Para sa mga LDR
Distansya yan ang pagitan
Nating dalawa, tayong dalawa.
Kung saan nabuo ang ating pagibig!.
Nasimula ito sa pagiging magkaibigan
Ngunit ikaw at ako ay hindi pa nagkikita
Sapagkat distansya, ilang kilomentro ating pagitan.
Ako ay nagpapasalamat sa mga teknolohiya na naimbento upang
Ikaw at ako, tayong dalawa ay makapag- usap oras-oras, minu-minuto
Mga tanong na kamusta ka? Kumain ka na ba? Ingat ka palagi?
At kung saan din nabuo ang saya!, na kay hirap limutin.
Kulitan, asaran, biruan, tawanan, awayan at marami pang iba..!
Kung saan ligaya ay damang dama!
Yung feeling na parang "TAYO" pero walang "TAYO"
Pero di nagtagal na ikaw ay umamin na ako'y
Iyong "MAHAL" at ikaw din aking "MAHAL".
Ang dating kaibigan ay naging NAGKA-IBIGAN hindi hadlang sa atin.
Ang distansya at ilang kilometro upang ating PAGMAMAHALAN
Ay hindi matuloy bagkus ito ay ating PINANGHAHAWAKAN!
Hindi madali ang malayo sa taong mahal mo
Yung feeling na gusto mo i celebrate ang mahahalagang araw
Ay hindi magawa ng magkasama
Dahil sa distansya,Ilang kilometro ang pagitan.
Distansya para sa mga taong lumalaban at patuloy na lumalaban.
Mahirap pero kailan kayanin,titiisin ang pangungulila sa isat isa basta ang IMPORTANTE, MAHALAGA, ang tiwala sa isat isa.
Ang hirap isipin ang taong mahal mo ay napakalayo
Di mo manlang maipakita at maiparamdam na kung gaano mo siya kamahal,
Pasasalamatan ang teknolohiya na nagbigay ng saya,
Tuwa sa mga labi lumbay at pangungulila ay napupuna ng ligaya
Kahit mahirap ay kakayanin, hindi mahalaga kung gaano kayo kalayo sa isat isa
Basta ang mahalaga mahal niyo ang isat isa.

BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PoetryAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya