Sa tinagal-tagal naming magkakilala ni Edward, ngayon ko lang nadiskubre na isa pala siyang 'grudge-holder.' Parang horror lang lang but no, ang ibig kong sabihin ay nagtatanim siya ng grudge. Hanggang ngayon hindi pa rin nya ako pinapansin dahil tinulak ko siya sa pool kahapon. Ang swerte ko o ang malas nya, hindi pa siya nakabawi sakin dun.
Kaya ngayong gabi, nasa tent ako nila Pat. Dapat sila ni Roy dito buti na lang din mabait si Roy at sa sleeping bag na lang daw siya. Si Celine at Marco nasa isang tent at si Edward naman sa isa pang tent na dapat ay kasama ako.
Gaya ng napagkasunduan kahapon, sa tent kami matutulog ngayong gabi. Kakatapos lang namin ng hapunan at nakapalibot kami sa 'campfire.'
"Okay, sinong gustong mag-start ng scary story?" Tanong ni Marco.
"Ikaw na kaya, mukha kang excited diyan eh." Pabiro ni Pat.
"Well...Edward? Maymay? Roy? Heart? Okay, I'll start."
"Wait, heart. Makakatulog ba ko mamya kapag kinuwento mo yan?" Tanong ni Celine.
"Oo naman. Kasama mo ako eh. Takot lang ng mga ghost sakin." Sagot ni Marco sabay akbay kay Celine.
"Eh, pano kung buhay pa?" Pabiro ulit ni Pat.
"Pat, walang basagan ng trip. Syempre, ako pa rin bahala kay Celine. Sayang naman pag-gym ko kung hindi. See this? Muscles yan."
"Ewan ko sayo, Marco."
"Okay, start na ko. Sa isang dorm..."
"Wait, sa university ba natin yan?"
"Pat, ghost story ito. Hindi history."
"Kase marami ng kwento sa school natin sa especially sa dorms."
"True. Di na tuloy alam kung totoo o urban legend na." Sabi ko.
"Okay. So one time..."
"Sa loob ng kwarto right? Pero yung student before nun nasa study hall ng dorm." Singit ulit ni Pat.
"Ikaw na kaya magkwento, Pat?" Naiinis na tanong ni Marco.
"Hehe. Sorry na. Continue."
Tiningnan muna ni Marco kung magsasalita pa ulit si Pat. Nang makasiguro na siya, sinumulan nya ulit magkwento.
"Okay. Nangyari ito sa isang dorm. Sa dorm na ito dalawang students per room. Merong girls wing, merong boys wing. Coed pero hiwalay ang boys at girls. Pero ang common areas like mess hall, study hall etcetera, well, allowed magkasama ang girls at boys."
"Yep, I think sa school nga natin yan. I heard..."
"Pat!" Sabay-sabay naming saway kay Pat. Di talaga nya mapigilan ang sumingit sa pagkwento. Nakangiti kaming nagkatinginan ni Edward. Ito kase ang madalas na scenario kapag kasama si Pat.
Biglang binawi ni Edward ang ngiti niya. Na-realize nya siguro na hindi pa nya ako bati. Hayst!
"So, to continue, one night...pangalanan natin ang girls. Si Maria at si Pat."
"Bakit ako?" Reklamo ni Pat.
"Para di ka na sisingit."
"Grabe siya!"
"So, one night, si Pat, ginabi na sa study hall. Kailangan niya kase mag-review para sa exam nya. Pero sa kalagitnaan ng kanyang review, nakalimutan niya yung notes nya na nasa table niya sa room."
"Shit. Ito na yung part na..."
"Pat!!!" Lahat kami ulit sinigawan si Pat. Nag-mime si Pat na sinara ang bibig nya. Si Marco kase asar na asar na yung mukha. Kulang na lang yata suntukin si Pat. Napailing na lang ako.
"So, nung bumalik si Pat sa room nila, napansin niyang sarado yung ilaw pero dahil alam niyang tulog na ang room mate niya, di na siya nagbukas ng ilaw. Kabisado kasi niya ang layout ng room nila kaya okay lang. Kinuha niya ang notes niya at bumalik na siya agad sa study hall."
Narinig ko na yung kwento. Kinikilabutan na ako kaya sumiksik ako kay Pat. Si Pat din nakasiksik na kay Roy kaya para kaming sardinas tatlo na nagsisiksikan.
"Ilang oras pa at curfew na sa dorm. Lights out pati ang common rooms kaya napilitan si Pat na bumalik na sa room nila. Pinabayaan lang niya na nakapatay ang ilaw. Nilagay lang niya ulit ang gamit nya sa ibabaw ng table at nahiga na sa kama at natulog."
"Sh*t. Sh*t. Sh*t." Mahina kong sabi. Si Pat rin napapamura na sa takot.
"Kinabukasan, nagising na lang si Pat sa sigaw ng isang dorm mate. May usapan pala si Maria at ang kaibigan nito na magkikita sa room nila. Nang mahimasmasan ang kaibigan ni Maria, saka lang napansin ni Pat kung bakit. Patay na si Maria. Duguan ito sa dami ng saksak sa katawan. Hindi lang yun. Meron pang mensahe para kay Pat na nakasulat sa wall. Alam nyo kung ano ang nakalagay?"
"H-hindi." Sabi ni Celine. Kami ni Pat nagtakip na ng tenga. Narinig na namin kase yung kwento.
"Ang nakasulat sa wall, gamit ang dugo ni Maria, "mabuti at hindi mo binuksan ang ilaw, kung hindi..." Saka lang na-realize ni Pat na habang kinukuha nya yung notes niya nung gabi, nasa loob na yung killer. And by the time na natulog siya, patay na si Maria sa kwarto. After the incident, lumipat na ng school si Pat at yung kwarto nila ni Maria...closed off permnently. The end."
"Heart, baka hindi ako makatulog talaga."
"Andito naman ako eh."
"Paano naman kaya ako?" Tanong ko sa sarili ko. Si Edward kase hindi pa rin namamansin.
"Ako meron ding kwento." Si Roy naman ang nagsalita.
"Go! Takutin natin ang girls. Aray ko!" Si Marco, nabatukan tuloy ni Celine. Masokista yata ang loko. Sinabi na nga ni Celine na natatakot siya. Well, it's his life.
"Okay, Roy. We're listening. Right guys?" Finally at nagsalita rin si Edward.
"Okay. The story goes like this...Sa isang building, merong nag-overnight na students. Dahil may permit naman sila from admin, pinayagan sila ng security guard. Pero..."
"Ano?" Tanong naming lahat.
"Sabi ng security guard sa kanila, kahit anong mangyari o marining nila, wag na wag nilang bubuksan ang pinto."
"Oh my..." Si Celine. Napasubsob na kay Marco. Matatakutin din talaga siya.
"So, nung time na matutulog na sila, nakarinig sila ng katok mula sa pinto. Bubuksan na sana nila pero naalala nila yung sinabi ng guard. Na kahit anong marinig nila, wag buksan ang pinto. May isang sumilip sa peephole pero ang nakita lang niya ay kulay red. Kinabukasan, naikwento nila ang experience nila sa security guard. Alam nyo ba kung anong sabi ng guard? Ang nakita nyo po ay yung ghost na pula ang mata. Sumisilip siya sa bawat kwarto pagkatapos niyang kumatok sa pinto."
"D@mn! That's creepy."
"Oo nga. Meron bang peephole ang pinto natin sa villa? Tanong ni Pat."
"Wala sa mga kwarto pero sa main door meron." Sagot ni Roy.
"Fudge! Ayan di na ko talaga makakatulog." Sabi ko.
"Pat, we have that in our apartments, right?"
"Oo, Edward. Loko ka rin ah. Tinatakot mo talaga si Maymay."
"What? Tinanong lang kita. What's wrong with that?" Sagot ni Edward pero nakatingin sakin. Dinilaan ko nga.
Loko 'to, ah. Ginagantihan na yata ako. Humanda ka sakin!
BINABASA MO ANG
Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]
Fanfic[ Taglish - Unedited ] Maymay is a serial dater. She only dates someone thrice. She doesn't believe in a 3-date rule or rather she avoids what happens after the third date. Edward is the newly transferred guy in Maymay's school. He's a perfect dich...