Chapter 21 - Kuya

1.3K 130 32
                                    

"Sino ang nasa bahay?" Tanong ko kay Pat.

"Ang kuya mo."

"Pat, si Kuya lang naman pala. Bakit pamilya agad? Exaggerated ka naman masyado."

"Bes, katumbas ng general ang kuya mo. Natatandaan mo pa ba yung ginawa nya nung nahuli nya tayong pumuslit isang gabi para makapunta sa party?"

"Oh em gee! Kinalimutan ko na yun. Nakakahiya dun sa nagpa-party. Banned tuloy tayo sa lahat ng parties after."

"Kaya nga. Eh yung may umakyat ng ligaw sayo sa probinsya?"

"Jusko. Pat naman eh, pinapakaba mo ako masyado. Ano na bang balita kay Samuel? Meron pa ring restraining order kay Kuya?"

"Meron pa yata. Kaya ikaw Edward, kabahan ka na!"

"Why? What did I do?"

"Yang si Maymay virgin pa yan. Never been kissed at touched. Eh sa ayos nyong dalawa kanina, ilang bases na ang narating nyo. Ayan nga meron pang heke si Maymay. Lagot talaga kayo sa Kuya nya!"

"What? Meron ako kiss mark?! Edward naman eh."

"Babe, you weren't protesting when I was doing it. Especially when I..."

Tinakpan ko ang bibig ni Edward. TMI! Grabe talaga ito. Kulang na lang ikwento kay Pat lahat ng pinaggagawa namin kanina. Proud na proud pa ang loko sa laki ng ngiti.

Hala! Of all people from my family na bibisita, si Kuya ang pinaka-strict. Paano namang hindi eh military kase. Mahigpit na nung teenager pa lang kami, lalo na ngayon at isa na syang sundalo.

Tiningnan ko si Edward. Kung kelan naman naging kami, mukhang mauudlot na naman.

"Why are you looking at me like that? Are you saying we have to break up?"

"Hindi. But I'm sure si Kuya paghihiwalayin tayo." Nalulungkot na paliwanag ko.

Hanggang ngayon nakakalong pa rin ako sa lap ni Edward. At nakayakap siya sakin. Hinawakan nya ang baba ko at seryosong sinabi,

"Babe, don't worry. Akong bahala kay kuya. Okay?"

Tinitigan nya ang mga mata ko. Then ang labi kong nakanguso dahil sa kakaisip ng gagawin ko sa sitwasyon kay kuya. Mukhang di na nakatiis, hinalikan ako sa labi. At dahil good kisser si Edward, nadala na naman ako.

"Hoy kayong dalawa, maawa kayo sa single! Sobra kayo makaharot diyan."

Di namin pinapansin si Pat, go go lang. Grabe, dila ba yun? Nevermind. Nawala na ko sa sarili ko. Iba talaga ang effect. Yung parang kayo lang ang tao sa mundo. Napakapit na ko sa leeg ni Edward sa sobrang intense.

"Sh*t, Pat! That's cold!"

"Ay, ang lamig!"

Sigaw naming dalawa. Binuhusan na kami ni Pat ng malamig na tubig. Isang pitcher pa yata yun.

"Ayaw nyo kasi ako pakinggan
Masakit na lalamunan ko sa kaka ehem ko. Saka naman po, baka gusto nyong maglaplapan ng walang audience. Daig ko pa nagsisine dito sayang walang popcorn. Tama yan, para lamigin kayo. Sobrang init!"

Sinubsob ko ang mukha ko sa leeg ni Edward. Ramdam kong uminit ang buong mukha ko. Grabe, nakakahiya. Nakalimutan ko si Pat. Never pa nya ako nakitang humarot.

"Why? What's the emergency?" Tanong ni Edward.

"Nagtext si Kuya Vincent. Bilisan mo raw Maymay at naiinip na siya at pag di pa tayo umuwi, pupunta na siya dito in 5 minutes!"

Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon