"Babe, let me in!"
"Edward, kanina pa ganyan si Maymay. Ayaw makipag-usap kahit sakin. Tawagan na lang kita pag ready na siya."
"Babe!"
"Edward, kasi..."
"No! Whatever it is bugging her, I need to know. She needs me. Babe, open the door!"
Kanina pa ganito ang eksena sa labas ng aking kwarto. Si Edward, kulang na lang sirain ang pinto. Si Pat, panay ang paliwanag at saway kay Edward. Sobrang ingay na rin kase. Gusto ko lang naman mapag-isa.
Nagsimula ang araw ko na masaya. Feel ko, this is my lucky day. I was wrong.
"Are you sure you don't need us there?" Tanong ni Edward.
"Yes, Babe. Kaya ko naman. Saka private yung audition. Maghihintay lang din kayo sa labas."
"Let me at least drive you to the address."
"Sige."
"Uy, sama ako!"
"Sure Pat. Let's go. We don't want Maymay to be late."
Pagdating sa audition, pinapirma kaming mga inimbitahan para sa casting ng fashion show at binigyan kami ng number bawat isa.
Nakita ko na iilan lang ang Pinay. Mas marami ang mukhang foreigner. Mestiza at matatangkad.
"Seryoso ba talaga na mag-a-audition ako? Parang I don't belong." Mahina kong sabi.
"Girl, ako rin parang kinakabahan. Para tayong odd two out. Well, four kase apat tayong Pinay. Btw, I'm Tricia."
"Maymay. First time mo?"
"No. Matagal na akong model. Ramp model. Small time. But I believe that someday, makikilala rin ako. Ikaw?"
"First time. Secret dream ko rumampa. Goodluck nga pala. Sana matupad mo yang dream mo."
"You, too. Hindi ko pa nga alam na merong casting call. Sinabihan lang ako ng agent ko. After this meron akong raket. Sana matapos agad. Btw, can I have your number? Bihira din kase ang friendly sa ganitong sitwasyon. Competitive masyado."
"Sure." Nagpalitan kami ng number. Pagkatapos, lumabas na ang assistant ng fashion designer.
"Girls, start na tayo. I want you to walk from here to there and then back from where you will start using this shoes. Iba't ibang sizes yan so when I call your name, you go forward, put on the shoes and do a THE walk. Okay?"
"Yes, Sir."
"Btw, call me Missie not Sir, not Ma'am."
"Yes, Missie."
Kinakabahan akong nanood ng mga kasama kong nag-audition. Mas maraming magaling kesa sa mga hindi. Ang iba kase ay natapilok. Ang ibang minalas, nadapa. Sobrang taas kase ng takong. Mas mataas pa sa pinagpraktisan kong sapatos.
Magkasunod kami ni Tricia. Nung tinawag na siya at rumampa, humanga ako. Balang araw magiging sikat nga siya.
"Good luck, Maymay. Kaya mo yan!" Sabi ni Tricia nung ako na ang sasalang.
Bago ako rumampa, huminga muna ako ng malalim at inalala ang lahat ng tinuro sa akin ni Celine at yung nga napapanood ko sa internet. I focused on my goal, then, I walked.
Lumalakad pa lang ako marami ng sumisigaw at pumapalakpak gaya sa iba ring rumampa kanina. Ibig lang sabihin, I was doing it right. Thank God at natapos ko ang rampa ng hindi natapilok o nadapa.
BINABASA MO ANG
Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]
Фанфик[ Taglish - Unedited ] Maymay is a serial dater. She only dates someone thrice. She doesn't believe in a 3-date rule or rather she avoids what happens after the third date. Edward is the newly transferred guy in Maymay's school. He's a perfect dich...