Nasa library ako. Busy sa mga term papers at assignments. Yes, plural. Pansin ko lang, miyembro yata ng bdsm club or descendants ni Marquis de Sade ang mga professors ko kase everytime na umaalma kami kapag binibigay nila yung assignments, nakikita kong ngumingisi sila.
Swear! I'm not making that up. Or, baka nasasapian sila ng masamang elemento. Take your pick.
That's why andito ako sa library at sakop ang isang buong table. Nakalatag lahat ng books ko at nakabukas ang laptop. Wag na kayo magtaka bakit meron akong laptop. Kasama sa prize yan dun sa Miss Campus beauty pageant. Wag kang ano.
Anyways, kanina pa ko dito. So far, nababawasan ko paunti-unti yung mga assignments na malapit na rin ang deadline.
"Eherm!"
"Huh?" Inangat ko ang ulo ko na subsob sa laptop at tumingin sa paligid.
"What the f...?!" Tatlong boys ang nakaupo sa harapan ko na mukhang nagulat din sa umubo. Kay Edward pala galing yung sound. Nakatayo sa gilid ko at tinititigan ng masama ang mga unwelcome seatmates ko. After mga 10 seconds na titigan, buti nakahalata rin. Or, natakot kay Edward kaya umalis.
Okay, acting time. Nakatingin kase samin yung mga nasa kabilang table. Mga usisero't usisera!
"Hi, babe." Sabay kiss sa pisngi nya habang nakapalupot naman ang mga kamay ko sa braso nya.
Don't judge me! Nasanay na ako na ganun ang routine namin. Saka mukhang galit na, eh. Sinusundan pa ng tingin yung mga boys. Pag dito nakipag-away si Edward sa library malamang maba-ban ako dito. Fave spot ko pa naman itong library bukod sa canteen. Syempre kailangang i-maintain ang grades dahil sa scholarship. Yup, yung napanalunan kong scholarship merong kondisyon.
"Babe, nakalimutan mo maglunch." Sabi ni Edward na mukhang galit lang sa mga boys kase worried siya sakin.
"Tapos na?! Hala, andami ko kasing kailangang tapusin. Ayan, nagugutom na ko. Bakit pinaalala mo pa?"
Hindi alam ni Edward kung ano ang sasabihin. Weird ko kase. Aminado naman ako.
"Kain tayo? May klase ka na ba? 2:30 p.m. pa next class ko. May time pa."
"Wala. I'm done for the day except sa soccer practice later."
"Ok, let's go?" Naligpit ko na mga gamit ko sa bag. Ganun ako kabilis pagdating sa food. Hehe.
-----------
"I love you, Edward!"
Gigil ako. Gusto kong kalbuhin lahat ng members ng fans club ni Edward na walang pakundangan sakin. Kahit na fake gf ako, hindi naman nila alam yun. So dapat respeto lang. Gusto ko tuloy ibalot sila isa-isa at isoli sa mga nanay nila para maturuan ng tamang asal. Well, yun ay kung may tamang asal din nanay nila. Pano kung maharot din, like mother like daughter? Well, that's a big dilemma. Wala ng pag-asa yun.
"Hay!"
"Bes, ok ka lang? Upakan na ba natin?"
"Kalma lang, Pat. Wag lang nila mahawak-hawakan si Edward. Pero maiba ako, kala ko ba meron kang kailangang ipasa bukas? Bakit nandito ka?"
"Bes, smorgasbord! Tingnan mo, lahat fafa." Sabay turo sa soccer team na bakat na yung mga katawan sa t-shirts dahil pawis na pawis na.
Ay, letse. Pagkakire-kire nito. Nabatukan ko tuloy.
"Bes, sumusobra ka na ha. Masakit yun."
"Ay, sori napalakas ng konti. Kase naman meron ka ng boylet tumutulo pa laway mo dyan."
"Bes, may mata ako. Saka walang masamang mag-appreciate."
"Ah, ewan! Bahala ka na nga dyan. Wag ka lang magpahuli at mamya break na ulit kayo."
Napatingin ako sa field ulit. Tumatakbo papalapit samin si Edward. Sinesenyasan akong lumapit sa kanya.
"Wait, Pat. Balik ako. Puntahan ko lang si Edward."
Pagdating ko sa baba ng bleachers, iaabot pala sakin ni Edward ang jacket nya pero may fan na humarang. Hinablot ko ang buhok para umalis. Bastos eh. Singit ng singit. Tatawa-tawa lang si Edward sa ginawa ko.
"Babe, wear this."
"Ngayon na? Edward ang init-init! Kaya nga naka- sleeveless ako at halter eh. Saka shorts."
"That's the idea. Mahaba iyong jacket ko sayo. Matatakpan ang dapat matakpan."
"Edward..."
"No, Maymay. Gusto mo ng lasagna at cheesecake mamya di ba?"
Tumango lang ako. Ngango 'tong Edward na 'to ah. Blackmail talaga.
"So, isuot mo ito."
"Fine!" Paalis na ako ng may pahabol pa siya.
"You forgot something..."
"Ano na naman ba 'yun?"
"Goodluck kiss ko."
Hayst! Eh di i-kiss.
BINABASA MO ANG
Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]
Fanfic[ Taglish - Unedited ] Maymay is a serial dater. She only dates someone thrice. She doesn't believe in a 3-date rule or rather she avoids what happens after the third date. Edward is the newly transferred guy in Maymay's school. He's a perfect dich...