Chapter 35 - Graduation Day (Maymay)

1K 83 2
                                    

"Oh my God, Maymay!"

Tiningnan ko si Pat at ngumiti. Sobrang kaba kong hinihintay ang susunod na mangyayari.

You know I love you, right?"

"Oo naman!"

"And I don't want to be with anyone else."

"Yiheee!" Sigawan ng lahat.

"Will you make me the happiest and marry me?"

"Say yes! Say yes!" Sigaw ng lahat.

"Yes."

"Woohoo!" Sigawan ulit ang lahat kasabay ng malalakas na palakpak.

"Kiss!" "Kiss!" "Kiss!"

Udyok ng mga tao sa paligid. Hindi pa nakuntento sa isa, humingi pa ng pangalawa at pangatlo.

Nagkatinginan kami ni Edward habang magkayakap. Malaki ang aming mga ngiti. Lubos ang aming kasiyahan...

...para sa aming mga kaibigan na sina Pat at Roy.

Parang kailan lang, bawat isa sa amin ay nagkukumahog tapusin ang kanya-kanyang thesis. Halos wala ng tulog sa group review o indibidwal man para sa mga exams.

Luha, pawis at dugo. Tama sila. Lahat yan pinagdaanan namin upang makarating kami sa kinalalagyan namin ngayon.

Lahat kaming magkakaibigan ay magsisipagtapos na. Ilan sa amin tulad nina Edward at Roy ay cum laude pa.

Sa katunayan, nasa pila kami. Hinihintay namin na tawagin ang aming mga pangalan sa entablado upang tanggapin ang aming mga diploma. Ang isang katibayan na nakaya namin ang lahat ng sakripisyo at paghihirap sa pag-aaral.

Alam ko kakaiba, na naganap ang proposal ni Roy kay Pat sa pila. Awkward ng slight pero natabunan iyon ng kasiyahan ng mga taong nakapaligid sa amin kahit hindi namin kaibigan o kilala man lang. Pero kelan ba naging normal ang mga pangyayari sa pagitan naming magkakaibigan? Ang importante masaya sina Roy at Pat, kaming mga kaibigan nila at ang mga taong nakasaksi sa kaganapang ito.

Ilang saglit pa at nagsimula na ang graduation ceremony. Lahat masaya. May mga lumuluha pa sa tuwa habang inaabot ang diploma. Nilingon ko sina Pat at Roy. Hanggang ngayon ay nakangiti pa rin dahil sa nangyari.

Nakadalo ang mga magulang nina Pat, Roy, Marco at Celine. Sila ang dahilan ng malalakas na palakpak nang kami ay tawagin sa entablado para abutin ang mga diploma. Hindi man nakadalo ang pamilya ni Edward sa graduation, okay lang dahil uuwi na rin si Edward sa Germany. Si Kuya Vincent naman, next month pa darating pero okay lang din. Nangako siya na uuwi kami sa probinsiya para makapag-celebrate kasama ang aming mga kamag-anak.

Napabuntong-hininga ako. Mami-miss ko lahat ito. Kahit na naipangako namin sa isa't isa na pagkatapos ng graduation na madalas pa rin kami magkikita-kita, malabo na iyong mangyari. Ibang yugto na naman sa aming mga buhay ang aming bubuksan.

Katatapos lang ng graduation dinner slash engagement party nina Pat at Roy sa restaurant kasama ang mga magulang nina Roy, Pat, Marco at Celine nang maisipan naming mag-celebrate ng hiwalay sa mga parents. Nandito kami sa videoke bar para mag-walwal. 'Last hurrah!' kumbaga bago kami magstart sa buhay sa labas ng pagiging estudyante.

"Bes, Congrats!" Bati ko kay Pat pagkarating namin sa videoke bar.

"Sobrang saya ko, Maymay! Look, ang ganda di ba?" Inabot sakin ni Pat ang kamay niya para maipakita ang kanyang engagement ring.

"Siyempre, Bes. Ako yata ang ring consultant ni Roy. Sinamahan namin ni Edward bumili."

"WHAT?! Kelan pa?"

"Sikret. Basta!"

"Andaya-daya mo, Bes! Matagal mo na palang alam ito di mo man lang ako sinabihan."

"Bes, mawawala ang element of surprise kapag sinabi ko. Besides, di ko rin in-expect na magpo-propose na si Roy ngayon. Magpaplano pa lang kami para sa proposal."

"Hindi ko na napigilan, Maymay. Sorry!" Singit ni Roy. Bumaling siya kay Pat. "Love, babawi ako sa'yo ha. Dapat sa ano eh...basta! Surprise na lang."

"Di na importante yun, love. Masaya na ko dito."

"So, anong plano mo na ngayon?" Tanong ko kay Pat.

"Nag-apply na ko ng trabaho dito. Hinihintay ko na lang ang tawag nila. Nga pala, okay lang ba na sa apartment na natin tutuloy si Roy? Mas malapit kase yung inaplayan kong trabaho satin, so si Roy ang lilipat."

"No problem, Pat. Starting tonight, Maymay will live with me in my apartment. That will give you and Roy privacy. Besides, I only have a week left before I go to Germany. I want to spend every minute of it with my babe." Sabi ni Edward sabay upo sa tabi ko. Umakbay siya sakin kaya humilig ako sa kanya. Tumango lang ako sa sinabi ni Edward. Gusto ko rin na makasama siya ng mas madalas.

"Thanks, Edward." Si Roy.

"Masyado naman kayong seryoso diyan! Start na ta-..." Ani ni Celine.

🎵At first I was afraid, I was petrifieeeeeed...🎶

At sinimulan na nga ni Marco ang pagwawalwal. Sabay-sabay kaming nagtakip ng tenga.











Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon