"Guys, I have a favor to ask."
"Sure, Captain!"
I was elected Co-Captain of the team when Coach saw my potential and skills. Coach said we needed two captains - and two heads are better when it comes to strategizing.
"I need to ask Maymay to the ball. But it has to be grand. And I need you all to carry out my plan."
"Oh, man. Edward, pano naman kami? Bigyan mo naman kami ng chance mag-ask." One of my team mates protested. I even heard someone who seconded his sentiment.
"Tado ka rin no?! Gf nga nya yung tao, singit pa kayo!"
Marco put an end to their delusions. As if I would let them ask Maymay.
"So, Edward... what's your plan?"
"This is what we're gonna do..."
"...any questions?"
"Pano kung sabihin ni Maymay na 'NO'?" One of my team mates asked again.
"Sinabi na ngang gf nya na yun. Bakit NO pa ang sagot?" Marco answered my team mate.
That's the big question. Because, Maymay is not my gf...yet.
-----------------------------
"Maymay! Huy!"
Deadma.
"May, ano ba! Mamya na nga yang ginagawa mo!"
Nasa oval ulit kami ni Pat. Syempre, gaya ng nakagawian namin, nanonood sa soccer practice ni Edward. Malapit na rin kase ang elimination ng IUSLG.
At dahil midterms na rin, multi-tasking ako. Aral habang pretend gf duty. Pansin nyo rin? Tuloy-tuloy pa rin ang pagpi-pretend namin ni Edward.
"Pat, wag kang ano. I'm busy. Mag-aral ka na rin dyan para di mo i-repeat next semester yang Gen. Science 1."
"Marami namang sample tests at reviewers."
"Wag ka umasa dun, saka cheating yun ah."
"Eh. Mamya na nga yan. Titingin ka lang sa field."
Hanggang ngayon subsob pa rin ang mukha ko sa readings. Andami kaya! Mahal na nga ang photocopy di ko pa babasahin?! Ano scratch paper piso isa? Naman! Pero dahil wala na ko maintindihan sa binabasa ko, pinagbigyan ko na rin si Pat. Para tantanan na ko.
"Oh, ayan na!"
Shookt. Pagtingin ko sa field nakahilera ang buong soccer team. Ang mga cheerleaders, nakaupo sa kanilang balikat habang may hawak na placards na "Will you be my date to the ball?" At si Edward, naka-formal attire. May hawak din na bouquet.
"S-si Edward ba yan? Pat, sino niyayaya nya?"
Sabay turo ko dun sa girl. Hmmm...yun ba yung malaki ang boobs? Hanggang ngayon wala pa ring paliwanag si Edward dun ah. Medyo nalungkot ako. Akala ko yung mga moments namin ni Edward nag-level up na. Yun pala, pretend pa rin.
"Aray! Pat, masakit yun ah."
Hinimas ko ang parte ng ulo ko na binatukan ni Pat. Masakit talaga.
"Shunga! Para sa'yo yan. Sino pa ba aayain ni Edward?" Paliwanag ni Pat.
"Eh bakit merong girl dun sa harap nya?"
'Kung di ka naman kasi ano, ang bagal-bagal mo. Assume ka ng assume! Sige na, bumaba ka na dun. Claim your man!"
At tinulak ako ni Pat papunta sa field. Di pa nakuntento sa bilis ko, kinaladkad na ko. Pagdating sa gitna, sinabunutan yung girl na feelingera pala. Di ko alam kung matatawa o maiiyak kase nadapa ako sa kakahila nya.
"Are you okay?" Si Edward, to the rescue ulit. Sabay naming tiningnan si Pat na kinakaladkad yung girl palayo. Ang ingay kasi nila.
"She's crazy."
"Pansin mo rin? Ganun lang talaga si Pat."
"Are you okay?" Paulit na tanong ni Edward.
"Yes. Yes" Ayan dalawang beses ko sinagot. Para quits.
Inalalayan ako tumayo ni Edward. Siya naman ang lumuhod at kinuha ang kamay ko.
"Maymay, will you be my date to the ball?"
"Yes!" Sigaw ni Pat. Anlakas ng pandinig.
"Yes na yan! Yes na yan!" Sigaw naman ng mga team mates ni Edward. Pati mga cheerleaders nakiki-chant.
Tumango lang ako. Di ako makapagsalita sa tingin ni Edward. Sobrang intense. Saka walang salamin si Edward, doble pala ang effect kapag walang salamin. Nanuyo na ang aking lalamunan.
"I need you to say the words, Maymay."
"Y-y-yes."
"She said yes!" Sabay talon ni Edward. Lahat pumapalakpak. May tumambling. At split?! Kala mo naman wedding proposal. Excited much? Tumaas na lang ang kilay ko.
Bigla akong niyakap ni Edward at hinalikan sa pisngi. Nakatitig sakin at nangingiting sinabi,
"Thank you. You don't know how happy I am right now...Pero darating din tayo dyan sa wedding proposal. Mga after five years."
Sh*t! Narinig pala.
Sinabi ko na lang,
"Luh. Advance mag-isip?!"
-----------
Last update for this week na po ito.
BINABASA MO ANG
Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]
Fiksi Penggemar[ Taglish - Unedited ] Maymay is a serial dater. She only dates someone thrice. She doesn't believe in a 3-date rule or rather she avoids what happens after the third date. Edward is the newly transferred guy in Maymay's school. He's a perfect dich...