Chapter eighteen

53 1 0
                                    

Chapter eighteen: Kate Jang

(Y/n) 's POV

"Ma'am, eto na po yung number ng Kate Jang." Sabu ni Rhian.

Tumango lang ako at hinarap pa rin ang laptop ko. Ahh ang daming tatapusin! Pusa naman o! Kung pati kaya buhay ko tapusin ko na!?

De joke lang magagalit sa akin si Jeonghan. Hehe. Takot ko lang dun.

---

Dialing 09*********

"

Hello?"

"O to the M to the G.... KATE JANGGGG I MISS YOUUUUUU"

"wait... O. M. G. My eardrums! Who the hell is this huh!?"

"Ay bibi ko hurt mo si ate... BALIW SI ATE (Y/N) MO TO! ANO BA!? HINDI LANG TAYO NAGKITA NG TATLONG TAON NAKALIMUTAN MO NA PATI BOSES KO?!"

"ate? Oh my ghad sorry... I miss you ate huhuhu... sorry talaga. Hagardo lang ako..."

" It's fine my dear, I understand..."

"Hmm.. ate ang tagal na nating di nagkikita... ang dami nating pag-uusapan. Ang dami nating pagkekwntuhan..."

"Alam ko. May kailangan ka ring ipalawinag sa akin Ms. Jang."

"Like what?"

"Basta. Are you free later? Mga alauna ng hapon?"

"Ahh. Yeah. Half day lang ako. So I guess my unnie miss me so bad."

"Haha oo. Let's meet, sa Starbucks mamaya, yung sa may dati."

"Oh sure kapag ikaw  unnie! Hahaha! Labyu! See you later!"

"Okay dear. I love you too "

Binaba ko na ang tawag. 11:17 pa lang.

So para sa mga hindi nakakaalam kung sino si Kate Jang, ipapakilala ko siya.

Hindi siya naging trainee ng pledis, nor kababata ng iba sa seventeen. Well we met her before the debut of the thirteen boys. nag-OJT siya noon sa cafe na malapit dito. And suddenly, Vernon found her attractive. Baliw na baliw si Vernon noon to the point na walang araw ang hindi siya pupunta sa cafe.

And dahil nga doon, nagingclose kami. Naging close sila ng seventeen. Lalo na sila ni Vernon. Hindi mo sila mapaghihiwalay kapag magkasama sila. Slowly, Vernon fell for her. Until one day, sinabi na lang ni Vernon na gusto niyang ligawan si Kate. Tumagal yun ng seven months. March 18 ang anniversary nila. A month after Venron's Birthday.

Mag-iisang taon na sila nung umalis ako rito. At umalis ako nang masaya sila. Wala naman silang problema. Laging tumatawag si Kate para sabihing masaya sila, until one day, tumawag lang si Kate at umiyak nang umiyak. After that, wala na. Wala na akong balita sa kanila. Hindi na rin ako nangelam kase after 6 months, naghiwalay din kami ni Seungcheol.

*/*/*

"Unnie!" Sigaw ni Kate.

"Oh my ghad Kate!" Sabi ko sabay yakap sa kanya.

"Unnie kailan ka pa nakauwi?"

"Two months ago my dear... Sorry ha ngayon lang kita natawagan. Medyo busy din kase eh."

"It's okay unnie, I feel you." Nag-order muna kami. Bago kami tuluyang nagkwentuhan.

"Unnie kwento ka naman. Jusko... It's been 3 years pero wala man lang ako alam tungkol sayo."

"Ako lang ba?" Napatahimik siya ng bahagya at yumuko.

"What if, sasabihin ko sayo mga ganap sa buhay ko, sabihin mo sa akin kung ano talagang nangyari okay?" Ngumiti lang siya at tumango.

Kinwento ko ang mga nangyari this past 3 years. Excluding my secret. Hindi ko maintindihan ang mukha niya. Masaya na malungkot na nanghihinayang.

"Unnie... Ganoon po ba talaga ang hip hop team?" Tanong niya sa akin.

"Yun din ang tanong ko Kate... Bakit ganun ang hip hop team? Bakit laging hip hop at vocal? Ano talagang dahilan kung Bakit kayo naghiwalay ni Vernon?" Natahimik siya ulit. Nakamove on na ba tong babaeng to?

"Unnie..."

"I understand kung hindi mo pa masasabi ngayon. Wag mong pilitin kung hindi  mo kaya."

"N-no! Sasabihin ko sayo unnie! Sasabihin ko sayo ngayon! Ang unfair naman kase kung ikaw nagkwento tapos ako hindi."

"Are you sure?" Tumango lang siya at nagsimula.

"Two months before our 3rd anniversary, busy siya sa comeback nila. Lahat naman sila eh. Including Seungkwan. Then a month after that, naisipan kong gumawa ng surprise for him. Ako naman ang naging busy. Busy sa pag-aayos. Naman, ako yung babae eh. Haha."

"Si Seungkwan ang alam kong malapit sa kanya dahil sa Verkwan. Ayokong gamabalain sina Seungcheol oppa. Kaya sa kanya na lang ako nagpatulong. Sa sobrang busy sa paghahanda, pati birthday niya halos makalimutan ko. Hindi ko naman alam na didibdibin niya yun. Hindi ko rin alam na sinusundan niya kami ni Kwan. Then our anniversary came. Lahat ng pinaghirapan namin ni Kwan, napunta sa wala. He broke up with me. Hindi man lang siya nagbigay ng oras sa na pagsalitain ako. Masyado siyang naniwala sa mga nakita niya. After that, nawalan na ako ng koneksyon sa kanila. Maliban kay Kwan na pianpatahan ako. Hanggang ngayon kaibigan ko pa rin si Boo. Pero hindi na ang iba sa seventeen."

Huminga siya ng malalim. Nagpipigil lang siya ng luha.

"You want to cry?" I asked her.

Tumango lang siya kaya lumapit ako. Umiyak siya nang umiyak sa balikat ko. Puro hikbi at singhot ang naririnig ko.

"Akala ko okay na. Akala ko nakalimot na ako. Unnie akala ko maayos na. P-pero.. masakait pa r-rin eh. S-sobra..."

"Shh. Sorry dear."

"No unnie... t-thank you... kase... kase after t-three y-years nakapag-open up na ako sayo finally."

Bakit nga ba kase ayaw nilang makinig?

*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/*/






Fixing the Broken Compass ‖ Seventeen Tagalog fan fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon