Marahil ang mundo ay parisukat at hindi bilog
Kagaya ng pintig ng pusong tila wala nang tunog
At bawat salita wari'y salaming naging bubog,
Mga ngiti mong unti-unti nawalan ng alindog.
Tila mga ulap ay puno ng galit,
Hintaying dumampi sa iyong balat ang ulan na kay pait,
Habang inaalala ang sakit na paulit-ulit,
At iyong hiniling na sana'y hindi sinapit.
Muli, ang kasagutan ay nahahantong sa katanungan
Sa bawat sulok ng iyong silid ng nakaraan,
Pag-ibig na parang rosas na niyakap ng kalungkutan,
Nais nang ibaon hanggang ika'y makalimutan.
Sa huli ang mundo ay bilog at hindi parisukat
Ang puso ay natutong umawit at namulat,
Unti-unting pinulot ang bubog na sanhi ng sugat,
Ang sakit ay pinalaya at naglaho ang bigat.
Paghilom ay mahahagkan mo kinabukasan.
Maghihilom ang sakit na nasa puso mo
Maghihilom ang mga alaalang iniwan niya
Hintay mo lang na maghilom ang sugat
Maghihilom ang mga sugat na iniwan niya
Maghihilom ang mga sugat ng kahapon
BINABASA MO ANG
Spoken Word Poetry ( Completed )
PoetryAng mga tulang aking sinulat ay para sa mga taong nagmahal nasaktan umaasa pagkaakaibigan at pamilya
