Ilang beses na akong umaasa
Paulit-ulit na din akong nasasaktan ng sobra
Ngunit ito'y huli na
Ito na ang huling aasa
Na muli akong luluha
Dahil ayoko nang muli pang umasa
Pagod na akong magpakatanga
Sawa na kong magtiwala
Kung sa dulo ako din pala ang luluha
At mawawalan na ng halaga sayo
Pagod na rin akong magseryoso pa sayo
Lalo na sa taong di naman ako sigurado
Hindi ba masaya ka na?
Masaya sa piling ng iba
Kaya wag kang magaalala
Handa naman akong palayain ka
Kahit na alam kong mahal pa din kita
Oo, tama nga ang narinig mo mahal pa din kita
Pero tama na, tama na ang pagpapakatanga ko sayo
Ayoko ng magdusa pa ng dahil sayo
Ayoko na ng panghawakan ang mga pangako mo
Yung mga pangako mong kinalimutan mo na
Yung mga pangako mong na pako na
Mga pangako mong tinutupad mo sa ibang tao
Yung mga alaala na sabay dapat nating binubuo
Tila parang isang bulang maglalaho na lamang
Kasabay ng iyong paglisan ang paglaho ng bula
Paalam na din sayo aking mahal
Pero sana tandaan mong ako parin ang nagmahal sayo
Yung taong nagseryoso sayo
Pero paulit-ulit mo pa ding sinasaktan
Pinapaasa, pinaluluha at pinagmukhang tanga
Ako pa din yung taong kahit na niloko mo na ng todo
Paulit-ulit pa ding nagmamahal sayo
At pinatawad ka ng paulit-ulit
Hindi ako magsasawa na mahalin ka
Pero tama na dahil ako'y magpapaalam na sayo aking mahal
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PoetryAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya
