Lagi ko tinatanong sa sarili ko
"Bakit ikaw parin hanggang ngayon?"
"Bakit ikaw parin sa halip na iba na lang?"
"Bakit ikaw parin kahit ang sakit sakit na?"
"Bakit ikaw parin lagi Kong iniisip?"Kamusta ka na ba? Malamang masaya ka na.
Tagal na din pala yung huli tayong magkausap at magkita. Minsan nga naiisip ko, pano kaya kung magkita tayo?
-
Siguro lalagpasan mo na lang ako na parang di kilala diba? Kasi sino ba naman ako? Ako lang naman kasi yung second choice mo.
-
Ako lang naman kasi yung hinahanap mo pag wala siya. Pero sana kahit minsan, sumagi rin naman sa isip mo na ako yung taong laging nandiyan para sayo.
-
Handa kang samahan kung kailangan mo. Handa kang bigyan ng advice at kausapin pag may problema ka. Pero bakit nga ba umasa pa ko na maibabalik natin yung dati?
-
Wala kana nga palang nararamdaman sakin kasi nandiyan siya. Siya yung gusto mo diba? At di na ako.
-
Pero alam mo? Nandito parin ako. Minamahal ka parin. Iniisip ka parin. Hinahanap ka parin. Namimiss parin kita. Kahit naman alam ko na di na ko yung sumasagi sa isip mo.
-
"Sana masaya ka palagi."
-
Ikaw parin ihh.
Ikaw parin yung dahilan kung bakit ayoko maghanap ng iba.
Ikaw parin yung nilalaman ng utak ko sa tuwing nakikinig ako ng kanta.
Ikaw parin yung gusto ko.
At kahit ang sakit-sakit na.
Umaasa parin ako na sana ako nalang. Kahit alam kung hindi na kailanman mangyayari pa yun.
Salamat sa lahat ha?
-
Mahal na mahal kita
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PoesíaAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya