Bakit ba ikaw pa ang na gustohan ko?
Bakit sayo pa ako nahulog?
Bakit ikaw pa?
Bakit sayo pa tumibok ang puso?Ikaw na may mahal na iba
Hindi mo ko kayang mahalin
Kasi bilang kapatid lang tingin mo saakin
Sana Hindi na lang ikaw ang nagustuhan koAno bang meron siya?
Bakit Hindi ako?
Bakit siya pa?
Puro bakit, mga bakit na walang sagotSa araw-araw gusto ko ako lang
Gusto ko saakin lang oras mo
Gusto ko kasama ka lagi
Nagseselos ako kapag siya kasama moKapag siya ang dahilan ng mga ngiti mo
At dahil ng mga pagtawa mo
Sa tuwing siya ang kasama mo sa araw-araw
Nasasaktan ako kapag sa kniya ka masayaBakit Hindi na lang ako?
Bakit siya pa ang minahal mo?
Masakit na malaman na masaya ka sa kaniya
Na masaya kang kasama siyaSana ako naman,
Ang dahilan ng mga ngiti at pagtawa mo
Sana ako naman,
Ang kasama mo sa bawat arawHanggang sana na lang ba ako?
Aasa sa mga salitang binibitawan mo?
Mga salitang araw-araw binibigyan ako ng pagasa
Aasa na mahalin mo din
Kailan magiging ako?Kailan mo masasagot ang mga tanong na bakit
Mahal, kahit isang sagot lang sa mga bakit
Sa mga BAKIT na gumugulo sa utak ko
Bakit siya??Sana pagdating ng panahon masagot mo
Lahat ng BAKIT
![](https://img.wattpad.com/cover/161517671-288-k798607.jpg)
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PoetryAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya