Chapter fifty seven

57 0 0
                                    

Chapter fifty seven: Acceptance

Third Person's POV

Dumating na ang labingdalawa s kwarto ni (y/n) at naabutan nila ang dalawa na nag-aaway.

Kinabahan sila kaya agad na pumasok. Syempre di ba dati kapag nag-aaway ang dalawang yun hindi pwedeng hindi maospital ang noona nila.

"Hindi nga kita iiwan!"

"Leave me alone!"

"Dito lang ako sa ayaw at sa gusto mo!"

"Ah so gusto mo dito?! Pwes ako ang aalis!"

"Huy!-- aray! Gago ka Jeonghan ah! Bat ka nananapak?!"

"Oo nga bat mo siya sinapak?! Uy Cheollie okay ka lang?"

"Eh inaaway ka niya eh!"

"Ayaw niya kase akong bilhan ng pagkain!"

"Eh sa ayaw nga kase kitang iwan!"

Napasapo lang sila nang marinig ang dahilan ng sigawan.

Hindi pa sila na sanay. Kahit naman dati eh ganyan na yung dalawang yan. Simpleng bagay nag-aaway sila. Pero alam nila na naglalambingan lang yung dalawang yan. Dati pa nga maghahabulan pa yan.

Mangyayari pa kaya yung mga ganung bagay?

"Hoy ano S Coups? Bibilhan mo ako ng pagkain o hindi!?"

"Ito na bibili na! Anong pagkain ba?"

"Burger, tapos gravy, sunday, fries. Yun lang. Kaya may papabilin kayo?"

"Donut---Ahh!" Sigaw ni Seungkwan at hinimas himas ang braso niyang napalo ni Minghao kanina.

"And Donut."

"Okay." Sabi n Cheol at umalis na.

"Noona pinakaba mo kami!" Komento ni Jun at umupo sa tabi niya

"Noona magpahinga ka na nga!" Singhal ni Hoshi as he burst out crying.

Napatingin lang ang iba sa kanya.

"Pagod ka na eh! Hindi mo na kaya eh! Bakit hinihintay mo pa kami!? Kung pagod ka na go get a rest! Nang sa ganun hindi ka na mahirapan!"

"Hoshi Hyung---"

"Noona ngayon alam ko na... alam ko na na tama ka... mas masakit pala kapag ikaw yung unang bumitaw. Noona Eto na... samahan mo na ate mo... Noona go get a rest... please... mas masakit yung nakikita ka namin na nahihirapan."

"Soonyoung Hyung is right." Nanginginig na pag sangayon ni Seungkwan.

"Noona hirap na rin kami. Pagod na kami marinig mula sayo na ayaw mo na. Na susuko ka na. Noona, tama ka. Lahat nang sinabi mo noon. Kahit ilang beses namin sabihin na hindi kami bibitaw lulunukin namin ang mga desisyon namin. Hintayin mo lang si Coups Hyung ah." She smiled in front of them

"Silang dalawa lang ba?" Tanong niya sa kanila.

"We love you noona." Yun na lang ang nasabi ni Wonwoo.

"How does it feel? Anong pakiramdam na natanggap niyo na ang isang bagay?"

"Masakit. Pero at the same time, it makes someone happy. Acceptance is all it takes to move on and set someone, something, free. It will give you happiness that you never felt. May parte na masakit, pero yung sakit na yun, hindi kasing lala ng dati."

Ngumiti lang ang dalaga sa mga bata at pinalapit sa kanya.

Kita niya ang sakit sa mata nila. Na kahit nakangiti sila, hindi pa rin nila kaya.

"Tandaan niyo, na kahit wala ako, hindi matatapos ang mundo niyo. Continue smiling for carats. For the people who loves you. Always remember to forgive, and forget. Always remember to accept and to love. You don't owe every single person in this world. Yet you owe, yourself.

"We are one. Kahit wala ako, alam niyong hindi ko kayo iiwan. Nasa puso niyo ako. Babantayan ko kayo sa malayo. And that's how I love you."

The kids shook there head and hugged their noona na nakaupo lang sa kama.

"Noona hindi pa namin kayang wala ka."

"Kahit ako. Hindi ko kayang mawala sa inyo. But what matters right now is you accepted that I'll leave you soon. And whenever that thing happens, be happy for me. Please. Ayokong makita kayong umiiyak ha? Thank you kids."

"No noona. Thank you. Thank you kase dumating ka sa buhay namin. Thank you kase nandito ka. Thank you noona."

Kumalas na sila sa pagkakayakap at pinunasan niya ang mga luha nila.

"Pagod na yata kayo. Go get a rest. Matulog na kayo. Gigisingin ko na lang kayo kung nanjan na ang donut niyo."

Fixing the Broken Compass ‖ Seventeen Tagalog fan fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon