TNG: Chapter 24

2.5K 74 0
                                    

Auxcez POV°*


Tahimik akong lumapit kay Lola at nagmano.

"What is she doing here?" Mahinang tanong ko kay Lola.

"She just visiting me." Sagot n'ya. Tumango na lang ako at umupo sa couch.

Kinuha ko ang librong nakapatong sa side table ng kama ni Lola.

"Who own this book?" I ask dahil baka mamaya nangingialam ako ng hindi ko gamit eh.

"Sa Girlfriend mo." Sagot n'ya. Napatingin naman ako kay panget na natutulog doon.

She likes books, huh? Kaya siguro nanlalabo ang mata n'ya dahil sa kababasa ng mga libro.

Tumango naman ako at binuksan nalang ang libro n'ya. She loves novel books.

Time check: 1: 36 am

Mas'yado atang napahaba ang pagbabasa ko. Maganda naman ang story kaya lang nakakatamad nga dahil sa ang haba. Look. Sa mahigit 3 oras kong pagbabasa nasa page 172 palang ako out of 756.

Tumingin ako sa kama ni Lola at napansing gising pa si Lola.

"La, I thought your already sleeping?" Sabi ko.

"Ang sarap n'ya kasing titigan, hindi nakakasawa." Nakangiting sabi n'ya.

"Ang ganda n'ya talaga." Dugtong pa n'ya.

"Tsk. Hindi 'yan maganda, La. Ang panget panget nga n'yan." Sabi ko at tumayo dahil uuwi na ako.

"Matulog ka na ,La. Ihahatid ko na lang s'ya sa bahay nila." Sabi ko at lumapit sa kanila.

Tinulungan ko muna si Lolang humiga at itaas ang kumot n'ya.

"We're going." Paalam ko. "Wag kang magpapagod La." Huling sabi ko at binuhat na pang-bride style at naglakad palabas.

"Take care." Sabi n'ya at ngumiti. Lumabas na ako ng kwarto n'ya at bumaba sa parking lot. Sinakay ko s'ya sa passenger seat at pumasok naman ako sa driver seat.

Pinaandar ko na ang kotse at nag-drive papuntang bahay ni Panget.

'Bakit ba hindi ko magawang tawagin s'ya sa pangalan n'ya?' Tanong ko sa isip ko.

Pinasok ko ang kotse ko sa gate ng subdivision nila at inihinto sa tapat ng bahay nila.

"Hayy. Tulog na ata sila." Sabi ko ng makitang patay na ang mga ilaw sa loob at tahimik na ang paligid.

Napagdesisyunan kong sa Pad ko na lang ulit s'ya iuwi. Masyado kasing tulog mantika ang babaeng to.

Pinark ko ulit ang kotse ko sa parking lot at binuhat ulit s'ya paakyat sa Pad ko. D*mn! Ang bigat n'ya.

Para mapindot ko ang passcode ay binaba ko muna ang paa n'ya at dinikit ko yung mukha n'ya sa dibdib ko.

I'm sure masakit yun dahil yung salamin nya ay nape-press sa mukha n'ya. Ba't kasi hindi n'ya tinatanggal ang salamin n'ya bago matulog? Ganito ba talaga s'ya matulog? Aish. Ibang-ibang talaga s'ya sa mga babaeng nakakasalamuha ko.

Nang ma-enter ko na ang code ay balik buhat ulit ako sa kanya papasok at dinala s'ya sa kama ko saka binaba pahiga doon.

Inayos ko ang higa n'ya at tinanggal ang salamin n'ya at pinatong sa side table ko. Pagkakataon ko na sanang makita ang mukha n'yang walang salamin pero tumagilid naman s'ya at yumakap sa unan ko.

Di bale na nga. Pinatay ko ang lamp sa tabi at tumayo. Doon ako matutulog sa guest room.

*°Tryshianne POV°*

Nagising akong napansing wala ako sa kwarto ko kundi nasa kwarto ni Auxcex. Naalala kong nakatulog pala ako sa hospital, siguro dumating s'ya doon at nadatnan ako. Pero dahil sa gabi na at sigurado akong tulog na ang nasa bahay ay dito n'ya ako inuwi.

Teka---yung salamin ko? Nilibot ko ang paningin ko at nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan kaya agad akong nagtago sa unan.

"Tsk. Don't worry I didn't saw your face yesterday. And I'm sure even if you don't have your glasses, your still ugly. " Sabi n'ya at kita ko pang umirap s'ya.

"Ready yourself. I'll take you home." Sabi n'ya at lumabas na ng kwarto. Kinuha ko ang salamin ko sa side table n'ya at inayos muna ang higaan n'ya bago lumabas.

Pagbaba ko, nakita kong may mga pagkaing nakahain sa lamesa n'ya. Natakam naman ako at agad na umupo sa upuan. Parang nagulat pa s'ya dahil pagharap n'ya galing sa pagluluto ay napansin n'yang andito ako at nakaupo na. Hayy, nagugutom na ako.

"I'm not going home. I'll stay here." Biglaang sabi ko at tumingin sa pagkain. Mukhang masarap eh, kaya siguro pag kinain ko na, ang sarap din.

"Why?" Nagtatakang tanong n'ya. "Wala lang. Wala namang pasok ehh." Sabi ko.
"Tatawagan ko na lang si Mom at magpapaalam." Dugtong ko.

Umupo na lang s'ya sa harap ko. "Pwede nang kumain?" Tanong ko sa kanya.

"Just eat and don't talk." Sabi n'ya kaya nagumpisa na akong kumain.

Nang matapos kami ay tinawagan ko nga si Mom at nagpaalam. Pumayaf naman s'ya at nagbilin sa akin.

Pumunta ako sa living room at nadatnan kong nanonood ng basketball si Auxcez. Sigurado naman akong hindi niya ipapalipat ang channel eh, paborito n'ya kaya ang palabas na'yan.

"Peram ako ng phone mo ha. Di ka naman magpapanood ng ibang channel eh." Sabi ko. Tumango na lang s'ya. Seryosong seryoso s'ya manood eh.

Kinuha ko ang phone n'yang nasa tabi n'ya at dumiretso sa kwarto n'ya. Dumapa ako sa kama n'ya at in-open ang phone n'ya. May wifi naman dito kaya magfa-facebook na lang ako.

The Nerdy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon