Chapter fifty four

67 0 0
                                    

Chapter fifty four: for family

(Y/n) 's

He's acting weird.

Ayaw niya talagang umalis sa tabi. Ultimo pag-ihi't pagtae ko sasamahan pa ako nito eh.

"Baby baka malusaw ako niyan." Sabu niya sa akin.

"Ako, baka hindi na ako makaalis dito kase ayaw mong humiwalay"

"Hindi ka talaga aalis." Napairap na lang ako.

Nakakairita na ying kakaganito niya. Psh. Everyone will leave. I repeat, EVERYONE WILL LEAVE!

"Cheol. Please, may practice pa kayo eh... nakakasakal kaya yung ganito..."

"Nasasakal ka?!" Iritang tanong niya na ikinagulat ko.

"Nakakamatay yung pag-iisip sayo oras oras! Alam mo yun?!"

"Edi wag mo akong isipin!" I shouted back as my tears escaped.

"Shit. Sorry baby... okay, hindi na ako tatabi sayo. Di na ako mangungulit, but make sure you're alright ha?"  I nodded to response

He hugged me and we stayed in this position for moments.

Ayoko naman ding umalis sa tabi niya eh.

Mahal ko si Seungcheol. Mahal na mahal na mahal.

"Unnie, oppa?" Tawag ni Kate para magbitaw kami.

"Oh good. Paalis na rin kase ako eh."

"Ne oppa."

"Umalis ka na. Hinihintay ka na ng mga bata." He nodded and kissed me.

I watched him leaving the room. Mahirap sa kanya yun. Yung makita akong ganito. Pero ang tanong, bakit napasobra naman yata ang pag-aalaga niya sa akin.

"Unnie, nakalabas na si Kuya. Baka naman matunaw na yung pintuan sa ginagawa mo." Napakurap na lang ako at tumingin sa kanya.

"Hindi ka pa ba gutom Kate?" Umiling lang siya at tumabi.

"Ayaw mo po ba ng pagkain dito?"

"Nakakasawa na eh. Dali na gutom na yan eh. Bili ka na ng foodue foodue!" Sigaw ko at nagpout.

Tumango lang siya kaya napangiti ako ng malawak.

"Sa may cafe ng pledis ah!"

"Hala?!"

"Sige naaaaa" huminga na lang siya ng malalim at kinuha ang pera sa akin at umalis na.

Kinuha ko ang mga papel sa may box na nasa ilalim ng unan.

Sinimulan ko nang magsulat ng letter.

Dear Mommy Daddy,

          Mom, Dad, kasama ko na si ate tsaka si Erick! Kaya lang iniwan ko na kaya sa oras na mabasa niyo ito. The real purpose of this letter is to thank you for everything.
          My, Dy, sa totoo lang hindi ko alam hindi ko alam kung bakit deserve ko kayo. Sa sobrang tigas ng ulo ko, eto ako ngayon. Isa sa mga anghel na nagbabantay sa inyo. Totoong anghel.
           Hindi ko nga po alam kung bakit natanggap niyo agad na mamamatay ako eh. Kase yung ibang magulang jan, gagawin ang lahat para lang pumayag ang anak nilang magpagaling eh.
         So ayun na nga po, first of all, hehehe, sorry po kung napakakulit ko hehe. Naalala niyo po ba nung 13 ako, kinukulit ko kayo na bumalik sa Pilipinas pero ako rin ang umayaw. Sorry din po kung madalang tayo magkita simula nung nag train ako sa pledis. Nung nasa Pilipinas naman ako kasama kayo, busy ako para sa company. Then naging CEO. Pero kahit anong nangyari hindi ko naramdaman na wala kayong oras for me.
         Thank you rin po na binigyan niyo ng buhay ang isang (y/f/n). Ang isang gaga na naging kaibigan ng Seventeen, naging trainee, at naging CEO ng kumpanya for years. Mommy, Daddy, salamat talaga sa lahat.
        Alam ko pong kaya niyo nang wala ako. Please look for kuya specially to Krishna. Don't let her to die because of this heart desease. Love the boys as if I'm still here. Love everyone that loves me. I love you mom, dad. At kahit kailan, kahit napapagalitan ako, I did not regret that you guys are my parents. I'll always be with you. Muah muah!

Love,
Your princess and sweetie

Pinunasan ko agad ang luha ko nang matapos ang luha para sa mga magulang ko.

Tinupi ko agad yung papel inilagay sa isang envelope.

Kumuha na ako ng isa pang papel para kay kuya.

Dear Kuya,

         Hey oppa. Sorry ah, iniwan kita. Sinamahan ko lang si ate, mas matagal na siyang walang kasama eh. Tsaka, kaya mo na yan! Matanda ka na eh! May sarili ka na ngang pamilya eh!
         Ano lang, salamat kase ikaw ying naging kuya ko. Na ikaw yung naging ate ko (ew) matapos mawala ni ate. Na pinakita mo na kaya natin kahit dalawa lang tayo. Salamat sa kalokohan mo na nagpapasaya sakin. Salamat sa lahat.
         Sorry pala kung ang kulit kong kapatid sayo hehehe. Pero ikaw naman din eh makulit tapos kupal.
         Alagaan mo si Krishna at unnie. Iiwan na kita. Salamat kuya.

Love,
Utol mong kupal.

Tinabi ko na yung papel at binalik sa box. Tinakpan ko na rin yun ng unan para walang makakita.

"Unnie tara! Kain na tayo!" Narinig kong sigaw ni Kate at umupo sa tabi ko.

And just like the other day, we ate peacefully.

Fixing the Broken Compass ‖ Seventeen Tagalog fan fiction Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon