Chapter 9 - Where Am I?

1.2K 136 50
                                    

Bigla akong nagising. Una kong nakita ang kisame. Bakit may ceiling fan? Inikot ko ang paningin ko. Maling kwarto. Maling kama. Meron akong katabi. May nakapatong na braso sa tiyan ko. Pigil hininga ako at dahan-dahang nilingon kung sino ang nasa tagiliran ko.

Sh*t! Si Edward?! Mama ko! Anong nangyari? Wait, wala kang salamin? Ampogi mo pala. Angel face. Daig mo pa ako sa haba ng pilikmata mo. Saka yang lips mo kissable. Kaya naman pala kulang na lang kidnap-in ka ng mga girls sa campus. Teka naman, bakit ako andito? Di ba may kwarto pang isa?

Paano kaya ang gagawin ko? Play dead parang possum kagaya dun sa cartoons? Or tanggalin ko dahan-dahan yung braso nya? Eh kung jombagin ko na lang kaya? One time lang para tumino. May valid reason naman ako. Pang ilang base na ba ito? Third? Ewan. Bwisit ka Edward! Dinner lang ganito na. Mama!

Tiningnan ko ulit si Edward. This time from head down to his feet.

Mygahd. Bakit naka-boxers lang siya?!

Tiningnan ko ang sarili ko.

Okay. Balot na balot pa rin. Whew!

Tumingin ulit ako kay Edward.
Nagkatinginan kami at sabay kaming napalundag paalis sa kama.

Sh*t gising na siya. Shookt! Ok, now I know walang kasalanan si Edward. Ang hirap i-fake ng shocked face nya. Uh-oh! Nagsleepwalk na naman ako. Aaminin ko ba?

"What the f*ck? What are you doing in my room?" Sigaw ni Edward. Nakatulala lang ako sa kanya.

Deym, ang hot pala nya! Bakit ngayon ko lang na-realize?!Maymay, don't look down. Kahit anong mangyari don't look down...sa mata lang ang tingin. Teka mainit ba?

"Maymay, what are you doing here?" Sabay kuha ng kumot at tinakip sa kanyang katawan.

Nahimasmasan din ako. Finally!

"Ah...eh...ano...ano...ano...sige, bye!" At dali-dali akong tumakbo palabas ng kwarto hanggang makarating sa apartment namin ni Pat.

Hah! Hah! Hah! *hingal*
Sh*t! Nakakahiya! Hala, yung gamit ko naiwan ko dun. Pano na?

"Huy, okay ka lang?!"

"Ay, p*keng malaki! Bwisit naman Pat, wag mo akong bibiglain."

"Para kang ano. Kanina pa ko nakatayo dito eh. Anyare?"

"Si Edward...Bes..."

"Tara na, jombagin na natin. Sinasabi ko na nga ba mali ang akala ko eh. Kala ko pa naman gentleman yun kaya ok lang sakin dun ka natulog."

"Ano?! Alam mong dun ako natulog?"

"Oo. Tumawag ako kagabi. Si Edward sumagot ng phone mo. Nakatulog ka na raw. Ano bang ginawa mo at nakatulog ka?"

"Nag-netflix kami pagkatapos ng dinner. Napadami kain ko eh. Alam mo naman ako, tulog agad pag busog."

"Natapos mo ba yung term paper mo?"

"Oo. Kaya nga kami nakapag-netflix pa. Bes, favor pakikuha naman yung gamit ko dun. Naiwan ko nung tumakbo ako."

"Bakit ka napatakbo?"

"Nagsleepwalk ako papuntang kwarto nya. Waaah! Antagal-tagal ko ng hindi ginagawa yun eh. Ganun ako nung bata pa ako. Tapos paggising ko andun na ko sa kama nya...tapos nakapatong braso nya sa tyan ko. Waaaah! Pat, nakakahiya! Naka-boxers pa man din siya."

"So, malaki ba?"

"'Tado ka ah. Di ko na napansin yun."

"Wushu. Tinatanong ko yung tiyan. Hahahaha!"

"Ikaw jojombagin ko pag di ka tumigil dyan eh."

*Knock* *knock* *knock*

"Ayan na si Edward. Sabihin mo wala ako. Basta ikaw kumausap, Bes."

At kumaripas ulit ako ng takbo sa sarili kong kwarto. Ni-lock ko na rin para sure.




Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon