Chapter 3 - The Crash [Maymay]

1.7K 113 10
                                    

Two weeks
after start of classes

Dahil wala akong kadala-dala, heto na naman ako at may date.

Pangatlong date na namin ni Erwin mamya. Actually, in 30 minutes kaya dinadalian ko na sa pagme-makeup. Nakaligo na ako at nakabihis. Okay na rin ang buhok ko courtesy of Pat na mala-fairy godmother pagdating sa hair styles. So, makeup na lang. Di naman ako mahilig mag-makeup ng bongga. Yang contouring at highlighting na yan, wala akong alam dyan. Mabuti na lang at maayos ang kutis ko kahit morena lang. Konting tinted moisturizer, kilay, mascara at liptint, kering-keri na.

Ooops! May kulang pa pala. Finishing powder a.k.a. baby powder. Meron akong favorite na brand. Di ko na lang sasabihin baka ma-copyright tayo. Pero don't judge ha! Mahal kase ang pepper spray. So, bawi-bawi na lang sa ibang bagay. Parang accounting lang. Bawas dito dagdag doon, para balance di ba? Alam mo naman, 'di tayo rich. I'm on a budget most of the time. Kaya sayang din yung mga dates na napapauwi ako eh. Sayang yung food!

So, kuwento ko lang si Erwin. Uuuyyy, kire! Na-meet ko siya nung one time na ginabi na ko sa daan. At dahil gabi na nun, naka-ready na ang pepper spray ko. Syempre alangan namang hindi ako mag-ingat di ba? Ayaw ko kayang ma-headline sa dyaryo kinabukasan. Ang kaso mo, may mamang sunod ng sunod sakin. Naka-cap kase malay ko ba kung ano intention nya. Mula sa bus hanggang nakarating ako sa kanto ng bahay namin, aba! sumusunod ang loko. Nung malapit na siya, ini-spray-an ko nga ng pepper spray sa mukha. Nangalahati na nga yung spray eh. Buti na lang naka-glasses din siya at mask kaya di ganun ang effect. Di ba attire pa lang kakabahan ka na?

Pagkatapos nyang kumalma at ako rin, syempre, inabot niya sakin yung cellphone ko. Sabi niya, "Miss, eto yung phone mo, nalaglag sa bus. Di ako alam na agaw buhay pala magsoli ng phone sayo."

Ay, wrong assumption! Kala ko masamang-loob. Sorry naman.

To make the story short, papatawarin nya lang daw ako kapag pumayag akong makipag-date ako sa kanya. Hanep din no? Lakas ng fighting spirit. So, here I am, makikipag-date sa kanya for the third time.

In fairness, cute naman siya. Okay kausap. Okay pumorma. Okay ang grades kase nalaman ko pareho kaming estudyante pa lang. Okay ang family background. So, ayun....mukhang first time masusundan ang third date after tonight.

Yes, finally!

Nakalabas na ko ng bahay nang tawagin ako ni Pat. "Hoy Maymay, iniwan mo na naman ang phone mo!" Sabay wagayway ng phone ko na kala mo nanalo sa lotto. Hay, Pat.

Hindi ko alam na may lalaki palang nasa likod ko, so pag-ikot ko, nagkabungguan kami.

"Aaaayyy! Grabe ka naman! Mukha ba akong trash can?" Sabi ko habang pinapagpag ko ang basura na napunta sa damit ko.

Mygahd, puti pa man din dress ko! Waaa! Teka, uod ba yun? Yuck! Eeeew! Eeew!

"Miss, I'm sorry. I wasn't looking. Here, let me help. You got a maggot on your dress."

"Yuck, uod nga! Alisin mo! Alisin mo! Yuck, yuck, yuck!"

"Miss, wala na. Calm down."

"Calm down, calm down ka dyan?! Paano na yung dress ko? Yung date ko. Huhuhu!"

"Uhmm..."

"Anong nangyari?" Si Pat, ang bestfriend kong to the rescue.

"Tingnan mo, Bes. Paano pa ko makikipag-date nito?"

"Ah...eh...Maymay, tumawag si Erwin...ano raw...kase late ka na...umalis na siya dun. Di na tuloy date nyo."

"What?!"

"Meron pa siya sinabi, Bes... Ipagkakalat daw nya sa mga kakilala nya...na wag ng mag-aksayang makipag-date sayo, Miss Three Dates Only."

Kill me now!

Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon