*°Tryshianne POV°*
Nagising akong parang binibi-ak ang ulo ko. Ahhhh ang sakit. Ano bang nangyari?,.....isip.....isip.....isip.....
Waaaahh!! Lalo lang sumasakit ang ulo ko. Tumayo ako sa kama at inayos ang salam---- Nasaan ang salamin ko? Nilibot ko ang paningin ako at napansing wala ako sa sarili kong kwarto ko.
Nasaan ako? Nakita ko naman ang salamin kong nasa study table dito, kinuha ko ito at agad na sinuot. Sinong nagdala sa akin dito at....at bakit iba na ang damit ko? Nasaan na ang uniform ko? Anong oras na?
Napatingin ako sa pintuan ng may biglang pumasok dito---
"Auxcez.?"
Sinamaan naman n'ya ako ng tingin. S'ya ba ang nagdala sa akin dito? Kung oo? Edi alam n'ya na ang totoo?
"Hey. Magpapaliwanag ako." Sabi ko at agad na tumayo saka lumapit sa kanya.
"Wag kang lalapit sa akin. " Sabi n'ya at sinamaan ulit ako ng tingin.
"Alam mo na ba?" Tanong ko. "Oo alam ko nang....." Hinihintay ko ang sunod n'yang sasabihin.
"Na ibang klase kang malasing. Grabe ka, alam mo ba yon? " Seryosong sabi n'ya.
So hindi n'ya pa alam? Napangiti na lang ako sa isip ko. Akala ko pa naman. *sigh*
"Kung tatanungin mo ako. Pumunta ka sa janitors room at hanapin mo si Manang Lucille, sa kanya mo itanong lahat ng gumugulo sa isipan mo." Sabi n'ya at agad na umalis.
Huh? Wala pa naman akong sinasabi ahh? Napaka-advance naman n'ya.
Napatingin ako sa suot kong damit. Damit n'ya ba to? Ang laki naman.
Nagulat ako ng biglang bumukas ulit ang pintuan.
"B-bakit?" Nakakagulat naman kasi ehh.
"You look beautiful on my shirt." Iniwan n'ya akong nagba-blush.O-kay. What was that?.
Nagulat ulit ako ng marinig kong nag-ring ang phone ko. Tumakbo ako sa bag ko at hinanap ang phone ko.
Calling Mommy..
Agad kong sinagot ang tawag ni Mom.
"H-hello, Mom?" Utal-utal kong tanong.
"Where are you?" Seryosong sabi nya.
"Uhmm. I'm in a hotel. Nag-stay-in muna ako kasi....kasi...ginabi na ako sa paggawa ng project namin." Sabi ko. Sorry for lying. Mom.
"Is that so?" Tanong n'ya. "Yes. Mom. " Sabi ko. "Okay. Tutal wala naman kayong pasok ngayon. Samahan mo ang tita mo sa switzerland." Sabi n'ya.
Switzerland? Seriously? Eh ang layo layo nun!
"Mom. Bakit ko pa sasamahan ehh, ang layo layo ng switzerland. Tsaka Mom, remember, nagpapahinga muna ako ngayon dahil sa mga ginagawa ko."
"Ahh. Oh sorry i forgot."
"It's okay Mom." Sabi ko.
"Okay. Take your time. Bye and take care." Sabi n'ya. "You too. Mom." Sabi ko at binaba na ang tawag.
Napabuntong-hininga na lang ako at tinungo ang banyo n'ya saka nagpalit ng uniform kong nakita kong naka-hanger ng maayos dito. Ginawa ko na ang routine ko bago lumabas. Tatanungin ko pa si 'Manang Lucille' daw.
*After some Hours*
Pagkalabas ko ng condo ni Auxcez, agad akong dumiretso sa janitors room at hinanap si Manang Lucille at tinanong nga sa kanya ang lahat na nagpapagulo sa isip ko. Kinuwento naman n'ya lahat sa akin ang nangyari. Naniwala naman ako, mukha naman kasing kapani-paniwala lahat ng sinabi n'ya. Basta in-short, wala naman nangyari.
Kawawa pa nga daw si Auxcez dahil sa janitors room sya natulog. Akalain mo 'yun, ang isang katulad n'ya, natutulog sa ganoong lugar. Hindi ko ma-imagine ahh.
Ayaw ko nang ikwento ang iba. Nahihiya ako ehh.
********
Hindi na ako nagpaalam sa lalaking 'yun at umuwi na lang ako. Sa bahay na lang ako magpapahinga. Buti nga at walang pasok ngayon dahil kung meron, sigurado akong aabsent na naman ako ngayon. Ayaw ko na ng ganoon.
*°Auxcez POV°*
Pagpasok ko sa unit ko, wala na kong naabutan. Umalis lang ako saglit nawala na agad. Hindi pa nga naglinis ehh. Nagkalat pa. *iling-iling*.Nilinis ko muna ang unit ko at manonood na lang ako ng CD's.
*Hours passed*
*Dingdong*
Sino na namang tao ang mambwi-bwiset sa akin ngayon?
Inis akong pumunta sa pintuan at sinilip kung sino ang gag*ng 'yun. Istorbo ehh.
Binuksan ko na ng tuluyan ang pinto at pinapasok sila na may mga dalang pagkain.
"Subuka--" Naputol ang sasabihin ko ng sabay-sabay silang nagsalita.
"Subukan nyong magkalat at mapapatay ko kayo. Woo alam na namin 'yan Aux." Mga nakangiting sabi ng mga tukmol na toh. Tsk.
Hindi ko na lang sila pinansin at bumalik uli sa living room para ipagpatuloy ang ginagawa ko.
"Uy. Magmo-movie marathon tayo?" Biglang sulpot naman ni Yuan. Wag na nga lang akong manood.
Nagsilapitan naman silang lahat dito. "Sana. Dumating ba naman kayo. Kaya wag na." Sabi ko at ibinalik ang mga CD's sa lagayan.
"Ehhh. Kasi naman ehhh. Aux," Naka-pout na sabi nilang tatlo.
It's irritating. Gross. Sa pagkaka-alam ko, wala talaga akong kaibigan ehh. Bigla-bigla lang yan sumusulpot kung saan. Tsk.
BINABASA MO ANG
The Nerdy Girl [COMPLETED]
RandomIt is hard to be a normal girl. Coz you can still encountered different things. Pretending is hard, so life too. Having a life is a blessing but being a lifeless is a worst feeling. It is not my fault if i lied because I just want to be a normal li...