Chapter 26 - 🎶Pearly Shells🎵

1.1K 122 7
                                    

"Edward! Babe!"

Nalibot ko na ang lahat ng sulok ng aming villa pero wala si Edward.

"Saan kaya nagpunta yon?" Tanong ko sa aking sarili. Pagod na ko sa kakahanap sa kanya.

"May, nakita mo na si Edward?" Tanong ni Pat. Ilang minuto na rin nya akong tinutulungang maghanap sa taong ayaw yatang magpahanap.

"Hindi pa eh. Pakisabi na lang sa iba, don't mind us. Nagtampo lang siguro si Edward sakin. Kung gusto nyo nang magswimming, go na kayo."

"Sure ka dyan, Bes?"

"Oo. Try ko hanapin sa malapit sa beach. Baka nandun lang yun."

"Nga pala, naalala ko. Sabi ni Roy, sa bandang dulo merong malalaking bato na pwedeng tambayan. Baka nandun si Edward. Ingat ka lang. Dalhin mo na rin kaya yung cellphone mo para matawagan mo kami kung emergency?"

"Sige, ita-try ko dun. Salamat Bes ha."

"No problem, Bes. Sige, ingat ka!"

Kinuha ko ang aking cellphone, shades at cap. Medyo mainit na rin kaya naglagay muna ako ng sunblock bago umalis.

Mga ilang metro mula sa aming villa, di ko pa rin nakikita si Edward. Pero maraming sea shells na kakaiba ang kulay kaya sinabayan ko na ring mamulot habang naglalakad. Tamang-tama ring naubos ko na ang laman ng dala kong paper cup kaya dun ko nilagay ang mga ito.

Sa aking pagkaaliw, di ko namalayan na narating ko na ang malalaking bato. Nandun si Edward. Nakaupo at nakatingin sa kawalan.

"Maymay, can you leave me alone for now? Please?"

Sh*t! Galit nga yata sakin. First time niya kong ayaw makasama. Pero bilib din ako sa radar nya, alam nyang ako ang dumating kahit di nya ako nililingon.

"K-kung yan ang gusto mo."

"I'll find you when I'm ready to talk. Okay, Babe?"

Well... slight tampo. Tinatawag pa nya akong Babe, eh. Since maliit na bagay, pagbibigyan ko siya.

"Okay, Babe. I'm sorry."

Masakit man sa loob ko, iniwan ko si Edward sa kanyang pag-iisa. Pareho rin pala kami. Kapag di ready makipag-usap, di makikipag-usap. Habang naglalakad pabalik, nakakita na naman ako ng kakaibang shape ng sea shell.

Alam ko na, aaliwin ko na lang ang sarili ko sa pamumulot ng sea shells.

Tumigil muna ako sa pamumulot ng shells ng maramdaman kong masakit na ang balakang ko at likod sa kakayuko. Nag-inat ako at luminga-linga sa paligid.

Mygash! Bakit nandito na ko? Sa main area ng resort ito. Kaya pala marami ng tao.

Tinanaw ko ang aming villa ngunit di ko makita mula sa posisyon ko. Sobrang layo na pala ang nalakad ko.

Time to go back, Maymay. I'm sure hinahanap ka na. Lalo na si Pat.

Biglang nag-ring ang aking phone. Tiningnan ko kung sino ang tumatawag.

"Speak of the de..."

"Maymay! Nasaan ka na? Di ka nagtext. Hinahanap ka ni Edward."

"Agad-agad?"

"Anong agad-agad. Alas tres na, Bes! Dalawang oras na since umalis ka sa villa."

"Ows?"

"Lukaret ka talaga! May time yang cellphone mo. I-check mo para maniwala ka sakin. Nasaan ka ba?"

"Sa beach ng main. Namumulot ng shells. Hehe."

"Hay nako. Bumalik ka na. Wait, papunta na si Edward dyan. Hintayin mo."

"Wait! Merong cafe ang resort. Pakisabi kay Edward hintayin ko siya dun. Na-dehydrate na yata ako. Magpapalamig muna ko."

Dumiretso na ako sa cafe. Buti na lang at pwedeng i-charge sa villa ang food sa cafe. Di ko nadala ang aking wallet.

Alfresco ang cafe. Pumwesto ako sa kung saan tanaw ang beach. Para hindi ako maiinip, inilatag ko sa table ang sea shells na napulot ko.

"Ang ganda naman nito. Rainbow ang kulay kapag nasisikatan ng araw." Mahinang sabi ko.

"Yes, as beautiful as you are...is this seat taken?"

Tiningala ko ang pinanggalingan ng boses.

Holy cow! Ang gwapo naman nito. For reals, sinabihan niya akong beautiful?

"Ummm..."

"Yes, the seat is taken and so is she!"

Edward?!

Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon