--Kinabukasan--
Di ko kasama ngayon ang Mom ko dahil ang sabi n'ya susunod na lang daw s'ya. I told her the whole story kung bakit s'ya pinapatawag, nung una hindi s'ya naniwala pero ang sabi ko panoorin n'ya ang CCTV para malaman n'ya ang totoo. Lahat ng parte ng school may CCTV kaya lahat ng gagawin mo sa bawat sulok ng school makikita sa CCTV pero nasa bahay ang monitor, may mga nagbabantay syempre pero ung mga maid lang. Marami kaming mga maid na naka-assign sa bahay kung ano ang mga gagawin nila, swerte na lang ung mga nagbabantay sa monitor kaya lang nakaka-bored.
Pagpasok ko sa room kaunti pa lang ang mga estudyante. Nakalimutan ko palang ang aga ko ngayong pumasok.
Nadatnan ko ang mga kaibigan ko na nakatungo lang sa kanilang mga desk habang ang apat na lalaki ay nililibot ang mga paningin. Parang mga tanga lang eh noh? Naglakad na ako papunta sa upuan.
Nang tumingin ako sa direksyon ni Auxcez ay napansin kong nakatingin din s'ya sa akin kaya inirapan ko s'ya.
"Hey.." Bati ko sa tatlo kong kaibigan na hanggang ngayon ay nakatungo parin sa kanilang mga desk. Anong nangyari? Tinaas lang nila ang mga kamay nila para batiin ako pabalik.
Pinabayaan ko na lang sila at umupo na nga ako at inayos na ang mga gamit ko. Maya maya dumating na ang teacher namin at nagdiscuss.
Nang matapos ang first period ay yung teacher na pinagalitan ako kahapon ang sumunod. Habang inaayos n'ya ang mga gamit n'ya sa teacher's desk ay nag-vibrate naman ang phone ko.
Pasimple ko itong nilabas at tinignan kung sino ang nag-text. It's Mom, she said na nasa labas na s'ya school papasok sa gate.
"I will leave a seatwork here and make sure to answer that before your class break. Okay? Then you can pass it to your president." Sabi ni Ma'am saka binaling naman ang tingin sa akin.
"Miss Lopez. Where's your parent?" Tanong n'ya. "On the way na po." Sagot ko.
"Okay. Go to my office and we will wait your parent there." Sabi n'ya. Tumango naman ako. Nauna s'yang lumabas kaya sumunod ako.
*****
Pinaupo n'ya muna ako sa isang sofa habang s'ya ay may inaasikaso sa desk n'yang mga paperworks ata.
Napatingin naman ako sa pintuan nang bigla itong bumukas. There you are, Mom.
Napatayo naman si Ma'am nang makita nya si Mommy. "Goodmorning, Mrs. Lopez. Ano po ang sadya n'yo?" Magalang na sabi n'ya.
"Goodmorning. I'm here because of what my daughter did." Sabi ni Mom.
"Daughter Madam? Wh--. Miss Lopez?" Sabi ni Ma'am ng mapatingin s'ya sa gawi ko.
"You said I'll bring my parent, so I did." Sabi ko at tumayo at lumapit kay Mom.
"H-how?" Bakit ba s'ya nagtatanong pa?
"She's my daughter. Disguising as a Nerd." Sabi na lang ni Mom. "Let's start." Dugtong ni Mom.
"Oh I forgot. Sheena Lumabas ka na, ako na lang mag-aayos nito"
Tumango ako at lumabas na gulat na gulat parin ang expression ni Ma'am. Ganoon ba s'ya kagulat? Hindi ba pwedeng ang mukhang ito ay maging anak ng may-ari ng school? Grabe sila, parang hinuhusgahan nila ako. Sabagay. Iba kase ang itsura ko ngayon.
Bumalik ako sa room at gumawa din ng pinapagawa ni Ma'am. "Huy, Anong nangyari? Ba't ang tatahimik n'yo?" Tanong ko sa kanila.
"Kasi naman ehh, pinapapunta kami ng parents namin sa korea." Finally, nagsalita na rin sila. "What's the reason?" Tanong ko naman.
"Hindi namin alam, basta pag-uwi na lang namin galing dito sa school ay sinalubong kami ng Mom namin para sabihin na pupunta kaming korea." Sabi nila.
Napangiti na lang ako dahil sa totoo lang alam ko kung bakit sila pinapapunta sa korea. Sasabihin ko na nga, baka mamaya maging ignorante pa sila kung bakit nandun sila sa kasal? Tapos kung sino ang ikakasal? Tsaka baka mamaya isipin nila na baka sila ang ikakasal. Natatawa na lang ako sa iniisip ko.
"Andrialle. It's your brother's wedding." Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko. Agad naman silang napatingin sa akin.
"Wait. What? You know?" Naguguluhang tanong nila sa akin.
"Yes, Mom told me yesterday." Sabi ko at tumingin sa kanila.
"Pero....bakit hindi ka kasama?" Tanong nila. Ngumiti muna ako bago nagsalita.
"I'm exception." Nakakatuksong sabi ko sa kanila, gusto kong makita kung paano sila mainggit dahil ako lang ang hindi kasama. Hahaha jowk.
Inaantay na lang namin ang pag ring ng bell para makalabas na kami. I'm hungry.
"It's unfair." Sabi nila. Nakakatawa yung expression nila. "No. It's fair, ganyan rin naman ang nangyari sa akin diba?" Sabi ko sa kanila.
"Alam mo ba kung ilang araw kami doon?" Tanong ni Yana. "You don't need to know 'coz you won't like what will be my answer. " Nakangising sabi ko.
"Just tell us, Okay?" Pagpilit ni Eylense. "Okay, wag lang kayo magrereklamo.....You will stay there 2 weeks to 4 weeks." Sabi ko.
Nalaglag naman ang panga nila dahil sa sinabi ko. Hahaha. Sige lang, maranasan n'yo rin ang naranasan ko noon.
"S-seriously? 2 to 4 weeks." Pagkumpirma nila. "Ayoko. Tatakas na lang ako." Sabi nila.
"Hindi kayo makakatakas dahil may bantay kayong bodyguard dun 24/7." Sabi ko. Nagmaktol naman sila.
"Kasalan mo to ehh." Sabi ni Yana at hinampas pa ako sa balikat. Napapikit na lang ako sa sakit dahil sa bigat ng kamay ng babaeng toh.
"Bakit ako ang sinisisi n'yo? Kasalan ko bang ipaparanas rin nila sa inyo ang naranasan ko noon. Tsaka buti nga kayong tatlo ang magkasama samantalang mag-isa lang ako doon noon at walang magawa." Sabi ko.
"Pero...ayaw ko talaga!!" Nagmamaktol na sabi nila. Nagkibit balikat na lang ako at tumungo. Iidlip muna ako.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl [COMPLETED]
De TodoIt is hard to be a normal girl. Coz you can still encountered different things. Pretending is hard, so life too. Having a life is a blessing but being a lifeless is a worst feeling. It is not my fault if i lied because I just want to be a normal li...