Pupungas-pungas akong naglakad palabas ng kwarto. Nadatnan kong abala si Maymay, Pat at si Edward na nagluluto sa kusina.
Andito na naman pala ang mokong na boyfriend ng kapatid ko. Halos araw-araw na ngang magkasama sa school pagdating pa sa bahay magkasama pa rin.
"Anong meron at ke aga-aga, ang iingay nyo?" Masungit kong tanong. Ganun talaga ang asal ko kapag nakikita kong merong lalaking aali-aligid sa kapatid ko. Naipangako ko kasi sa mga magulang namin na hindi ko hahayaang maloko ng lalaki ang aking kapatid.
"Kuya, para sa party mo ito. Isa pa hindi na umaga. Malapit na nga magtanghali. Sobrang himbing ng tulog mo, hindi ka na namin ginising. Alam ko mapapagod ka sa byahe." Sagot ni Maymay habang hinahango ang spaghetti noodles sa kaldero at sinasala sa strainer.
Paborito ko ang spaghetti at kung hindi ako nagkakamali, ito rin ang niluluto ng kapatid ko kapag meron itong nagawa na hindi ko magugustuhan.
What did you do, Maymay?!
"Party? Hindi ko naman birthday." Naguguluhang tanong ko.
"Despedida party, Kuya. Mamyang gabi na ang flight mo. Kuya, mami-miss kita."
"Aysus. Totoo ba yan?"
I smell something fishy. Hindi ako nakakatulog ng mahaba...EVER! Wait, bago ang lahat, kakain na muna ako.
"O ayan, Kuya. Nilagyan ko yan ng meatballs. Fave mo yan. Meron pang chocolate mousse cake. Sorry hindi ako nakapag-bake pero sigurado akong masarap itong nabili ni Edward."
Talaga naman. Nadale na naman ako sa weakness ko. In fairness kay Edward, hindi ako nagutom sa pagbabantay ko sa kanila ni Maymay. Lahat pa ng gusto kong pagkain, nililibre ako.
"Mmmm...masarap nga. O, bakit pinapanood nyo lang ako. Kain na tayo!"
Sabay-sabay silang napabuntung-hininga. Parang napawi ang kung anumang bumabagabag sa kanilang isipan. Ano naman kayang kalokohan ang pinaggagagawa ng kapatid ko. Sa haba ng pagtulog ko, maraming pwedeng mangyari.
"Ikaw Maymay kaya siguro hindi mo ako ginising kase nag-date na naman kayo ni Edward."
"Hindi, Kuya. Swear!"
"Siguraduhin mo lang ha. Lagot talaga kayong dalawa sakin ni Edward."
Tiningnan ko si Pat. Mukhang hindi naman siya mukhang guilty sa pagkukunsinti sa kaibigan nya. Parang pamilya na kami nila Pat dahil simula pagkabata, hindi na naghiwalay ang dalawa. Magkasama si Maymay at Pat sa lahat ng pangyayari ng kapatid ko - masaya, malungkot, pagkabigo at mga tagumpay.
"Kuya, kelan ka babalik?" Tanong ni Maymay.
"Baka next year pa. Isang taon kase kami nasa Middle East."
"Mag-iingat ka dun, Kuya."
"Syempre naman. Gusto ko pang magka-pamilya no! Saka meron akong nakilalang nurse dun. Volunteer siya. Actually, hindi pa niya ako kilala pero ako nakikita ko siya lagi dun sa lugar kung saan kami nadestino."
"Uy, si Kuya lumalablayf! Hahahaha." Kantiyaw ni Maymay.
"Where was it, again? My sister is part of an outreach program in Middle East."
"Somewhere in Middle East. I'm sorry, Edward. Classified information."
"Oh, okay. But if you see my sister, tell her I said answer her damn emails!"
"Ano ba pangalan ng kapatid mo?"
"Laura. Laura Barber."
"Talaga?!"
"Why, did you know her?"
"Ah...hindi." Patay, kapatid pala ni Edward ang crush ko. Ano naman kaya gagawin sa akin nito kapag nalaman niyang ang babaeng gusto ko ay kapatid lang naman nya. Sh*t! Patay talaga. Dapat siguro simulan ko ng bumait.
"Ah, Edward...Since, aalis na ako bukas, sa'yo ko na ihahabilin si Maymay. Wag na wag mo siyang papaiyakin ha. I know hundred of ways how to torture a man, kaya wag kang magkakamali."
"Kuya Vincent, I love your sister. I promise that I will do everything in my power not to hurt Maymay."
"Okay. You have my blessing."
"Really? Yes! Thanks, Kuya Vincent!"
Tumayo si Edward at lumapit sa akin. Yumakap din habang nagpapasalamat. Si Maymay at Pat naman ay nakangiti lang na nagmamasid. Bumalik si Edward sa inuupuan at niyakap din si Maymay. Akmang hahalikan niya ito nang,
"Hep! Pwede ba bawal ang PDA pag nasa harap ninyo ako! Konting respeto naman sa mga single."
"Well, nagkabalikan na kami ng jowa ko. So, ikaw na lang ang single." Banat ni Pat. Nakipag-apir pa kay Maymay. Best friends talaga.
Napakamot na lang ako ng ulo at umiling-iling.
----------
Kinagabihan sa airport.
"Kuya, mami-miss talaga kita!" Maluha-luhang sabi ni Maymay. Niyakap ako ng aking kapatid ng mahigpit.
"Isang taon lang naman yun. Andito na naman ako ulit."
"Take care, bro." Sabi ni Edward sabay yakap din samin ni Maymay.
"Meron pala akong request next time na bumisita ako sa inyo."
"Sure, Kuya. Ano yun?" Tanong nila Edward at Maymay.
"Wag nyo na kong papainumin ng sleeping pills. Nakaka-diarrhea."
"SH*T!!!"
"Yes, alam ko ang kalokohang ginawa nyong dalawa. And I lost a whole day, not half, sleeping just because of that."
"I'm sorry, Kuya." Sagot nilang dalawa. Sabay pa sila.
"Remember this, Edward. When it's my turn, remember this." Misteryoso kong pahayag.
Naglakad na ako palayo papuntang departure area. Nilingon ko ulit ang dalawa. Naguguluhan pa rin sila sa sinabi ko.
Yes. I think I will enjoy my stay the next time I spend my vacation with my sister. Hopefully, with Laura as my gf.
BINABASA MO ANG
Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]
Fanfiction[ Taglish - Unedited ] Maymay is a serial dater. She only dates someone thrice. She doesn't believe in a 3-date rule or rather she avoids what happens after the third date. Edward is the newly transferred guy in Maymay's school. He's a perfect dich...