Chapter 19: torpe

10 1 0
                                        

Torpe ang binabansag nila sa mga duwag na lalaki, lalaki na itinatago ang nararamdang di masabi sabi.
-
Masabi, masabi ang mga linyahang kay simple simple. Simple? ganyan, simple ganito ba ang tingin nyo sa aming mga lalaki?
-
"Madaling sabihin, pero ang hirap gawin" 
kasabihan nga ng iba pero mas mahirap sabihin kung nasa harap mo na. Hindi ba nakakapagtaka? 
-
Na hindi kami tulad ng iba? na isang sabihan lang ayos na.
-
"Kamusta araw mo? 
"Kumain kana ba? 
"Mag-iingat ka palagi?
"Wag kana lalabas ahh gabi na?
"Sunduin kita?
"Hatid na kita?
"Samahan na kita?
"Wag magpapatuyo ng pawis mo mag ingat ka?"
-
Mga linyahang gusto ko sabihin sayo pero. Paano? kung ni isang lakas ng loob para lumapit sayo wala ako? ni isang pagbati sayo pag iwas ang hantong ko? paano?
-
Sa bawat pagpatak ng ulan, sumasabay ang luha ko dahil lang sa napakaduwag kung puso gusto ko man aminin lahat ng nararamdaman ko. 
-
Mabawasan man lang ang bigat na nasa puso ko isa lang naman ang hiling ko. kahit malabong maging tayo nais kong malaman mo, mga nakaukit na damdamin ko.
-
Tanggap ko na, tanggap ko na. Na hanggang tinggin na lang ako sayo sa malayo. Dahil dito sa napakaduwag kong puso. Tanggap ko na, na ikaw at ako ay malabong maging tayo.
-
Dahil ang pusong sobrang duwag kailanman ay di pa nananalo.

Spoken Word Poetry ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon