Chapter 5 - 'Relationship' Goals

1.4K 129 47
                                    

Monday. Gate pa lang pinagtitinginan na kami. Kase this time, kasama namin si Mr. Poging Geek a.k.a. Edward.

In fairness, keri ko pala ang may jowa. Yes, jowa kami kahit pretend lang. This is only a means to an end. Sa kanya, para mabawasan ang pagiging girl magnet nya. At ako, para ipamukha ko sa mga lokong ex-dates ko na kaya ko kumuha ng boyfriend na mas higit sa kanila. Na hindi ako Miss Three Dates Only. Pero di nila alam na fake itong ginagawa namin. Sikretong malupet!

"Aba! Hanep din itong si Miss Three Dates Only. Si Edward pa ang nabitag. Ano kayang gayuma ginamit nya?" Parinig ni Mayumi.

Buwisit na Mayumi ito. Palagi na lang ako pinagtitripan. Ang aga-aga sisirain ang good mood ko.

"Hoy, Mayuming hindi naman! Tumigil-tigil ka sa kapaparinig sa bespren ko. Siya, reigning Miss Campus. Eh ikaw, grade 1 ka pa last nakaroon ng beauty title!"

I love you, Pat! To the rescue palagi. Hands down loyal friend to the max.

Nga pla, di sa pagmamayabang, kaya ako popular sa school at maraming gustong makipag-date sakin dati kase nanalo akong Miss Campus. Ewan, ang mga tao talaga shallow! Dahil lang sa beauty title big deal na sa kanila. Ako, importante sakin yung prize. Scholarship kase yung grand prize.

"Samahan mo naman ako sa pinagbilhan mo ng gayuma." Dagdag ni Mayumi.

Letseng babae talaga 'to. Isubsob ko na kaya sa sementong upuan? Para matauhan at tumigil.

"Babe, don't mind them. I only have eyes for you because you're beautiful." Parinig ni Edward sabay angkla sa bewang ko.

Juskulord! Nawala ako sa script! Nagulat ako syempre. Di naman kami nag-practice. Saka ang kamay girl, at home na at home sa bewang ko! Batukan ko kaya? Wala sa usapan namin ito, ah.

"Yes, babe. They're just wasting our time. Pat, don't mind her. She's insignificant." Parinig ko na lang din. Acting-acting lang.

Dumiretso na lang kami papuntang klase. Ang mga babae, inggit na inggit. Kulang na lang hablutin ako at sabunutan. Ang mga boys, ewan, nanghihinayang? Baka. Ayokong tawagin ako na assumera ng taon.

Sa pintuan ng klase namin, yumuko si Edward para bumulong, "Smile. And kiss me on the cheek."

"Bakit?!" Bulong ko rin. Sa malayuan, mapagkakamalan mo kaming naghaharutan. Kase naman halos nasa tenga ko na yung bibig nya.

"Just do it!"

Wala akong nagawa kundi kumiss. Bwisit na 'to. Nakakarami na talaga. Pagkatapos ko, kumiss din siya sa pisngi ko. Gggrrrr.

"Bye, babe. See you later!"

Again, exagg na pagkasabi ni Edward. Minsan naiisip ko parang OA naman na. Never mind. Kumaway na lang din ako para di siya magmukhang tanga.




Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon