Chapter 24 - Study Time

1.5K 120 48
                                    

Dalawang linggo bago matapos ang unang semester.

Lahat ay busy sa kaka-review at cramming para maipasa ang mga requirements sa bawat subjects. Mahigit isang buwan na rin ang nakalipas simula nang makaalis si Kuya Vincent.

"May, sa apartment ka ulit matulog ha." Pakiusap ni Edward.

"Ha? Edward, finals na. Kelangan natin mag-focus."

Pagkatapos ng bakasyon ni Kuya, hindi na naulit ang pagtulog ko sa apartment ni Edward noong pinainom namin si Kuya ng sleeping pills. Nakunsensiya kasi kami. Palagi naming naiisip ang kalokohang nagawa namin kay Kuya.

"Promise we'll concentrate on our review and finish our papers first. Saka, I couldn't concentrate without you. Lumilipad ang utak ko. Remember that time we did our term papers? Di ba we finished on time? We even watched a movie."

"Okay, okay! Basta kelangan marami tayong food at coffee. I'll be in charge of coffee, ikaw sa food."

"Ikaw, talaga. Kuripot! Why don't we buy food at the grocery store later?"

"Oo nga. Pat, okay ka lang ba pag dun ako kay Edward mamaya?"

"Aysus! Nakapagplano na kayo tinanong mo pa ako." Sagot ni Pat. Nasa canteen kami nina Edward, Pat at ang boyfriend nito.

"Niweys, okay lang. Sasamahan ako ni babe ko kase hindi ko maintindihan yung algebra sa Math. Tuturuan niya ako. Buti na lang magaling itong babe ko kase dalawa tayong hirap sa Math."

"Hey, what about me? I aced my Math exam last time." Singit ni Edward.

"Oo nga pala. Sorry, Edward. Pero I don't think matuturuan mo ako."

"Why not?" Nagtatakang tanong ni Edward.

"Kase puro ka Maymay. Maymay this. Maymay that. Baka pangalan ni Maymay masagot ko sa test paper ko."

"Grabe ka, Pat. Really, I'm like that?" Tanong ulit ni Edward. Napapakamot pa ng ulo.

Sabay-sabay kaming tumango. Pati si Marco na nasa kabilang table nakikinig rin pala.

"Bro, nanalo ako kay Erwin ng P500 kase nakipag-bet siya sakin last week na kaya mo isang maghapon na hindi ikuwento si Maymay."

"Tado ka. Pati ako pinagkakitaan mo." Binatukan ni Edward si Marco.

"Bro, easy money. How could I refuse?" Tatawa-tawang sagot ni Marco.

"Bakit hindi na lang tayo mag-group review? Para share ng knowledge, reviewer at pointers?" Suhestiyon ko.

"But, May, I know you and myself. Hindi tayo makakapag-concentrate kapag maingay."

"Bakit maingay? Magrereview nga di ba? Ganito na lang. Kung sino ang maingay, siya ang bibili ng food nating lahat. Game?" Tanong ko sa lahat.

"Okay." Sagot ni Pat at bf nito.

"I'm in. Sama ko si Celina, ha."

"Okay lang, Marco. Right, Edward?"

"Fine." Sagot ni Edward.

___________________

"Pasok kayo, Marco. Hi, Celine!" Bati ko at beso kina Marco. Kala mo ako ang may apartment. Ako kase ang taga-bukas ng pinto.

Natapos na ang klase. Napagkasunduan na sa apartment ni Edward magreview session. At dahil merong extra room, overnight na sina Marco.

Sa dining, makikitang bukas lahat ng laptop namin. Daig pang computer shop kase bawat pwesto merong nakatapat na laptop at mga libro.

Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon