Chapter ten

68 4 0
                                    

Chapter ten:  talk.

(Y/n) 's POV

"Isa pa noona please...." request ni Dino.

"Later. Mag-uusap lang kami ni Jeonghan hyung niyo sa labas okay?" Sabi ko. Hinila ko siya palabas. Yung malayo sa practice room. Mahirap na baka marinig pa nila ang pag-uusapan namin.

Habang nagrerequest kasi sila, nag message si Jeonghan. Usap daw kami.

Ewan ko ba. Nababaliw na yata tong boyfriend ko.

"Bakit~" hindi ko na natapis ang sasabihin ko dahil bigla siyang nagsalita.

"May pinaplano ka ba?"

"H-ha? W-what do you mean?" Anong ibig niyang sabihin?

"Wag na tayong maglokohan dito (y/n). Sa kanta mo, alam kong may pinaplano ka." Tumingin lang ako sa malayo lara makaiwas sa mga mata niya.

"I knew it." Sabi niya. Hindi pa rin ako tumitingin sa mga mata niya. Mata niyang naiinis. Naiirita. Nag-aalala. At nagtataka.

"What's it?" Tanong ni Jeonghan ulit.

"W-wag mo nang alalahanin yun."

"I'm asking you, what is it?"

"I-I'm planning to fix seventeen" sabi ko.

Napahawak siya sa buhok niya. I see frustrations in his eyes.

"Bakit ha?"

"Cu'z I'm a carat. Not just a carat. I'm your friend, your noona, your adviser, and sometimes your mother. And I hate it kapag nakikita ko kayong nag-aaway. Alam mo yan Yoon Jeonghan. Alam mo yan."

"Yun lang ba talaga?" Napatingin ako sa mga mata niya. My eyes are interlocked with his. Nakakainis.

"Kase sa kanta mo at sa pagkanta mo, may iba pa eh." Nanatili akong nakatitig sa mga mata niya. Nakita kong nagpipigil siya ng luha. So am I.

Bakit? Bakit naiiyak ako? Bakit naiiyak siya?

"Is it about your heart?" Tanong niya.

"S-sorry Jeonghan..." bulong ko. Nagpipigil lang ako ng luha eh.

"Eto na naman tayo (y/n) eh... Bakit?"

"Jeonghan can't you see? Mawawala na ako sooner or later! At hindi ako papayag... H-hindi ako papayag n-na mawala ako nang hindi kayo naaayos..." sabi ko. Unti-unting kumawala ang luha ko.

"Ano ba naman (y/n)! Napag-usapan na natin to eh!" Sinuklay niya ang buhok niya gamit ang mga kamay niya. "Nakalimutan mo na ba kung bakit ka pumunta dito sa Korea ?! Jusko naman! Ano pang silbi ng pagpunta mo dito kung susuko ka lang naman din?!"

"Jeonghan hindi naman ako sumusuko eh.."

"So anong tawag mo dyan? Alam mo,kung aayusin mo kami dahil sa iniisip mong mawawala ka,wag na lang. Mas okay nang hindi kami maayos basta nandyan ka."

"Jeonghan naman. Kahit balibaliktarin mo yung mundo, hindi na ako gagaling Han. Hinding-hindi na."

"Hindi kita sinasabihan dahil boyfriend mo ako. Sinasabihan kita dahil kaibigan mo ako. Caretaker, gaurdian, at higit sa lahat, (y/l), ikaw ang bumubuo sa mundo ko. At hindi ko hahayaang mawala ka. Please ayusin mo muna ang sarili mo."

Lumabas si Jeonghan sa studio kung saan kami nag-uusap.

"Jeonghan sandali lang!" This is a serious talk.

Fixing the Broken Compass ‖ Seventeen Tagalog fan fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon