Pinagtagpo tayo man tayo
pero pinaglalaruan tayo ng tadhana
pilit man tayong magtagpo
pero hindi maari ang gusto natin
Pinaglalayo tayo ng tadhana
kahit anong gawin nating pagtatagpo
Ay hindi umaayon saatin ang tadhana
dahil pilit nila tayong pinaglalayo
Marahil sa muling
pagsasalubong ng landas
nating dalawa
hindi na tayo abala
sa mga bagay bagay
na mas binibigyan natin
ng importansya
Siguro hindi na rin tayo
Nagmamadali
Dahil may hinahabol
Tayong iba.
Siguro natututo na tayo
At mas alam na natin
Kung ano ang tama.
Siguro pareho
Na tayong malaya
Sa mga sitwasyong
Sa ati'y nagpapahina.
Magparaya man tayo ngayon,
Sabay pa ring maniniwala
Na darating ang sandali
Na aayon din sa atin ang tadhana.
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PoesiaAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya
