*°Auxcez POV°*
F*ck!!! Di ko naman sinasadya yun ehh. Nadala lang ako ng inis at galit ko. Hindi ko na makontrol ang sarili ko nun, kahit gusto kong itigil ang ginagawa ko sa Nerd nayon, wala ehh, pinapangunahan ako ng inis at galit.FLASHBACK
'Let's meet at the park'
I'm excited to see her now, because it's been a month na hindi kami nagkita. At ngayon agad-agad akong nag-ayos. Nakakabakla man para sa isang lalaki ang ganito, pero wala ehh, tinamaan talaga ako. I badly miss her.
Nang makarating ako sa park ay agad ko syang nakitang nakaupo at halata mong may hinihintay talaga. Agad naman akong lumapit sa kanya.
"Babe..." Pagbati ko sa kanya at akmang hahalikan ko siya ng bigla n'yang iniwas ang mukha n'ya.
'May problema ba?' Tanong ko sa sarili ko.
"Let's break up," Walang emosyon n'yang sabi. "H-huh?" Tanging nasabi ko lang.
"I don't love you anymore. I have someone else and he really really love me, more than you do," di ko napapansin na nagiging seryoso na ako, wala akong maramdaman dahil sa sakit. "And i really love him" Dugtong n'ya.
Yun lang ba? Yun lang ba ang dahilan kung bakit nya ako pinatawag para pumunta dito sa park? Na sasabihin nya sa akin na harap-harapan, wala man lang tigil-tigil, kailangan dire-diretso.
I laugh with sarcasm. "Tell me. You're joking. Right?" Masyado na kasi akong nasasaktan ehh. Mahal na mahal ko s'ya. Lahat binigay ko para lang mahalin nya ako. Pero eto? Eto ang ibabalik n'ya sa akin?
"No. I'm not. That's the truth," tapos kung sabihin nya pa ung mga salitang yan, parang wala lang sa kanya. Parang wala lang ang lahat, wala lang ung mga pinagsamahan namin.
"So yun lang ba?" Natanong ko. Tinatago ko lang ang nararamdaman ko para maramdaman nya rin yung ginawa nya sa akin. Na parang wala lang din sa akin ang lahat.
"Nope. There's more. Were going to Canada for our wedding," sabi nya ng diretsong nakatingin sa mga mata ko.
"Kailangan mo ng pera?" Walang emosyon kong tanong. "No. Marami na akong pera ngayon, so di ko na kailangan yang pera mo" Sabi nya.
Taena. Bullshit! Tagos ah. Tagos ang sakit! Grabe, okay lang. Kaya ko pa.
"Eto na ba ang huli nating pagkikita?" Puro ako tanong. Stupid. You're so stupid Aux. You seem so desperate. Tsk.
"Yes. Maybe. Tsaka gusto ko lang sabihin sayo na hindi na ako babalik sayo. Wag mo na akong hahabulin dahil ayaw na kitang makita. Okay?" Huling sabi nya at umalis na.
Ilang minuto akong nakatayo doon ng mapagpasyahan kong umalis na sa lugar na yun. Wala ako sa mood ngayon.
END OF FLASHBACK
Kaya ako, kami nalate, at napag-buntungan ko yung nerd na yun. Yun ang unang beses kong umibig. Napaka-bakla man isipin pero yun ang katotohanan. Noon walang buhay ang isang Auxcez Aian Smith, pero nang dumating sya, nagbago ang isang Auxcez, hindi na sya yung dating walang kabuhay-buhay, naging isang taong in-love na, gagawin lahat ng gusto para lang sa love. Pero ngayon na wala na ulit sya. Malabo ng matatalo ulit ako ng love na'yan.
*°Tryshianne POV°*
Panibagong araw na naman. Papasok na naman ako sa school na ngayon ay kinakatakutan ko na."She's here.....again"
"Ano kayang ginawa ni Auxcez sa kanya?"
"Yeah. I'm curious"
Kung alam siguro nila ang ginawa sa akin ng sinasabi nilang Auxcez. Ano kaya ang magiging reaction nila?
Nang makarating ako sa room ay agad na may nag-offer sa akin ng upuan. *sigh* buti naman at may mabait pang tao dito.
Nakita ko rin ang lalaki kahapon na nakatitig sa akin habang naglalakad ako papunta sa magiging upuan ko.
Nagsimulang magtayuan ang mga balahibo ko dahil sa kaba. Halos matunaw ako sa mga titig nya.
"Class. There's no classes today. You can have some fun," pagkasabi non ni Ma'am ay agad na nagsilabasan ang mga studyante. Nang ako na lang matira kasama ang lalaki kahapon kasama ang kaibigan nya ay agad-agad akong tumakbo palabas kahit na tinawag-tawag pa nila ako. Nandito pa rin kasi ang kaba sa puso ko. Ang bilis ng tibok nito na akala mo ay gustong kumawala sa rib cage.
Naglakad-lakad lang ako dito. Kumbaga nagpasikot-sikot lang ako. Pinagmasdan ko ang paligid. Walang duda na pangmamahalin talaga ang presyo at disenyo nito. Magaling talaga si Mommy pagdating dito.
No one knows who's the true me, well except sa mga teachers dito, dahil sinabi sa kanila ni Mommy, for more Protection din daw. Naku naman. Hayss, they only know me because I'm a nerd, But they don't know what's the secret behind my glasses.
"OUCH!!!!!/ YYAAAAAHHHHH!!!" Napaupo ako sa sahig dahil sa nakabangga ko at yung nakabangga ko naman ay tumili dahil yung pagbangga ko sa kanya ay natapon sa kanya ang frappuccino na hawak n'ya at kumalat sa damit n'ya.
"YOU BITCH......I WILL KILL YOU!!!!!" Galit na galit na sabi nya at hinila ang buhok ko. Piling ko matatanggal ang anit ko dahil sa sobrang lakas ng paghila niya sa buhok ko at ang higpit pa ng pagkakasabunot nya sa akin.
Hindi ko naman sinasadya ehhhh. Pinagmamasdan ko kasi yung paligid at sa kasamaang palad nabangga ko sya kaya ang resulta, heto..
"A-aahhh, masakit," Pagdaing ko.
"Masakit? Eh kulang pa nga yan ehh. Tignan mo yung damit ko, nadumihan na." Galit na galit na sabi nito habang hatak-hatak ang buhok ko papuntang likod ng school, walang nakakapansin sa amin dito dahil wala namang napunta dito.
"S-sorry, babayaran ko na lang," sabi ko sa kanya at binitiwan n'ya ang buhok ko pagkarating namin sa likod ng school.
"Sorry? Babayaran? Nagpapatawa ka ba?. Ikaw babayaran mo to? Eh kulang pa nga to sa buhay mo, ehhh. You're just a nerd. NOBODY NERD." Sabi nya.
"Hindi pa tayo tapos! Humanda ka sa akin. Dahil sisiguruduhin kong magiging impyerno ang buhay mo dito sa school na to!" Sabi nya at umalis kasama ang mga alipores nya.
Napabuntong hininga na lang ako at napapikit. Makakaranas na naman ako. Wala na bang katapusan? *sigh*.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl [COMPLETED]
De TodoIt is hard to be a normal girl. Coz you can still encountered different things. Pretending is hard, so life too. Having a life is a blessing but being a lifeless is a worst feeling. It is not my fault if i lied because I just want to be a normal li...