Chapter 9: Tadhana

11 1 0
                                        

Nagtagpo ng hindi inaasahan

Nagkausap ng hindi sinasadya
Nagkatinginan na may kilitng naganap
Na tila bay may paru paru sa tiyan
Nag kamabutihan ng di inaasahan
Naging magkaibigan

Sa gitna ng paghahanap ko ng prinsipe
Tinuring mo kong tila bay isang prinsesang animoy
Kay tagal mong nakasama, muling nagkita pag katapos ng matagal na panahon
Pinahulog mo ang loob ko na inaakala kong sasaluhin mo

Binigay ko ang lahat ng meron ako
Di nagtagal aking lubusang ipinakita sa iyo kung ano ang mga bagay na aking kayang gawin
Di mo ko hinusgahan sa aking mga pagkakamali
Di mo alintangan ang mga bagay na iyon
Di ko nadama na may MALI
Di nakita ng dalawang mata ang iyong tunay na kulay, tila bay ako'y naging isang bulag
Di nagtagal nalaman ko ang iyong tunay na kulay

Tulad ng pagbabago ng ihip ng hangin at mga bitwin
Tila ika'y nagbago aking prinsipe
Tunay ba ito? O isang masamang panginip? Kung gayon ako'y iyong gisingin mula sa aking mahimbing na pagkakatulog
Tulunga mo kong takasan itong masamang panaginip

Ngunit ako'y isang hangal upang isiping ito'y isang panaginip na tila ba'y aking nais takasan
Ngunit bakit aking prinsipe bakit?
Ngayon ako'y nagising sa isang masakit na katotohanan

Katotohanang hindi lang pala ako ang babaeng pinapasaya mo
Katotohanang hindi lang pala ako ang babaeng napahulog mo
Katotohanang hindi lang pala ako ang babaeng tinuring mong isang prinsesa
Katotohanang di lang pala ako ang babaeng nag pasaya sayo

Akala ko ikaw na ang aking prinsipe
Perpektong prinsipe na sana, ngunit nagbalat kayo ka lamang
Parang mambihag ng mga babaeng mabibiktima mo
Para mambihag ng nga babaeng mahina tulad ko
Para mambihag ka lamang ng babaeng magpapasayao sayo sa tuwing ika'y malulungkot

May mali ba saakin?
Kulang pa ba saakin?
Hindi pa ba ako sapat sayo?
Bakit hindi ka makuntento?
Ilan ba kailangan mo?
Ano ba hinahanap mo?
Hindi pa ba ako sapat?

Nandito ako pero binabaliwala mo
Nandito ako nung mga panahong kailangan mo ko
Andito ako na lagi mong maasahan
Nandito ako upang ibiganin ka
Nandito ako aking prinsipe
Nandito padin ako kahit iyong labis na nasugatan
Nandito ako kahit iyong nasaktan
Nandito ako nguniy hanggang kelan?

Sana hindi na lang tayo pinagtagpo ng tadhanang mapaglaro
Sana di tumingi sa mga mata mong mapanglinlang
Sana di nakinig sa iyong nga labing tila ba'y isang rosas kung magsalita
Sana hindi na lang ako nahulog da iyong patibong
Sana di ka na lang nakilala
Sana kung lalapit kang muli ay kaya ko ng titigan ang iyong mha mata na hindi na muling mahuhulog sa iyong patibong
Sana kung magpaparamdaman kang muli ay manhid na ko

Kung sakaling ika'y malumbay muli wag ka ng lalapit saakinTama na maawa ka saakin at sa mga sakit na naidulot mo habang ika'y masaya sa piling ng ibaTAMA NA

Spoken Word Poetry ( Completed )Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon