Naalala ko pa,
Naalala kopa yung huli nating pagsasama
Huling araw na nakita yung matamis mong ngiti't tawa
Ala ala nalang din yung matamis na momento na kasama ka
Yung yakap mong kay higpit
Hawak kamay na kahit hangin di na maka singit
Lahat nalang ng ito ay ala ala nalang
Gusto ko muna balikan yung malungkot at masayang nakaraan
Kahit na may kaabit na sakit sa nararamdaman
Pero di ko alam kong saan ko sisimulan
Litong lito kasi ang aking isipan
Siguro sa umpisa kong saan tayo unang nag kakilala
Hanggang sa nagmahalan tayong dalawa
Bakit ganon unfair ng tadhana
Sumaya lang akong saglit
Sukli naman yung tripleng sakit
Mahal kita,alam mo ba
Pero ano pa magagawa ko wala kana
Wala kana sa akin
Wala kana na di kana babalik pa sakin
Ang sakit isipin na di kana muling maka piling
Kahit ano di mabibigay ang aking hiling
Sapagkat ako'y iniwan mona
Iniwan moko ng nag iisa
Mahal naiintindihan ko naman
Na sobrang hirap ng iyong kalagayan
May sakit ka at di mo sakin sinabi ang katotohanan
Dahil sa tngin mo ikay aking lalayuan
Sobrang sakit habang nandito ako sa puntod mo
Umiiyak at hinihintay ang pagbabalik mo
Kahit itoy imposibleng magkatotoo
Mahal gusto ko lang malaman mo na kahit wala kana
Nandito ka parin sa puso ko hindi ka makakawala
Salamat sa mga ala alang masasaya
Na iniwan mo nung buhay kapa
Mahal kita kahit wala kana
Mahal kita kahit di kana babalik pa
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PoetryAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya
