Chapter 25 - Sembreak

1.3K 104 16
                                    

"Yes!"

"Thank God!"

Last day of finals week. Lahat masaya. Lahat excited sa summer break. Isa na roon ang grupo namin na sabay-sabay kumuha ng exam.

"Nahirapan ba kayo sa exam?" Panimulang tanong ko sa bawat isa.

"Slight. Haha." Ani ni Pat.

"Same." Banggit ni Celine.

"Ikaw, Babe?" Tanong ko kay Edward.

"Sus, Maymay. Di mo dapat tinatanong itong si Edward. Genius ito eh. Genius!"

"Di naman, Marco. Okay lang, Babe. How about you?"

"Hmmm...may parts na madali, merong mahirap. For once, nasagutan ko lahat. Okay din pala yung group review na ginawa natin." Nakangiti kong sagot.

"Next finals ulit." Sabi ni Marco.

"As long as you pay for the food." Nakangising banat ni Edward.

Hay nako. Nagsimula na naman ang asaran ng dalawa.

"Heart, wag ka na magreklamo. I'm sure ikaw ulit magbabayad. Ang daldal mo kasi eh." Si Celine sabay halik sa pisngi si Marco. Pampalubag-loob siguro sa sinabi nya.

"So, anong plano? Swimming?" Tanong ni Roy na bf ni Pat. Nakikinig rin pala sa usapan. Sobra kasing tahimik nito at paminsan-minsan lang magsalita.

"Game ako kahit ano." Sabi ni Pat.

"Camping. Boy Scout naman kami ni Edward." Si Marco.

"Heart, alam mo namang takot ako sa outdoor outdoor na yan di ba?" Ani ni Celine.

"Don't worry, I'll protect you."

"Really?"

"Siyempre naman, ikaw pa."

"Hoy, tama na yang kirehan nyo! Decide na kung saan!" Sigaw ni Pat.

"Babe, ikaw ba anong gusto mo?" Tanong ko kay Edward.

"Kahit saan basta nandun ka, babe." Sagot naman n Edward.

"Wushu! Pati naman kayo gumagaya kina Marco. Hay, nako. Buti di ako single ngayon."

Nasa canteen ulit kami, ang unofficial tambayan namin sa loob ng campus.

"I know. My aunt has this friend who has a beach resort somewhere in Zambales. We could do bonfire, camping and swimming. And, the resort also has several villas with private pool. We could rent one so those who don't want to rough it, can sleep inside the villa. We could also cook. We just have to bring cooking pots, pans and other things. It's a driving distance from the market so we could buy the ingredients there." Paliwanag ni Edward.

"Edward, that's a good idea! We should bring tents din. Celine, okay ba yun sa'yo?" Tanong ni Marco.

"Yes, heart. Great idea, actually. Lahat ng gusto natin in one place." Nakangiting sagot ni Celine.

"Count us in!" Sabi ni Roy.

------------

"Babe, wake up." Gising ni Edward sakin.

"We're here!" Sigaw ni Marco mula sa driver's seat.

Nakarating na kami sa beach resort at naka-park na ang van na sinakyan namin from Manila. Kailangan namin ng malaking sasakyan sa dami ng aming dalang gamit.

Ang villa na ni-rent namin ay nasa bandang dulo ng resort. Mas private.

"Guys, tulong-tulong na sa pagbitbit ng gamit. Girls, you're in charge of organizing. C'mon. Chop! Chop! Para makapag-swimming agad."

"Babe, tutulong na kami sa pagbuhat. At least kahit personal luggages lang para mas mabilis." Suhestiyon ko.

"Okay, babe."

Pagkatapos magbuhat, ang lahat ay nakaupo sa dining table at kanya kanya ng kain ng chips, fruits at sandwiches. Maaga kasi kami bumiyahe kaya gutom na lahat.

"Okay. This villa has two bedrooms. Each bedroom has two twin beds. Paano natin hahatiin yung rooms?" Tanong ni Edward.

"Obviously, girls sa isang room, boys sa isa." Sagot ko.

"Pero Maymay..." Reklamo ni Marco.

"Walang pero pero. Yung ayaw ng may katabi, meron naman tayong tatlong tents or yung dalawang sofa beds dito sa sala."

"Ako, okay sakin all girls sa room. Maymay, share na tayo sa isang bed" Sabi ni Pat.

"Ako rin, okay sakin all girls." Segunda ni Celine.

"Okay. Kaming boys na ang mag-aakyat ng bags at luggages sa rooms. Kayong mga girls, pwede na ba kayo magstart sa pagluluto ng lunch?" Tanong ni Roy.

"Yes, love. Celine, kaya mo ba magsaing? Kami na ni Maymay ang maghihiwa ng ingredients. Um guys, after nyo mag-akyat ng gamit pwede nyo na ba ii-start yung grill?"

"Oo, Pat. Sige, ako na bahala dun." Sagot ni Celine

"Yes, love." Sabi ni Roy.

Pagkatapos ng isang oras, naluto na namin ang kanin at pinakbet. Nag-iihaw na rin si Roy ng isda at pork liempo. Nasa labas na kami ng villa sa malapit sa pool. Wala pang gustong mag-swimming.

"So, sinong gusto matulog mamayang gabi sa tent?" Tanong ni Marco. Si Edward nakatingin sakin, hinihintay ang sagot ko.

"Wala? Guys naman eh. Sayang yung tents." Reklamo na naman ni Marco.

"Well, ako siguro tomorrow night na lang. Gusto ko na comfortable matulog lalo na pagod tayo sa byahe." Sagot ko.

"Oo nga naman, heart. Bukas na lang. We'll be here for four days."

"Ako rin. Gusto ko matulog sa kama mamayang gabi. Sumakit likod ko sa sasakyan kanina."

Outnumbered si Marco. Si Roy at Edward kasi, kung anong sagot namin ni Pat, yun ang nasusunod.

Ilang saglit pa at naluto na rin ang mga inihaw at kumain na kami. Dahil siguro gutom pa lahat, mabilis kaming nakatapos.

"Hay, sobrang busog ko!" Sabi ko sabay himas sa tiyan ko. Mukha tuloy akong butete sa laki ng tiyan.

"Grabe ka talaga, Maymay. Kahit matagal na kitang friendship nagugulat pa rin ako sa katakawan mo."

"Huy, grabe ka Pat. Medyo lang. Hehehe."

"Babe, where did it all go? You ate almost a third of our food."

"Dito. Dalawa na kasi kami kumakain." Sabay turo ko sa aking tiyan.

"WHAT?!" Sigaw ni Edward.

"Uy, over ka na ha. Joke lang yun. Di pa nga tayo..."

"Hay Edward. Bakit hanggang ngayon nagugulat ka pa sa kalokohan ni Maymay?" Tanong ni Pat.

Tumayo ako at kumuha ng tubig at inabot kay Edward. Hanggang ngayon ay shocked pa rin siya. Mukhang meron pang kasamang panic attack.

"Huy, Babe...okay ka lang ba?"

"I'm fine." Sagot ni Edward.

Labas sa ilong. Obvious na obvious. Halos lahat natatawa sa reaction niya lalong-lalo na si Marco na panay ang kantiyaw. Pero di nya kami napapansin. Tumayo siya sa upuan at umalis.

"Anong nangyari dun?" Nagtatakang tanong ni Marco.

"Maymay, nakalimutan mo na ba?"

"Yung alin, Pat?"

"Yung reason bakit umalis ng Germany si Edward."

"Sh*t! Wait lang susundan ko si Edward."








Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon