"Maymay, Pat, open the door please. I got something for you."
Si Edward. Ang aga yata mangapit-bahay. Nagkatinginan kami ni Pat. Umaga at kakagising lang namin. Magluluto pa lang ng almusal.
"Sige na, Pat pakibuksan na lang. Baka tayo ireklamo ng ibang mga kapitbahay sa ingay ni Edward."
Pagkatapos pagbuksan, diretso si Edward sa kusina kung saan ako nakaupo. May bitbit na...uy, breakfast. Napangiti na lang ako.
"Good morning, Maymay. Etong breakfast, sabay-sabay na tayo kumain. Tapos sabay na ring pumasok sa uni."
"Ano yan?"
"Clubhouse sandwich ulit saka merong french bread. Meron ding cream cheese spread. At, coffees."
Saktong tumunog ang tyan ko. Napangiti si Edward. Alam na alam niya ang likaw ng bituka ko. Literally. Gutom na at nagpaparamdam.
"Dig in. Oh Pat, let's eat. Baka ma-late tayo sa school."
At inabot nya ang mga kape namin at nilagay ang sandwiches at bread sa gitna. Di pa nakuntento, pinalamanan pa ko ng tinapay.
"Thank you. Kain ka na rin. Ambagal mo pa naman kumain." Sabi ko kay Edward.
Napansin ko lang, parang wala lang nangyari yung sleepwalking ko, di namin pag-uusap, pagtatago ko sa kanya at yung pagbibigay ko ng letter. Normal lang. Kung ano noon, ganun pa rin. Oh, well. Gayahin ko na lang. Deadma siya sa mga nangyari, ako rin.
Nagready na kami ni Pat pagkatapos mag-almusal. Si Edward, nagligpit ng pinagkainan.
Nadatnan ko siya sa sala na nagbabasa pagkatapos magbihis.
"Ready na kayo? Let's go, I'm driving."
Nagkatinginan ulit kami ni Pat. Tama, wala ngang nagbago. In-extend nya ang kamay nya sakin.
"Ano yan?"
"Where's your hand?"
"Here?"
Tinaas ko ang isa kong kamay sa harap nya. Nagulat ako nang damputin nya at i-angkla sa kanyang braso. Tinginan ulit kami ni Pat. Si Pat malapit ng bumungisngis. Ako, shookt. Napanganga pa ako ng konti.
Nakatingin pala si Edward sakin. Hinawakan nya ang baba ko at itinaas para sumara ang bibig ko.
Tiningnan pa ako ng matagal at ngumiti labas ang ngipin.Sh*t. Wag sana akong mag-blush. Mokong na ito kung anu-anong pinaggagawa sakin. Si Pat di na nakayanan ang magpigil ng tawa at humalakhak. Hawak pa ang tiyan. Yumuko na lang ako para di masyadong obvious.
Papunta na kami sa kotse ni Edward. Siya, pangiti-ngiti at sumisipol. Kala mo naka-jackpot. Ako? Hanggang ngayon ramdam ko pa rin na parang mainit ang pisngi ko.
Pinagbuksan nya ako at inayos pa ang seatbelt. Si Pat din pinagbuksan sa likuran gaya ng ginagawa nya dati pa. Saka pa lamang siya umupo sa driver's seat nang okay na kami ni Pat.
"Okay na kayo? We're going." At umalis na kami papunta sa school.
Pagpasok sa gate, si Mayumi na naman ang bumungad samin na nagpaparinig. Parang deja vu. Nagparinig ulit si Edward at umakbay sakin. Deadma lang ulit sa grupo ni Mayumi.
Habang naglalakad, lahat ng girls mukhang di maipinta ang mukha. Ang mga guys, parang lalapit pero hihinto at mapapakamot ng batok. Tiningnan ko si Edward. Masama pala ang tingin. Parang dragon. Kulang na lang umusok ang ilong at magbuga ng apoy.
Pagdating sa klase ko. Hinalikan ako sa pisngi at nagpaalam. Di na humingi ng kiss mula sakin. Nakatulala pa rin akong nakatingin kay Edward habang naglalakad siya papalayo.
"Huy, tama na yan. Pasok na tayo darating na si prof."
"Ah...eh...si E-edward...bakit...anong nangyari?" Naguguluhan kong tanong.
"Ewan ko rin, Bes. Pero isa lang ang alam ko. Di pa tapos ang deal nyo."
Shookt.
BINABASA MO ANG
Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]
Fanfiction[ Taglish - Unedited ] Maymay is a serial dater. She only dates someone thrice. She doesn't believe in a 3-date rule or rather she avoids what happens after the third date. Edward is the newly transferred guy in Maymay's school. He's a perfect dich...