Chapter 33 - Before the Audition

1.1K 80 7
                                    

"I GIVE UP!"

"No Maymay, three days na lang at casting na. I want you to be fresh and rested on the day before the audition. Today at tomorrow na lang ang practice natin. So, no. Isa pang rampa."

Hindi ko akalain na dragon pala si Celine kapag meron siyang pet project. At minamalas yata ako, ako ngayon ito.

"Celine, napapagod na ko. Hindi ba pwedeng mag-merienda muna?"

"Last round pero no mistake this time. Only then you can eat!"

Celine lied. Ilang beses pa niya akong pinabalik-balik magrampa. Hilong-hilo na ako sa gutom. Hindi kase ako sanay. Economics major pa naman ang bituka ko. Ang kanyang favorite policy ay supply and demand. Kapag nagutom, dapat supply-an ng pagkain.

"Okay, that's enough! Babe, come here. I brought you lasagna." Ang aking Babe to the rescue. Thank you, Lord!

"Edward, that's not healthy. Dapat salad." Kontra ni Celine.

"Celine, kung ida-diet mo pa si Maymay, hospital na ang bagsak niya. Besides, she doesn't get fat." Si Marco. Mukhang napansin na namumula na sa inis si Edward. Ayaw na ayaw kase ni Edward na nagugutom ako. Ang goal niya ay tumaba ako which is impossible kase mabilis nga ang metabolism ko. 

"Fine. We're done here anyway. Tomorrow ulit. But please Maymay, practice pa sa bahay. Okay?"

"Yes, Ma'am!" Pabiro kong sagot.

"Let's go, heart. Bye, guys!" Paalam ni Celine at yaya kay Marco na aalis na sila. 

"Hay! Ang sakit ng katawan ko!" Reklamo ko after umalis ni Celine. Ayaw kong ma-hurt si Celine pero jusko nasobrahan yata kami ng practice ngayon!

"Tiis ganda, Bes. Ganyan talaga kapag models. Pero bilib din ako kay Celine ha. Naayos niya ang posture mo." Si Pat.

"Sinasabi mo bang kuba ako? Harsh ka, Bes." Pabiro ko.

"Sobra ka, Bes. Sinasabi ko lang yung pag chin up mo and yung paglakad mo ng hindi tumitingin sa baba. In five inches high heels! Bes, ang galing-galing mo na!"

"Thanks to Celine! Napansin ko nga na hindi ko na kailangang tingnan yung dinadaanan ko kahit naka-heels. Even yung sa hagdanan. Nakita mo ba yun, Bes?"

"We did. You were great, Babe!" Papuri ni Edward at halik sa aking noo. Proud boyfie ever.

"Um...gusto nyo pala guys? Hindi ko na kayo naalok nilantakan ko na agad itong lasagna. Thank you nga pala, Babe."

"You're welcome, Babe."

"Kumain na kami. Yung time na isa-isa kaming nawawala? Yun yon."

"Aysus."

"Ayaw kasi namin na ma-distract ka pa. Saka takot lang namin kay Celine. Nakakatakot pala siya, no? Naalala ko tuloy si Madam Cruz. Remember yung grade three teacher natin?"

"Hahaha. Loka-loka. Okay lang. For a good cause naman lahat yun at ako ang beneficiary." 

Sa ngayon ay nasa school pa kami. Maaga ang tapos ng klase namin kaya maaga pa kahit ilang oras na kaming nagpa-practice ni Celine.

Nasa isang gilid kami ng library, kung saan hindi halos nadaraanan ng mga tao, para makapag-practice kami ng maayos at walang istorbo. At ako? Nakaupo sa steps habang kumakain ng lasagna.

"Wala ba kayong mga assignments or reports? Baka naman wala na kayong time sa pag-aaral dahil sa akin." Tanong ko.

"Don't worry about us, Babe. How about you?"

"Okay naman. Maaga ako nagigising at dun ko ginagawa lahat ng dapat kong gawin. Pag-uwi kase natin gusto ko ng matulog agad. No choice."

"Bes, andiyan na si Roy. Mauna na kami, ha? See you later sa apartment. And wag mo na pala ako hintayin sa dinner, kakain na kami sa labas. Bye!" Nagmamadaling sabi ni Pat at patakbong pumunta kay Roy. Si Roy naman ay kumaway na lang mula sa pwesto nya at hindi na lumapit samin.

"So, it's you and me again. What's the plan?"

"Apartment. Food delivery."

"Ah. Babe time."

"Loko! Halika na nga!" At binatukan ko si Edward pero deep inside, kinilig ako. Bibihira kase kaming magkaroon ng time na kami lang. Palaging present ang barkada.

"So, are you excited?"

Nasa apartment na kami ni Edward. Meron siyang cable, wifi at smart tv kaya dun na kami tumambay. At mas malambot ang sofa niya kaya nakahiga ako ngayon dito. Si Edward, naglalakad galing sa kusina at nag-microwave ng popcorn. Naisipan kase naming manood ng Netflix.

"Medyo. Pero mas kinakabahan ako kesa excited."

"That's normal. Get up, Babe." Umupo siya at pagkatapos, pinahiga niya ako sa kanyang mga hita.

"So, anong papanoorin natin?"

"Zombies, superheroes, chickflick..."

"Series na lang kaya? Napanood mo na ba yung Grimm?"

"Just one episode."

"Pareho tayo. Nakatulugan ko yung episode two nung isang araw. Marathon ba tayo?"

"Does that mean you'll sleep here tonight?"

"We'll see. Sige na i-play mo na."












Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon