Chapter sixty one

64 0 0
                                    

Chapter sixty one: letter

Third person's POV

"Seungcheol..." tawag ni Jeonghan sa kanya.

Lumuhod ang nakababata at hinawakan ang pisngi niya.

"Tama na sa Pag-iyak. You know what you made the best decision in your life. And that is to let her go." Seungcheol nodded and smiled.

"Eto nga pala yung s-sulat niya para sayo. Asahan mo na iiyak ka ulit." Ngumiti lang si Jeonghan.

"Iyak ka lang hyung. Lilipas din yan. Hahaha. Nagconflict. Pero umiyak ka lang. Umiyak ka lang hanggang sa maubos yang luha mo. Matatanggap mo rin."

"Alam mo han, sana nakinig na lang ako sayo. Sana nakinig ako sa kanya ng mas maaga."

"Wala tayong magagawa hyung. Ito ang nakatadhana. Oh siya, aalis na ako.bye honey."

He said as he kiss (y/n) 's foreheadat lumabas na ulit ng kwarto. Umiiyak at humihikbi.

Dumating na kase ang oras na hinihintay niya. Dumating na yung dating ayaw niyang mangyari. At masaya siya dahil dumating na ang araw na ayun.

"Iiyak nga ba ako dito baby?"

Nanginginig ang kamay niyang binuksan ang sulat. Basa pa ang mga mata niya dahil sa kakaiyak. At hindi pa siya handang umiyak ulit. Pero gusto niya nang basahin eh. Kaya binuksan niya na.

Gummy Rabbit ko!

         Cheollie, umiiyak ka ba? Nalukungkot ka noh? Sasabihin ko sana na wag kang umiyak pero alam kong mahirap yun. Alam mong ayokong umiyak ka lalo na kung ako ang dahilan ng pagluha mo, pero Cheol, umiyak ka lang para mabawasan ang sakit na nararamdaman mo.

         So ayun, magsisimula ako sa pagpapasalamat sayo. Salamat kase minahal mo ako. Salamat kase tinuruan mo ako ng mga bagay na dapat kong matutunan. Salamat kase tinuruan mo akong magmahal ng totoo, tinuruan mo akong umiyak kahit mahirap, tinuruan mo akong tanggapin yung mga bagay na hindi ko matanggap. Salamat sa lahat lahat lahat.

         Salamat dahil sa mga tinuro mo sa akin salamat dahil dadalhin ko yun hanggang sa kabilang buhay. Salamat sa mga ngiti na pinakita mo sa akin. Sa mga luha na ako ang dahilan. Sa mga balikat na inalay mo.salamat Seung.

          Pangalawa, sorry Seungcheol. Sorry for being a jerk. Sorry kung hindi ko sinabi sayo agad. Sorry kung tinago ko to for 5 years from you. Sorry kase mas inisip kong mas makakabuti na sa amin lang toh ni Jeonghan. Sorry... Kung kaya ko lang ibalik ang oras, itatama ko lahat ng pagkakamali ko. Sasamahan kita sa oras na mag-isa ka. Seungcheol you're too precious. Kaya ang tanga ko na mas inisip ko ang sarili ko noon. Ang tanga ko na nagdisisyon ako ng hindi iniisip ang kalalabasan.

         Umalis ako noon nang hindi sinasabi sayo kung ano ang nangyayari. Umalis ako na para bang maayos lang ang lahat. I left without saying anything. Kaya imbis na ikaw ang sumusundo sa akin sa ospital, si Jeonghan ang gumagawa noon. Kaya nga di ba, inakala mong may something kami! Hahaha. Nakita ko kase noon kung gaano ka kasaya eh. Nakita ko kung paano kumislap ang mata mo. Kaya natakot ako na baka mapalitan ang lahat ng iyon ng lungkot. Natatakot akong makita koang umiiyak. Pero inuna ko ang takot ko, kaga anong nangyari, nawala ka sa akin.

         Two? Three years? Si Jeonghan ang kasama ko. Si Jeonghan ang pumupuno sa mga hindi mo nagawa. Pero pareho naming alam na walang makakapantay sayo. Na kahit siya ang kasama ko, ikaw ang nasa isip ko. Ikaw ang gusto ko. Na walang papantay o hihigit sa mga yakap mo. Walang katulad yung pagpunas mo ng luha. Cheol, Jeonghan knows how I love you. Mahal ko si Jeonghan. Minahal ko si Jeonghan. Pero wala kaming magawa, mas mahal kita. Ikaw lang Seungcheol. Ikaw lang.

Fixing the Broken Compass ‖ Seventeen Tagalog fan fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon