Ngayon ang araw ng Modeling naming tatlo para sa cover ng magazine ng kumuha sa aming agency 'Christmas' ang theme dahil nga sa month of december na.
Pag-alis ko sa bahay iniwan ko ang phone ko dahil baka mamaya dumating na naman si Auxcez tapos pag wala ako sa bahay namin, i-track n'ya ang GPS ko, mabuking pa ako. Kaya ibang cellphone ang dinala ko.
Hindi ko na sila sinundo o sinabay dahil I'm sure nauna na iyon.
Pagdating ko sa BHM Company ay pinark ko muna ang kotse ko sa parking lot at bumaba. Doon ako dumaan sa VIP door nila dahil baka may makakita sa akin.
Nang makapasok ako ay agad naman silang nagsitinginan sa akin. "Here she is. So, let's start." Sabi nung photographer. Tumango naman ako at pumunta munang dressing room para makapagbihis ng susuoting related sa theme.
*After 3 hours*
Mahigit tatlong oras din ang photoshoot at ang masasabi ko lang ay nakakapagod. Tatayo ka ng tatlong oras tapos magpo-posing ka ng ilang segundo para makuha nila ang tamang anggulo o ang maganda shot talaga.
Kakatapos lang at heto kami ngayon sa isang restaurant para mag-lunch.
"Ako na lang ang mag-o-order." Prisinta ni Andrialle. "Anong gusto nyo?" Dugtong na tanong n'ya.
"One slice of chocolate cake and a frappucino." Sabi ni Yana. Tumingin naman si Andrialle kay Eylense.
"Water lang ang akin." Sabi n'ya at nilabas ang phone n'ya at kinalikot. "Ikaw, Trysh?" Baling sa akin ni Andrialle.
"Uhm... ano na lang, One half of strawberry fruit and a water." Sabi ko. Kumunot naman ang noo n'ya sa akin.
"As far as I know, hindi ka mahilig kumain ng strawberry o mga pagkaing may mga strawberry flavor?" Nagtatakang sabi n'ya. "Well, Mahilig na ako ngayon." Sabi ko. Tumango na naman s'ya at umalis na.
Kasalanan ko bang naging favorite ko ang strawberry? It's Auxcez fault. He forced me to eat strawberry, I said I don't want to, but in the end, I gave up. He didn't stop to pestering me until he win. That answered.
Maya-maya dumating na si Andrialle at walang dalang mga pagkain. Nagtaka naman kami dahil sabay kaming tumingin sa direksyon n'ya para hintayin ang pagkaing dala dala n'ya sana, pero kumunot lang ang noo namin ng mapansing wala s'yang dalang pagkain.
"Where's the food?" Sabay na tanong naming tatlo. "Sabi ng waiter s'ya nalang daw ang magdadala, dahil nakilala n'ya ako at sinabing hindi daw magandang tignan sa isang model ang nagbubuhat ng isang tray ng pagkain." Sabi n'ya at umupo.
"Ang O.A n'ya huh! Isang tray lang ng pagkain hindi pa pinadala sa iyo, sobra si kuya waiter. Kaya mo namang dalhin yun ba't hindi mo parin kinuha?" Tanong ni Yana. "Ayaw ko ehh. Sa sobra ring pagka-concerned nya, Hayun, pinabayaan ko na lang sa kanya." Sagot n'ya.
Napa-iling na lang kaming tatlo at hindi na lang pinansin dahil maya maya dadating na rin naman ang pagkain. At hindi nga ako nagkakamali dahil nasa harap na namin ngayon ang waiter na dala dala ang ISANG pagkaing tray na hindi naman puno at halata mo ngang SOBRANG gaan lang nito. Psh. Pabebe lang s'ya.
Hayy! Bahala na nga, hindi ko na lang papansin dahil nagugutom na ako. Nang maibigay sa akin ni Kuya Waiter ang in-order kong pagkain ay agad akong sumubo hanggang sa maubos. Pake ko ba kung may makakita, napagod ako ehh---I mean kami pala, pero parang hindi naman sila pagod kung titignan mo.
Minutes have passed, ubos na ang pagkain namin at maggagabi na rin ay naandito parin kami, hindi ko alam kung bakit, sasabay lang naman ako sa kanila ehh.
*°Yana POV°*
Nag-stay muna ako dito sa restaurant dahil may ginagawa ako sa cp ko, hindi n'yo na pwedeng malaman pa--ihhhh, *pout* kaso baka magalit kayo ehh. Eto na nga sasabihin ko na. Nakiki-wifi lang ako dahil wala namang internet pag nasa labas na. Iba talaga ang pilipinas eh. Ayaw ko namang bumili ng cellphone na may plan."Wala ba kayong balak na umuwi?" Tanong ni Shianne. "Ako, wala pa." Sabi ko. Ganun din ang sinabi ng dalawa.
"Sige. Alis na ako, baka hanapin na ako ni Mom." Sabi n'ya. Tumango lang kami at saka naman s'ya umalis.
*****
It's already 9 in the evening, were still here. Okay lang 'yan, hindi pa naman ako inaantok ehh. Next next day na pala ang exam namin.
"Hey..." Nag-angat kami ng tingin sa lalaking nagsalita. It's them.
"Why are you here?" Tanong ni Yuan. "Kakatapos lang kasi ng photoshoot namin." Sagot ni Andrialle.
"Ahhh. So, parang kulang kayo.." Sabi ni Ephraime. "Ahh, kakaalis lang ehh"
"Ganon ba, sayang naman." Sabi nila..
"Next time na lang. Maybe makasama na namin s'ya." Sabi ni Eylense. "Haha. Hindi okay lang." Sabi ni Yuan. *pout* ang ingay naman n'ya. Kung hindi s'ya dumating, ang tahimik parin sana. Dapat pala umuwi na lang din ako at sumabay kay Trysh. Hmmp
Sila-sila lang ang nag-uusap, sinabi ko sa kanila na wag akong kausapin dahil may ginagawa ako, kaya ayun, sila lang nag-uusap, hindi naman lalabas na OP ako dahil sinuggest ko talaga na wag nila akong kausapin. Right? .............Oo na lang kayo.
Hanggang sa napagdesisiyunan naming umuwi na rin dahil 10 na ng gabi. 24 hours kasi yung restaurant na 'yan kaya hindi pa nagsasara.
"Sama n'yo naman yung isa nyong kaibigan na sa tuwing dadating kami o makikita namin kayo ay lagi s'yang missing in action. Huh?" Habol nila. Nag thumbs up na lang kami habang nakatalikod.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl [COMPLETED]
RandomIt is hard to be a normal girl. Coz you can still encountered different things. Pretending is hard, so life too. Having a life is a blessing but being a lifeless is a worst feeling. It is not my fault if i lied because I just want to be a normal li...