Ang puso ay hindi mo yan mapipigilan..
Ilang beses ka man nadurog
Ilang beses ka man nasaktan...
Ilang beses ka man iniwan.
Ilang beses ka man niloko..-
Kahit turuan mo yang puso mo na isarado na..
Na hindi ka na magmamahal..
Kahit sabihin mo sa sarili mo..
Ayaw mo na!
Pagod ka na!
Natatakot ka na masaktan..
Meron at meron paring isang tao..
Magpapatibok at muling bubuksan at
Muling bubuoin ang nadurog mong puso...-
Kung saan isang tunay na magmamahal sayo.
Pahahalagan ka..
Iingatan ka...
Kung saan mararamdaman muli ang tunay na saya, tuwa, kilig, pananabik..
At Hindi mawawala ang masaktan, tampuhan, lumbay, selos, at umiyak.-
Oo sa lahat na yang nararanasan sa pagmamahal
At sa kanya mo mararamdaman kung gaano ka kahalaga sa kanya...
Siya ang magpaparamdam sayo na,
Kahit anumang unos, bagyo, ay Hindi ka niya kayang iwan
Na sabay niyong haharapin ng magkasama at siya ang magsisilbing bisig mo at kaagapay,
Sa lahat ng problems haharapin niyo ng magkasama..-
At panghahawakan niyo ang pagod mamahalan ninyong dalawa
Patungo sa masaya't matibay na relasyon..
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PoesíaAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya