Chapter 6: Lihim Na Pagtingin

19 2 0
                                    

Matagal na kitang gusto
Mga mata mong kay sarap titigan
Mga labi mong kay sarap halikan
Mga kamay mong sarap hawakan
Mga pisgi mo na kay lambot

Sa bawat tignin ko sayo
Ako'y nahuhulog at nabibighani sayo
Sa bawat ngiti na nakikita ko sa mga labi mo akong kinikilig maski sa pagtawa mo
Sa bawat daan mo sa aking harapan para akong hihimatayin
Bawat pagtama ng ating mga mata para akong nasa langit

Sa bawat pagsulyap ko sayo
Kompleto na ang araw ko makita ka lang.
Nabubusog na ako kapag nakita kitang kumain
Ikaw na ata ang anghel sa buhay ko
Pero sa bawat saya ko, may halong lungkot, dahil may mahal ka ng iba

Makita kitang masaya kasama siya, nasasaktan ako
Mga mata mong hindi ko matitigan sa malapitan
Mga kamay mong hindi ko mahahawakan
Mga labi mong hindi ko mahalikan
Mga ngiting hindi para saakin
Dahil may mahal ka ng iba

Hanggang pagkagusto na lang ako sayo
Hanggang sulyap na lang ako sayo sa malayo
Hanggang tignin na lang ako sa mga ngiti mong kay ganda
Hanggang pagsunod at pagsulyap na lamang ako sayo

Gusto ko makita na masaya ka kapag ako ang kasama mo
Kaso malabo atang mangyari yun
Malabong ako naman ang mahalin mo
Na ako naman ako makahawak sa mga kamay mo
Makakita sa mga ngiti na nakaukit sa mga labi mo
Mga mata mong kay sarap titigan

Pangarap ko na balang araw ako ang na sayo iyong tabi
Pangarap ko na ako ang nasa puso mo at ako ang mahal mo
Pangarap ko din nasa ako yung tinititigan at binibigyan ng matatamis mong ngiti at tawa
Mapakinggan ang nga kwento mong kay ganda.

Ang lahat ng mga yan ay hanggang pangarap na lamang na hanggang pagsulyap na lang ako sa yung mukha na naka ngiti.

Spoken Word Poetry ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon