TNG: Chapter 34

2.2K 63 0
                                    

Paglabas ko ng boutique, maguumpisa na sana akong maglakad ng biglang may humablot ng kamay ko.

"A-ah." Nasabi ko nalang dahil biglang kumirot yung pasa sa kamay ko. Agad naman s'yang napatingin doon.

"Who did this?" Tanong n'ya.

"Your fan." Simpleng sabi ko at inalis ang kamay kong hawak n'ya. Pero hinawakan n'ya ulit ang braso ko at hinila ako papunta sa pharmacy dito at bumili ng ointment. Hinila n'ya ulit ako paupo sa bench at binitiwan saglit ang braso ko para buksan ang biniling oinment.

"This will heal soon." Sabi n'ya at dinampian ng halik ang kamay ko. Napasinghap naman ako sa ginawa n'ya.

"Why did you become so sweet of all a sudden?" Natanong ko bigla. Napaiwas na lang s'ya ng tingin sa akin at tumayo.

"Come on. Let's go to Ferris wheel. There will be a firework at exactly 12 in the midnight." Sabi n'ya at nauna nang maglakad kaya tumayo na rin ako at sumunod sa kanya.

Nang makasakay kami sa Ferris wheel at huminto ito sa pinakatuktok, napanganga na lang ako sa view na nakita. Parang mga alitaptap ang bawat ilaw na nasa ibaba.

Nagulat na lang ako ng may biglang nagflash ng ilaw mula sa mukha. Dun ko lang nalaman na kinuhanan pala ako ng litrato ni Aux.

"Ang cute mo dito." Sabi n'ya at tumingin sa akin. Lumipat s'ya sa tabi ko at tiningnan ako ng diretso sa mata.

"What do you think?" Tanong n'ya. "Beautifully. It is unbreathtaking view." Sabi ko. "And i feel like I'm in castle." Dugtong ko pa.

"Yeah. Were here in the castle wherein I'm the king and your my queen." Parang tumigil ang oras at tanging s'ya lamang ang nakikita at naririnig ko. Pero maya maya lang, dinaan ko na lang sa tawa para mawala ang awkwardness sa pagitan namin pero s'ya seryoso pa ring nakatitig sa akin.

"A-ang corny mo. Hahaha." Tawa ko pa pero nagulat na lang ako ng bigla n'ya akong itulak pasandal sa gilid at inilapit ang mukha n'ya sa mukha ko.

"A-aux.."

"Do you know what I'm trying to say? Huh?" Tanong n'ya. Napakagat na lang ako ng labi ko.

"I don't know where did it started but I'm sure on what i feel right now." Sabi n'ya.

*dug**dug**dug*

Sa isang iglap, bigla n'yang sinunggaban ang labi ko na parang leon na gutom na gutom. Kinuha n'ya dalawang kamay ko at ipinaikot sa batok n'ya. Nakatingin pa din ako sa mga mata n'ya habang s'ya ay nakapikit at dinadama ang bawat paghalik n'ya sa akin.

Pumikit na rin ako at sinabayan ang galaw ng paghalik na ginagawa n'ya. Hinigpitan ko ang kamay ko sa batok n'ya at mas lalo ko pang nilapit ang mukha n'ya sa mukha ko para palalimin pa ang halik.

'Sigurado narin ako sa nararamdaman ko ngayon. Auxcez Aian Smith. I'm deeply fallin inlove with you.'

Kasabay n'yon ay ang pagsabog ng firework. Una akong humiwalay sa halik at umiwas ng tingin. Tumingin na rin ako sa langit kung saan sunod sunod ang pagputok ng mga fireworks na sobra ang ganda.

"I love you."

"Ano yun? Pakiulit nga?" Tanong ko. Hindi ko kasi narinig yung sinabi n'ya dahil sa fireworks.

Pero ngumiti lang s'ya sa akin. "Nothing. Just enjoy the light." Yun lang sinabi n'ya sumilip na rin sa labas.

"Wait let's take a picture as a remembrance." Sabi ko at kinuha ang camera n'ya at sinet yun.

"Yeah. A remembrance of our confession." Todong ngiting sabi n'ya.

"Happy ka?" Tanong ko. "Excessively." Sabi n'ya. Inayos ko nalang ang camera at hinawakan.

"Let me hold it." Sabi n'ya kaya binigay ko sa kanya yung camera at itinapat n'ya yun sa mukha namin.

"In one, two, three. Smile *click*"

"One more time. One two three *click* " Hindi ko alam kung ano ang naging kinalabasan ng picture dahil saktong pagclick ng camera, yung labi nya nakadikit sa pisngi ko.

"Auxcez.." Tawag ko sa pangalan nya. "Why? There's nothing wrong with it. Were now officially. I think." Sabi n'ya. Yun din ang nasa isip ko kaya napangiti na lang ako.

"Okay. Last one. In one two three *click* " This time, shocked na talaga ako. Kase imbes na nakahalik ako sa pisnge nya bigla naman s'yang humarap kaya ang result, naka-kiss kami sa picture na yun.

"Yah! Nakakainis ka naman ehh." Sabi ko. "Why? Ang sarap kase ng lips mo eh." Sabi n'ya ng nakangisi.

"Auxcex!" Sabi ko. "Okay. Okay. I'll stop." Sabi n'ya. Pagbaba namin sa Ferris wheel ay may nakita ako yung game na may tatamaan ka lang tapos may makukuha ka na. Hindi ko alam tawag dun eh. Basta.

Hinila ko papunta doon si Auxcez at pinilit maglaro. Buti naman at pumayag s'ya.

Ilang minuto lang nakuha n'ya na agad yung malaking teddy bear. Ang galing n'ya talaga.

*°Auxcez POV°*

Maingat ko s'yang nilagay sa shotgun seat at nilagyan ng seatbelt. Sumakay na ako sa driver seat at nilagay na rin ang seatbelt ko. Bago ako umalis , pinagmasdan ko muna ang mukha n'ya at tinanggal na rin ang salamin n'ya.

"She's really not ugly. She's truly a goddess for me." Sabi ko at pinaandar na ang kotse papunta sa bahay nila.

The Nerdy Girl [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon