"Hi, Maymay!"
"Hello, Miss Beautiful!"
"My queen, pwede na ba kitang maka-date?"
Ang haba ng hair ng lola nyo. Maraming nagpapa-cute na boys. Yun lang, di ako interested.
"Hoy, loko kayo! Pag nakita kayo ni Edward bugbog abot nyo. Black belter pa naman sa judo yun." Si Marco. Pinagbabatukan ang mga makukulit na mokong.
Nandito ako sa HQ ng soccer team. Ilang araw ko ng hindi pinapansin si Edward. Correction, pinagtataguan. Kaya naisipan ko na lang magbigay ng peace offering. Saka nung nalaman ng nga boys na hindi na kami magkasama ni Edward, nagsisimula na naman akong kulitin na makipag-date sa kanila.
"Hello Maymay, ano yan?" Pabirong tanong ni Marco. Gumatong pa.
"Di para sa'yo 'to."
"Patingin lang ang damot."
"Basta. Andyan ba si Edward?"
"Nandun sa locker room. Nagbibihis. Teka, boys only lang dun. Bawal girls. Kahit maganda ka pa."
"Sus. Ano bang akala mo magta-take advantage ako sa inyo? Eh kayang-kaya nyo akong ibalibag sa tangkad nyong yan."
"Sige, bahala ka na. Dumiretso ka lang dun tapos kanan. Sa may dulo. Kapag nakasalubong mo si Coach wala na akong kasalananan dyan."
"Sure, manure. Babush!"
At dumiretso na nga ako sa locker room. Along the way, andun nga si Coach na kakalabas lang ng office niya. Katabing-katabi ng locker room. Kaya naman pala kung maka-warning si Marco ganun na lang.
"Hi, Coach!"
Bakit ako magtatago? Close kaya kami ni Coach. Saka alam ko weakness niya. Kaya nga meron pa kong separate box para sa kanya. Just in case.
"Maymay, bawal ka dito."
"Ikaw naman, Coach. Bawal ka na bisitahin?"
"Naku bata ka, kung di ka lang cute katulad ng apo ko. Ano yang dala mo?"
"For you. Binake ko yan. Carrot cupcake. Your favorite."
"Talaga naman at may pam-bribe ka pa. Alam ko naman kung sino pinupuntahan mo dito. Si Edward nasa locker room. Dun ka lang sa may bungad at bawal na lampas pa dun."
"Opo naman, Coach. Ayan, sayo yang isang box. Enjoy po. Wag nyo kong isumbong kay Ma'am Cynthia ha. Baka ako ibagsak nun, kase bawal sa'yo yang matatamis."
"Wag kang mag-alala. Di nya malalaman. Sige iha, aalis na ko. Salamat dito."
"You're welcome po. Bye, Coach!"
Okay. One down, one to go.
Nag-iisip pa ako kung paano magso-sorry kay Edward habang papalapit sa locker room. Pagpasok ko dun, shookt ako. Never mind. Bakit pa ako magso-sorry. So...deadma, about face, bahala na si Batman este si Edward sa buhay niya at naglakad ako palayo sa crime scene. Gusto kong buhusan ng muriatic ang mata ko sa nakita ko.
Una kong nakita si Marco. Naweirdo-han yata sa expression ko.
"Huy, May. Okay ka lang?"
"Mukha ba akong okay?"
"Anong nangyari?
"Itanong mo sa magaling mong friend. O ayan, sa'yo na yan. Wag mo bigyan si Edward." Di pa ko nakuntento. "Boys! Sinong gusto ng cupcake?"
Works everytime. Pagdating sa cupcake ko, takbuhan sila. Merong nasubsob. Nadapa. Parang hunger games ah. Grabe naman magtulakan itong mga 'to.
Umalis na ko pagkabigay ko ng box kay Marco. Naririnig ko na yung boses ni Edward. Wala akong gana makipag-usap.
--------------------
Edward POV
"I'm sorry Edward, pero tinapon lang ni Maymay yung lasagna. Ano bang ginawa mo? Number one favorite niya ang lasagna. Magkakaganyan lang yan kapag grabe na ginawa mo." Si Pat. Ayaw pa rin akong kausapin ni Maymay.
Sh*t. Kasalanan ko ito eh. Pano na ngayon?
BINABASA MO ANG
Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]
Fanfiction[ Taglish - Unedited ] Maymay is a serial dater. She only dates someone thrice. She doesn't believe in a 3-date rule or rather she avoids what happens after the third date. Edward is the newly transferred guy in Maymay's school. He's a perfect dich...