Mahal na aalala mo pa
Ang mga masasayang alaala nating dalawa ng magkasama
Mahal na aalala mo ba
Ang mga kwento nating kay saya
Mga kwentong ating pinagsaluhan
Mahal ko
Bat bigla kang nagbago
Nawala ang iyong mga matatamis na ngiti
Mga matatamis mong salita
Mahal ko, anong yari sayo?
Naaalala mo ba ang mga pangako mo?
Pangakong walang iwanan
Mga pangakong ako at ikaw lang
Sabi mo saakin na akong lang mahal mo
Pero bakit ka nagloko mahal ko
Bakit mo tinapon lahat ng pangako mo
Mahal bakit mo ko iniwan
Kinalimutan na ang lahat
Iniwan mo kong luhaan
Puso ko'y iyong winasak
Mahal anong dahilan mo?
Mahal sabi mo hindi mo ko iiwan
Hindi mo ko ipagpapalit
Hindi mo ko lolokohin
Sabi mo tayo hanggang dulo
Na ako lang ang mahal mo at wala ng iba
Mahal salamat sa iyong pagmamahal
Salamat sa mga alaalang kay saya at kay lungkot na pagsasama
Mahal ikaw lang aking mamahalin
Mahal kong nasaan ka man
Maging masaya ka na sana sa kniya
Mahal ko salamat sa pandaliang saya.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PoetryAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya
