"Maymay, gumising ka na andito na ang Prince Charming mo!"
Ala-sais ng umaga. Daig pa ni Pat ang alarm clock ko sa ingay. Ano naman kayang sinasabi nyang Prince Charming?
"Maymay, ano ba?! Merong donuts dito. Gumising ka na."
Tama ba narinig ko? Donuts?
Dali-Dali akong bumangon at lumabas ng kwarto. Tama nga yata ang sabi nila, mabilis pa ako sa alas-kwatro pagdating sa kainan.
"Andito na. Andito na." Malakas ko ring sabi habang papunta sa kusina.
"Good morning, Babe."
Oh-Em-Gee! si Edward yun.
Kung gaano ako kabilis lumabas ng kwarto dahil sa pagkain, mas mabilis akong bumalik sa kwarto. Tiningnan ko ang aking itsura sa salamin. Mukha na naman akong aswang. Everytime na lang na gigising ako, sobrang gulo ng buhok ko na parang sinabunutan ng tatlong tao. Meron pa yata akong muta at laway. Yikes! Pumunta ako sa banyo at naghilamos at nag-mouth wash. Nagsuklay na rin ng buhok. At saka lamang ako bumalik sa kusina nang mukha na kong presentable.
"Good morning, Edward. Good morning, Pat." Bati ko sa kanila. Parang take two pero level up lang ang peg.
"Edward, bakit ka nandito?"
"Breakfast. Besides, I'm here to take you to the mall. Sabi ni Pat, you need to buy a few things for the ball and do some fixing about sosy problem? What's that?"
"Ahh. Okay. Bibili kami ng decoration for the Juniors-Seniors Ball. Yung sosy problem? Wala yun. Yun lang ang tawag namin ni Pat sa mga bagay na related sa pagpapaganda. Basta mahirap i-explain sa guy."
"If you say so. What time are we going? I have to run an errand din pala so while you're doing your sosy problem thingy, I'll do my thing. Then meet tayo after an hour or so sa coffee shop dun sa gitna ng mall. Okay ba yun?"
"Yes." Sabi ko habang puno ng donut ang aking bibig.
"Hey, dahan-dahan lang."
"Fave ko ito eh. Thank you, ha."
"Basta, ikaw." Sabi ni Edward na nakatitig lang sakin.
May dumi ba ko sa mukha? Nahihirapan tuloy ako lumunok sa mokong na 'to. Sh*t! Bakit may pa-smile pa?
"Hoy Maymay, lumunok ka muna! Mahihirinan ka na sa ginagawa mo. Di ka pa insured ha. Wala pa sa plano kong mawalan ng bestfriend."
Inabutan ako ni Edward ng baso ng tubig. Tinanggal din nya ang frosting na nasa gilid ng aking bibig. Bigla ko tuloy nilagok ang tubig dahil sa kabog ng dibdib ko. Swerte at di ako nasamid.
"Oh, ayan. Happy ka na?" Sabi ko kay Pat at pinanlakihan ko ng mata. Kase naman ngiting wagas ang bruha. Nang-aasar. Naiiling-iling lang si Edward saming dalawa.
Sa mall, sinamahan kami ni Edward na mamili ng pang-decor. Naglunch lang kami pagkatapos at humiwalay na siya sa amin.
"O, Bes, What's next?" Tanong ko kay Pat.
"Don't you worry, my friend. I got you."
"Yun nga kinakatakot ko eh. Baka mamya idala mo na naman ako dyan sa waxing salon na yan. Kakatapos ko lang three days ago. Hanggang ngayon ramdam ko pa nga ang sakit eh."
"Di pa kailangan. Mani-pedi lang then haircut at haircolor. Saka wag kang mareklamo, friend. Para sa ekonomiya yan. Hahahaha!"
"Baliw ka talaga! Pero Bes, wag yung hair ko. Alam mo naman ito lang ang nagdadala ng kagandahan ko eh."
"Sira! Maganda ka talaga. Icing on top na lang yang buhok mo. Di naman natin papabawasan ng sobra, layer lang saka highlights. Halika na!"
Pagpasok sa salon, agad na sumalubong samin ang baklang manager at nagbeso-beso.
"Beshie Pat! Looong time, no loook! O, bakit nandito ka na naman. Kakagaling mo lang kahapon ah."
"Tingnan mo itong baklang 'to, may pa long time long time ka pa dyan. Ito kasing BFF ko, need nya ang mala-diwata mong prowess!"
"Aaayyyy! Gusto ko yan! Diwata at prowess. Apir!" Pagkatapos kay Pat, kinuha ang kamay ko at sinabing,
"Halika, girl. Dun tayo sa shampoo station. At pagkatapos kulutin natin yang buhok mo!"
"Pat, help! Bakit naman kulot? Di bagay sakin ang kulot!"
"Naman Maymay, iba yun sa kulot mong na-kinky dati. Saka nagjojoke lang itong si Mamshie. Don't worry the best itong Si Mamshie. You're in good hands."
Susmaryosep. Panginoon, please po gabayan nyo po itong baklang ito. Wag nya po sana ako ipahamak. Mamyang gabi na yung ball. Wala ng time magremedyo.
Wala akong nagawa at kinaladkad na lang ako ni Mamshie. Di pa nakuntento, nakita rin nya ang mga pores ko sa mukha kaya isasama na rin daw nya ang facial. Buti na lang marami akong naipon sa kakalibre ni Edward. Kundi wala akong pambayad sa dami ng gagawin sakin.
Inuna na ni Mamshie ang pa-facial, mani at pedi pagkatapos ng hair color. Huli na raw ang pag-cut ng buhok para may suspense ang "the reveal."
"Maymay, darrrrliiing, open your eyes. Ika-cut ko na yang hair mo."
Nakatulog pala ako. Ang sarap kasi ng feeling na may nagpapaganda sa'yo. Dahil na rin sa ambience ng salon na relaxing talaga, di ko nalabanan ang antok.
"Wow! Glowing ang face ko. Saka parang walang mga whiteheads at blackheads na natira."
"Of course! Lahat ng clients namin dito satisfied sa service namin."
"Thank you, Mamshie! Asan na nga pala si Pat?"
"Andun sa labas at kausap ang gwapo mong jowa. Ang swerte mo Te, para kang nanalo sa lotto!"
"Ha?...Ah...eh..." Di ko masabi na di ko jowa si Edward. Di ko rin ma-deny kase secret nga yun.
"Oh, ayan na pala siya."
"Pat, anong nangyari?"
"Pinauwi ko na si Edward. Gusto ko kasi na makita nya yung full effect ng pagpapa-parlor mo. Yung naka-gown ka na. Itetext na lang natin siya pag susunduin na nya tayo sa apartment. Sabi ko nga no peeking baka mamya nakasilip din pala sa bintana."
"Ah. Sige."
"O, Maymay...are you ready for your transformation?" Sabay taas ng kanyang gunting.
N-no. Help?!
--------
hayst, parang sabaw. 🙈
sori na bawi na lang ako sa mga next chapters.
BINABASA MO ANG
Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]
Fanfic[ Taglish - Unedited ] Maymay is a serial dater. She only dates someone thrice. She doesn't believe in a 3-date rule or rather she avoids what happens after the third date. Edward is the newly transferred guy in Maymay's school. He's a perfect dich...