Ang OA ko. Di ko alam bakit ako umiiyak ng ganito. Wala namang rason.
Gabi na. Kanina pa ako nagmumukmok dito sa kwarto. Nagtataka si Pat kase tinanggihan ko yung lasagna. Pinalagay ko muna sa ref baka masira, sayang din. Pwedeng pang-breakfast yun bukas. Oo, hindi totoo na pinatapon ko kay Pat yung lasagna. Pinasabi ko lang kay Pat yun kay Edward to prove a point. Na inis ako sa kanya.
I love you, talaga Pat. Isa kang kunsintidora sa mga saltik ko.
Pero balik tayo dun, bakit nga ba ako naiinis? Eh ano naman kung nakikipagharutan si Edward sa iba? Wala naman akong K. K as in karapatan. Baka kase kung anu-anong bagay pa maisip nyo.
Gusto pala ni Edward na malaki ang boobs. Grabe, wala akong panama dun sa girl. Nahiya ako ng sobra nung nakita ko yun.
Ayan ka naman. Ilang beses ko ba ipapaalala sayo na di bagay sa'yo ang malaking boobs este hinaharap? Pang model ang katawan mo. Di balance, masagwa tingnan kapag ganun. Okay na yang meron kang bum bum.
Bum bum talaga ha. Ayan na naman ako, kinakausap ko ang aking sarili. Dapat yata si Pat na lang kausapin ko. Parang siya 'to eh.
Pwede rin naman. Pero makikita ni Pat iyang puffy eyes mo. Ilang araw ka ng ganyan. Magtatanong iyon. Ako, alam ko na kung bakit.
Alam mo na? Share naman dyan. Satin-satin lang dalawa. Pramis.
Sira-ulo! Iisa lang tayo, no? Dalawa ka dyan. Mahirap dumami ang katulad mo. Mabubuang ang buong mundo.
Grabe siya, oh. Galit? So, bakit nga ba ako nagkakaganito?
Sus, kunwari ka pa. Maymay, isipin mong mabuti. Hanggang sa sumakit na ulo mo, malalaman mo rin. Ayaw kong sabihin sa'yo kase ikaw dapat ang maka-realize nun. Parang Einstein lang ganun.
Ewan ko sa'yo lalo mo pinapasakit ulo ko.
Nagbukas na lang ako ng radyo. Una, kailangan ko ng distraction. Nabubuang na yata ako. Pangalawa, maririnig ni Pat na kanina pa ko humahagulgol na kala mo iniwan ng boylet.
What the...So, nagseselos ako? Ganun? Bakit? Di naman kagandahan yung girl. Totoo, I'm not lying. Nadaan lang sa boobs. Flat pa nga yung pwet eh. Di kaya siya nahihirapan dun? Parang matutumba sa sobrang laki.
Nakita mo yung likod nya? Kala ko ba nakaharap siya sa pinto.
In-assume ko lang. Wag ka ngang ano. Kase kung malaki pa ang pwet nun, magrereklamo na ko. Ang lagay siya lang ang anak ni God? Pano naman katulad ko na kulang sa harap?
Hay, Maymay. Lakas talaga ng amats mo. Makinig ka na nga lang sa radyo baka makatulong.
Naghanap ako ng istasyon na sang-ayon sa mood ko. Wala akong mahanap. Head bang time yata sa ganitong oras. Uy, may isa. Finally.
🎶Are those your eyes, is that your smile
I've been lookin at you forever
But I never saw you before
Are these your hands holdin' mine
Now I wonder how I could've been so blindFor the first time I am looking in your eyes
For the first time I'm seein' who you are
I can't believe how much I see
When you're lookin back at me
Now I understand why love is...
Love is... For the first time...🎵Facepalm. Naalala ko tuloy ang mga pinaggagawa namin ni Edward. Yung holding hands. Yung mga halik sa pisngi na bale-wala lang. Akbay serye. Angkla serye. At kung anu-ano pang serye na yan. Lahat walang malisya. Lahat pretend.
Pero simula ng magising ako na katabi siya, parang nag-iba. Meron ng hiya. Meron ng pag-aalangan. Di ba dapat wala? Of all the moments na mag-iiba yung pagtingin ko sa kanya, dun pa sa sinisigawan nya ako at nanlalaki ang mata nya sa gulat.
Finally. Congratulations, Maymay!
Bwisit ka. Moment ko ito eh. Parang 'aha!' moment, ganun. Ako lang ito. Mamya ka na sumingit.
Okay, itutuloy ko. Naalala ko na kung bakit ako nag-sleepwalk. Tandang-tanda ko pa usapan ng doktor at ng mga magulang ko nung pinasuri nila ako nung bata.
"Mrs. Entrata, there's nothing wrong with your daughter. The only reason why she keeps on sleepwalking to your room is that she always felt secure with you. So, the moment you transferred her to her own bedroom, she felt the loss of that secured feeling. Naturally, hahanapin nya yung source nun."
"Pero, Doc. She's too old to be sleeping with us in our bed."
"May I suggest gradual lang ang separation? Like separate bed muna sa room ninyo? Then, introduce something that will remind her of you like stuff toys or something na katabi nya sa pagtulog. Then, saka nyo siya ilipat sa separate room. But again, establish a routine. Sometimes, routine gives someone a sense of security and comfort. Like reading bedtime stories before sleep. Things like that."
"Thank you, Doctor. Gagawin po namin yan."
"Please do that and give me daily updates. We'll do an evaluation after one month. Here's my card."
Okay. Di ko pa naintindihan yan nung bata pa ako pero in-explain lahat yan ni Mama nung lumaki na ako. Haler, six years old lang ako nun! Niloloko kase ako ng mga pinsan ko na sleepwalker. Mga bully! Going back to sleepwalking, siguro tense lang ako dahil andami-daming term papers na deadline na. Yung kinakabahan ako baka bumagsak ako at mawala yung scholarship ko kaya naghahanap ako ng security. Pero, bakit si Edward of all people pwede naman si Pat?
Sira ka ba?! Pag pinuntahan mo si Pat, mababagok ka sa hagdan. Saka ano bang malay mo kung gising pa yung tao that time? Malay mo babe time yun, istorbo ka pa.
Ngango! Loko ka rin, no? Malay ba ng mga paa ko kung may hagdan o wala? Nakakakita at nakakapag-isip na ba yun? Ah, basta. Nami-miss ko rin yung mokong na yun ah. Ilang days nang walang pakain.
Ang sama mo talaga! Kaya ka ba nagkakagusto kay Edward dahil sa food? Mahiya ka naman puro ka palibre.
Shut up my other self! Magba-bake na nga lang ako ng cupcake. Peace offering. Para na rin maisip ko ang isusulat ko sa letter. Wag muna face-to-face or messenger. Baka biglang makipag-videochat eh. I'm not ready.
BINABASA MO ANG
Miss Serial Dater Meets The Geek Next Door [COMPLETED]
Fanfiction[ Taglish - Unedited ] Maymay is a serial dater. She only dates someone thrice. She doesn't believe in a 3-date rule or rather she avoids what happens after the third date. Edward is the newly transferred guy in Maymay's school. He's a perfect dich...