sagot ko.

Di na namin pinakinggan ang mga sinabi n'ya at dumiretso na lang kami sa living room n'ya at naghanap ng mapapanood na CD's. Feel at home lang ehh no.

May nakita akong tingin kong magandang palabas, ang title ay 'Train to Busan', hindi ko pa to napapanood ehh. Maganda kaya to? Nilingon ko naman sila.

"Guys! Sa tingin ko maganda to." Sabi ko. "Ano bang title?" Tanong naman nila.

"Train to Busan." Tumingin naman ang mga kaibigan ko sa hawak ko at parang naging interesado. "I think so." Sabi nila.

"Hey boys. Train to busan ang papanoorin namin." Sabay sabay na sabi namin. Napatigil naman ang mga boys sa paghahanap at tumingin sa direksyon namin.

"Wag na 'yan. Napanood na namin 'yan ehh." Sabi ni Alex.

"Hindi naman namin tinatanong kung ito yung papanoorin ehh. Ang sabi lang namin, ito ang papanoorin namin." Sabi ni Andrialle.

"Eh? Ang panget nga n'yan ehh." Sabi nila. Wala namang reaskyon si Aux. Siguro nabad-trip dahil tinambayan namin ang unit n'ya.

"Mas panget kayo. Hmmp." Sabi ni Eylense at nilagay ang CD na napili namin sa DVD.

"Bahala kayo." Sabi nila at umupo na lang, makikinood na lang yata. Wala silang laban ehh, masyadong bossy 'tong mga kaibigan ko.

Umupo na rin ako pero hindi sa sofa kundi sa sahig lang. Pag nanonood kasi ako, mas prefer kong sa sahig umupo para mas komportable. Nag-play na rin ang movie.

Nalaman kong Zombies ang palabas at na-excite ako., favorite ko kaya 'yung mga ganitong scene lalo na pag-horror. Yung mga kaibigan ko naman, diring diri lalo na kapag nangangain na ang mga zombies.

Teka, parang may kulang ehh. Ah tama! Walang pagkain! Tumayo ako at dumiretso sa mini kitchen ni Aux dito, saka dumiretso sa ref n'ya, baka sakaling may pagkain.

"Ganda ah! Feel at home ka talaga." Narinig kong boses ni Aux sa may bandang likod ko.

"Yeah." Sabi ko lang. Hmm ano bang masarap? Ah! Eto na lang, kinuha ko yung leche plan n'ya at kumuha narin ng coke.

"H'wag ka ngang kuha ng kuha ng mga pagkain ko." Sabi n'ya at sinarado ang ref n'ya.

"Wala akong paki sa'yo. Manghihingi lang ako ng pagkain ehh, ang damot damot mo." Sabi ko at nag-pout.

"Bakit ba kasi andito kayo?" Sabi n'ya. Sa tingin ko hindi naman sya galit o naiinis ehh, kaya okay lang 'yun sa kanya, ba't kailangan n'ya pang magtanong?.

"Nasabi na kanina ehh, ayokong inuulit ang mga sinasabi ko. Ciao." Sabi ko at dinala ang mga pagkaing kinuha ko at bumalik sa living room.

"Tsk." Rinig kong sabi n'ya bago ako makalabas sa mini kitchen n'ya.

"Uy. Ayos 'yan ah. Thanks thanks Shanne, nagdala kapa ng makakain." Sabi ni Yuan at balak na sanang kumuha ng dala kong pagkain pero nilayo ko sa kanya iyon.

"Sinong may sabing sa ating lahat ito? Akin lang to no, kumuha kayo ng sa inyo." Sabi ko at bumalik sa pwesto ko kanina.

"Kala mo naman mauubos." Rinig kong bulong nya.

"Wag kang mag-alala Yuan, baka sakaling tirhan pa kita." Nang~aasar na sabi ko. Bubulong nalang, dinig ko pa. Psh.

*After 5 hours*

Napagdesisyunan naming umuwi na dahil magga-gabi na, baka mamaya mapagalitan pa ulit ako ni Mommy.

"Uwi na kami, Aux. Ge ba-bye." Sabi namin at lumabas na, pero nagulat ako ng hilahin ako ni Aux papasok ulit sa loob.

"Ge, umalis na kayo. Bye." Sabi n'ya at hindi ko nakita ang reaksyon nila dahil agad n'yang sinarado ang pinto.

"Uy. Uy. Uuwi na ako." Sabi ko at akmang bubuksan ulit ang pintuan ng pigilan n'ya ako.

"Hindi ka pwedeng umuwi. Dito ka muna hanggang bukas. Why? Corny mang sabihin pero magce-celebrate tayo ng monthsary natin." Nagulat man ako sa sabihin n'ya pero ngumisi naman ako.

Akala ko pa naman hindi n'ya natandaan. "Bakit ka nagba-blush?" Nang-aasar na tanong ko sa kanya.

"Inaasar mo ba ako?" Naniningkit ang mga mata n'ya habang tinatanong iyon. "Hindi. Sinasabi ko lang ang totoo." Sabi ko. Namumula naman talaga s'ya ehh. Ayaw pang maniwala.

"I'm not blushing. Don't start, Panget. I will kiss you, if you start it." Sabi n'ya at tumalikod.

Hindi na ako nagulat sa sinabi n'ya, alam kong hindi naman nya kayang gawin yun kahit na *ehem* nag-kiss na kami ng ilang beses. Pero nung nakalipas na 2 buwan, wala namang nangyari kundi mag-asaran lang kami, ganun na nga ang routine namin ehh.

Tsaka, panget pa rin ang tawag n'ya sa akin*pout*. Bahala na nga.

Sinundan ko sya. "Pero, papagalitan ako ni Mommy." Nagmamaka-awang sabi ko.

Sa totoo lang kasi, wala pang alam sina Mommy tungkol sa amin, tanging yung mga friends lang namin at  syempre 'yung buong estudyante sa school.

"Ako ng bahala." Kalmado n'ya pang sabi. Kala mo naman, s'ya 'yung papagalitan. Hello, ako kaya :yun. Ako!

The Nerdy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon