Una tayong nagkakilala sa social media
Nagkakilala tayo dahil sa iyong pinsan
Pagkakilala ko palang sayo ay nagkagusto na ako sayo
Mahirap man paniwalaan pero yun ang totooIsang araw nasa isang couple group chat tayo
Tayong dalawang ang siyang naging makapareha
Sobrang sweet ng mga chat mo sa saakin sa group chat
At sa mga sweet na chat mo ay tuluyan na akong nahulog sayoHabang tayo ay nasa group chat ay biglang nagbago ang lahat
Ng ikaw ay may bagong nakilala sa ating group chat
Chinat mo saakin na kayo ng dalawa
Nasaktan ako ng sobra ng malaman ko yunHindi nagtagal ay naghiwalay din kayo
Nakaramdaman ako ng saya ng hiwalay na kayo
Umamin ako sayo na gusto ko
At umamin ka din na gusto mo din akoNilagawan mo ako at sinagot ko kita kaagad
Dahil ayaw ko ng mawala ka saakin
Wala pa tayong 1month ng nakipaghiwalay ka
Kasi sabi mo naalala mo nung niloko kayo ng nanay moHumingi ka ng tawad at pinatawad
Dahil naintindihan ko ang iyong dahilan
Bumalik tayo sa dating tawagan na BESS
Bumalik tayo sa pagiging mag bestfriendMay pagtingin pa din ako sayo
Kinikilig ako sa tuwing tayo ay magkachat
Nagpupuyat tayo kahit walang topic
At araw araw laging mo ko kinakamustaIsang araw nagtanong ka kung pwede kang manligaw
At ako naman na tanga sayo ay pumayag ako na ligaw mo ko
Nangako ka na hindi mo ko sasaktan ulit
At sinagot ko kita pero kinabukasan nagkipag hiwalay kaSinaktan mo naman ako
Pinaglaruan mo naman ang damdamin ko
Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako maniniwala sa sasabihin
Mula nung nangyari yun wala na tayong komunikasyon sa isat isaMakalipas ang maraming araw
Ay muling kang nagparamdam saakin
Chinat mo ko "BESS"
Bagong account mo ang pinangchat mo saakinHabang kachat ka kita ay kinikilig ako
Gusto pa din kita kahit na sinaktan mo ako
Hindi lang kita gusto kundi mahal na kita
Sayo lang ako nagpapakatangaTinanong kita kong may nililigawan ka na
Sabi mo "MERON PERO BAKA AYAW NIYA"
Nagulat ako gumawa ng group chat ang pinsan mo
Tayong apat lang ang nandoon ikaw ang pinsa mo at ang jowa niyaNagulat ako sa name ng group "I LOVE YOU ELLA"
Wala akong idea kung para saan ang group chat na yun
Iniisip ko na baka pinagtitripan niyo lang ako
Dahil niloko mo na ako noon at pinagtripan langPero sabi mo sa gc "Mahal ko yang bess ko nayan matagal na"
Chinat chat ko na trip niyo lang ako
Pero sabi mo "Oo trip kita pero hindi yung trip na kalokuhan"
At dinugtugan mo pa "Yung trip na maging queen ng buhay ko"Tinanong mo ako "Pwede ba kitang ligawan? Bigyan mo ko ng pagkakataon papatunayan ko yun"
Sinabi ko noon sa sarili ko na hindi ako maniniwala sayo
Pero binigyan pa din kita ng pagkakataon na ligawan ako ulitHabang tumatagal ay sinagot din kita
Minsan lang tayo magkachat dahil walang cellphone
Sobrang sweet pa natin at walang naging problema
Matagal din tayong walang komunikasyonNagparamdam ka pero nanibago ako sayo
Kung anong haba ng chat ko ang siyang ikli ng reply mo saakin
Magchachat ako sayo pero ang cold ng reply mo
Nagchat ako ng "Miss na kita" pero ang sabi mo "Out na ako"Nagalala na ako bakit ang cold mo
Nagchat ako ng "I love you" pero ang reply mo lang "OK"
Tinanong mo ko "Pagod ka na?"
Pero sinagot kita na "Hindi Ako Mapapagod"Sinabi mo din saakin na "Okay lang na ibreak mo"
Tinanong kita kong "Pagod ka na ba?"
At ang sinabi mo "Di na kita mahal"
Alam mo ba ang araw na yun ay nag shooting kamiNagkipaghiwalay ka din may mahal ka na iba
Pinipigilan ko ang umiiyak ng mga oras na yan
Dahil ayaw ko na makita ng mga classmate ko
Hindi ako naniwala na may iba kang mahalPaguwi ko umiiyak ako sa C.R
Dahil ayaw ko makita ng magulang ko
Ayaw ko pumayag na maghiwalay tayo
Pero sinuko na din kita, kahit na sobrang sakitMonthsary natin dapat kinabukasan kaso nakipaghiwalay ka
Umiiyak ako gabi gabi habang nagkukuwnto sa kaibigan ko
Ilang ulit mo na akong sinaktan pero nag pakatanga pa din ako
Gustong gusto ko magalit sayo pero hindi ko magawaSOBRA SOBRA KITANG MINAHAL
Isang araw nagulat ako nagchat ka saakin
Nagsorry ka saakin at pinatawad kita
Dahil hindi naman ako nagalit sa ginawa mo
Sabi mo na "Mahal na mahal naman talaga kita pero kailangan ko lang gawin yun"Pero okay lang saakin sa lahat
Dahil naiintindihan naman kita
Lagi kita inintindi dahil ganun kita kamahal
Naging masaya naman ako nung pandaliang naging tayoPero mas nasaktan ako ng malaman ko
Na ikaw at ang pinsan mo ay iisa ng pagkatao
Nalaman ko na lang ng ikaw ay pumanaw
Madami akong tanong sayoPero lahat ng yun ay hindi na mabibigyan ng kasagutan
Naging masaya ako ng makilala kita Kyle/Kev
Hindi pa din ako makipaniwala na iisa lang kayo
Sana kung saan ka man sana masaya ka na.Nagmamahal;
Ella

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PoesiaAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya